Phoebe Walker addresses rumors that Coco Martin shouts at cast of Ang Panday

"Masaya ako, I'm happy na nakatrabaho ko si Kuya Coco [Martin]," says Phoebe Walker, who has been vocal about wanting to work with the actor.


Agad na dinepensahan ni Phoebe Walker and co-star na si Coco Martin sa isyung naninigaw daw sa set ng Ang Panday ang aktor. May kumakalat kasi na balita na sinisigawan daw ni Coco ang cast ng pelikula kapag mainit daw ang ulo nito.

Ang 35-year-old na si Coco ang tumatayong producer, director, at main lead ng remake ng pelikula na unang ginampanan at pinasikat ni Fernando Poe Jr. Isa si Phoebe sa mga supporting cast ng remake na isa sa mga entries para sa 2017 Metro Manila Film Fest entry.

“Wala, wala, wala pa naman akong nae-experience na naninigaw siya,” lahad ng 25-year-old na aktres.

”Siyempre, pag inaabot kami ng dis-oras na ng umaga, minsan may mga nagkakamali, di maiiwasan na minsan may kaunting inis factor.

“Sa stress din siguro yun.

“Pero yung manigaw ng ano, di ko pa na-experience.”

Patuloy pa ni Phoebe, “Masaya ako, I’m happy na nakatrabaho ko si Kuya Coco.

“Nung nagpo-promote ako for Double Barrel, nagpaparinig ako na sana maka-Probinsyano ako, ganun, ganyan.

“Pero at least, naka-Panday naman ako at na-meet ko siya.

“Masaya, mabait siya, maalaga.

“Of course, marami siyang ginagawa on set kasi director, actor, producer din siya.

“On the set din siya mag-isip, adlib kumbaga.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phoebe sa nakaraang launch at presscon ng Tabi Po, isang mini-series na mapapanood sa Sari-Sari network ng Cignal channel, noong nakaraang October 20 sa URBN QC sa Timog, Quezon City.

HUGE RESPONSIBILITY. Tinanong din namin si Phoebe kung paano hinahati ni Coco sa set ang pagiging producer, director, at lead actor niya sa Ang Panday.

Aniya, “Pag di siya kailangan sa eksena, dun lang siya behind the scene, may assistant director naman siya.

“Pag take naman niya, like nagkaroon kami ng fight scene, dini-direct niya ako mismo habang nagba-blocking kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap, pero nag-invite kasi siya ng mga foreign teams to the stunts, so sila ang mga naging fight directors namin, sila Direk Lao.”

Kuwento pa ni Phoebe, malaking produksyon daw ang Ang Panday at di biro-biro ang dami ng tao na hinahawakan ni Coco.

“Kalaban ako dun, minion ni Jake Cuenca.

“Siya yung pinakakalaban ni Coco Martin.

“Isa akong manananggal, magta-transform ako [into] manananggal.

“Maiksi lang, small participation lang.

“Eighty kami na artista daw—twenty na main tapos sixty kami na support tapos yung mga iba na extra-extra.

“Marami, big cast.”

Masaya ring ibinahagi ni Phoebe na si Coco raw ang mismong namili ng mga suporta sa pelikula.

Excited na rin ang aktres na makasama sa Metro Manila Film Festival parade ngayong taon.

“Sabi ni Tita Malou Crisologo, kami daw mga minions, hinand-pickdaw.

“Ewan ko kung saan ako nakita ni Kuya Coco, siguro sa kapaparinig ko sa press, napansin ako.

“Okay lang, nagpapansin lang.”

Si Malou Crisologo ang tumatayong supervising producer ng naturang pelikula.

Ayon pa kay Phoebe, tatlong floats daw ng Ang Panday ang magbibigay aliw sa fans sa gaganaping parada.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN