Seven Sundays grosses P180 million in 18 days, according to Star Cinema

by Glenn Regondola
Oct 31, 2017
Seven Sundays earned P180 million in the Philippine box-office, according to Star Cinema. This family movie stars Enrique Gil, Ronaldo Valdez, Cristine Reyes, Aga Muhlach, and Dingdong Dantes.

Kumita ng P180 million ang family drama na Seven Sundays sa loob ng 18 days.

Ayon sa Star Cinema, kinita ito ng pelikula sa Philippine box-office as of October 29, 2017.

Noong first day nito sa mga sinehan noong October 11, ang box-office gross nito ay umabot ng P10 million sa opening day.

In less than two weeks, kumita ito ng P153 million sa box-office, ayon sa film production arm ng ABS-CBN.

Ang Seven Sundays ay tungkol sa Bonifacio family na binubuo nina Ronaldo Valdez, Cristine Reyes, Enrique Gil, Dingdong Dantes, at Aga Muhlach.

Directed by Cathy Garcia-Molina, ang Seven Sundays ay graded A ng Cinema Evaluation Board.

Anim na taon ang hinintay ni Aga para muling bumalik sa pag-arte sa pamamagitan ng proyekto na ito.

Sa nakaraang interview, sinabi ng aktor na ang kuwento ng pelikula ang naging dahilan kung bakit pumayag siya na muling umarte sa big screen.

Continue reading below ↓

Kamusta naman ang naging karanasan niya ng pelikulang ito?

Pahayag ng Kapamilya actor, "Yung pelikula is my first time after my absence for how many years in the movie industry.

"That alone is what made it really nice.

"And then, coming to the set, first time kong makatrabaho si Dingdong, si Direk Cathy, si Cristine, si Enrique, so kinakabahan din ako.

"Although nung in-offer ito sa akin, at sinabi sa akin ang mga pangalan nila, sinasabi ko nga, nag-backtrack muna ako, parang nag-research muna.

"Alam mo namang mababait silang tao, na-confirm nga nung mag-shoot kami, nag-click kaagad kami.

"So it was the one of the best experiences for me, para sa akin."

Para kay Aga, karapat-dapat ang kanyang co-stars na maging idolo ng maraming kabataan.

"Kung paano kong buhatin sina Dingdong, Cristine, kahit sa mga milyun-milyon nilang fans, sinasabi ko talaga na hindi ko nagkamali sa paghanga kina Enrique, kay Dingdong, at kay Cristine kasi napakababait na tao talaga."


STORIES WE ARE TRACKING


Continue reading below ↓



Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seven Sundays earned P180 million in the Philippine box-office, according to Star Cinema. This family movie stars Enrique Gil, Ronaldo Valdez, Cristine Reyes, Aga Muhlach, and Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results