Derek Ramsay returns to ABS-CBN; says, "It's very strange being here..."

IMAGE From Instagram account of Star Cinema

Derek Ramsay (left) does a Star Cinema movie with Bea Alonzo and Paulo Avelino despite being a TV5 contract artist.


Lunes noong nakaraang linggo nang tumungtong muli sa bakuran ng ABS-CBN si Derek Ramsay para sa story conference ng pelikulang Kasal.

Produced by Star Cinema, under the direction of Direk Nuel Naval, makakasama ni Derek sa nasabing pelikula sina Paulo Avelino at Bea Alonzo.

Sinabi ni Derek na ang chance na makaparehang muli si Bea at mai-direk muli ni Direk Nuel ang ilan sa mga rason kung bakit niya tinanggap ang pelikula.

"It’s very strange being here, walking through these hallways. Ang tagal na, it’s been years pero it’s nice to reminisce," kuwento ni Derek.

Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa look test ng Kasal sa Studio 8 ng ABS-CBN.

"I'm really excited about this project kasi parang complicated ng mga characters namin dito.

"Alam ko na lagi naming sinasabi na this is something new, but this one, something new to another level.

"Very matured, very sexy pero yung sexy, di yun ang excitement ng istorya.

"We cannot give details for now, pero grabe yung complications ng characters dito sa pelikulang ito.”

Dagdag pa ni Derek, masaya siya na muling makatrabaho si Bea.

"Grabe, yung mga experiences ko kay Bea, unforgettable.

"Nag-One More Chance kami, nag-And I Love You So. Sa TV nagkatrabaho din kami sa Magkaribal.

"One of the biggest reasons I accepted the project, besides its beautiful script, is to able to work with Bea and Direk Ruel Bayani.

"Si Direk Ruel, nagsama kami sa No Other Woman, I mean to be paired again with these guys is such an honor and a blessing."

Kasama pala dapat si Derek sa pelikulang The Mistress, na pinagbidahan nina Bea at John Lloyd Cruz, kasama ang veteran actor na si Ronaldo Valdez.

"The Mistress? Nag-umpisa kami but something happened, it was unfortunate.

"Pero ang tagal ko nang gustong makatrabaho uli si Bea. Ang kagandahan sa pelikulang ito, one year na ito, e. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat nag-umpisa na kami one year ago. Schedules namin ni Pau, ni Bea, di magtugma.

"So they have all the rights, all the reasons, to replace all of us kasi di nga nag-aayos yung schedules namin.

"Pero pinaglaban talaga nila na kami ang gumanap ng characters dito sa pelikula.

"It’s meant to be and again I have the opportunity to work with such big stars, very intense team of young actors [I've been] wanting to work with."

BALIK KAPAMILYA? Agad naming tinanong ang aktor kung nangangahulugan kaya ito sa malaking posibilidad na babalik na rin siya sa Kapamilya network.

Pahayag ng 40-year-old actor, "Di ko pa alam. You know I’m still under contract, that’s my responsibility.

"Siyempre, I won’t entertain anything first for now, kasi may kontrata pa ako. TV5 has been great to me. So we’ll see."

Hindi naman daw sinasara ni Derek ang kanyang pinto sa posibilidad na bumalik sa ABS-CBN pagkatapos ng kanyang kontrata sa Kapatid Network.

"Closing doors? No, no, of course not. But, of course, my priority is TV5.

"I’ve been there for six years, going six years and they’ve been very, very good to me.

"I know it’s in my character, I have to show my respect."

Tinatapos din ngayon ni Derek ang All of You, isa sa mga entry sa 2017 Metro Manila Film Festival, kung saan makakapareha niyang muli si Jennylyn Mercado.

"Yes, second time namin na magkasama sa pelikula.

"Yung English Only Please was a very cute rom-com. This movie that we’re working on right now is more matured, so kakaiba siya sa una."

Hindi naman big deal para sa aktor kung second choice lang siya sa role na unang inalok kay Jericho Rosales.

"I'm blessed to be given work. Unfortunately, if things didn’t turn out for Jericho to do this movie, I’m sure he has his own reasons kung bakit di niya nagawa ang pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s been handed to me, I know I was not the first choice. It’s not a problem."



Stories We Are Tracking

Why was Jericho replaced by Derek in MMFF entry of Jennylyn?
Why was Jericho replaced by Derek in MMFF entry of Jennylyn?
Derek Ramsay:
Derek Ramsay: "Hindi na ko banned sa ABS-CBN."
Jennylyn shows aggressive side to Derek in MMFF entry teaser
Jennylyn shows aggressive side to Derek in MMFF entry teaser





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN