Alice Dixson drops hint about her upcoming prime-time series

IMAGE From Instagram account of Star Cinema

Alice Dixson recalls how the late National Artist for Film Ishmael Bernal tagged her as "Alice Diction."



Hindi ikinu-consider ni Alice Dixson ang The Ghost Bride bilang kanyang comeback movie. 

Ang pinakahuling pelikulang ginawa niya ay ang When the Love is Gone noong 2013 na pinagbidahan ni Andi Eigenmann, directed by Andoy Ranay at produced by Viva Films.

“Every time naman na gumagawa ako ng movie nagiging comeback, hindi naman," giit niya.

"Ano lang, siguro mapili rin ako sa pelikula and when I come out I really want something that people will recall, remember kung ano yung ginawa ko doon.

"So like I said earlier, when I found out it was Direk Chito [Roño], he was one of the few directors that I’ve been wanting to work with for a long, long time. Yun na yun.

"When I met him and when I got to talk to him, nandun yung paghanga ko. I wanted to get inside his brain and I wanted to know more how he would do his films."

Noong namamayagpag ang karera ni Alice sa Regal Films, hindi niya nakasama sa kahit na anong acting project si Chito Roño.

"No, never. I think he was writing scripts kasi back then," pag-alala ni Alice.

Naidirehe siya ni Joey Reyes, pero marami ang naniniwalang si Maryo J. de Los Reyes nagbigay ng actress recognition sa kanya.

Simulang pagbabalik-tanaw ni Alice, "Kung nabalitaan niyo, nabansagan yata ako ni Direk Ishmael, the late Ishmael Bernal ng 'Alice Diction' kasi puro slang ako magsalita.

"And yun, Direk Maryo J. helped me para paghusayan ang aking mga drama performances. 

"Nung time na yun, gumagawa kami ng Regal Golden Hour Presents Alice. It was during the 1990s. 

"Kasi ’89 lumabas yung Nagbabagang Luha. Yun yung time na nasampal-sampal ako ni Ate Lorna [Tolentino] and... maraming kuwento.

"When we were shooting up in Baguio with Direk Ishmael, hindi pa ako masyadong marunong mag-Tagalog noong late '80s.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay kinu-consider na si Alice bilang isa sa pinakamahusay na aktres ng local showbiz. 

Lagi ring inaabangan ang kanyang mga acting projects, mapa-TV man o pelikula.

Komento niya tungkol dito, "How do I make myself relevant? I think, I try to choose different roles. 

"Kasi like there was this TV5 show that I did na may pagka-May-December affair.

"After that, may mga dumating na roles na halos pareho and I said, 'Nagawa ko na yun, puwedeng iba naman?'

"So, I’m always looking for something different to do. Maybe that’s one of the reason."

GHOST BRIDE. Natanong ang seasoned actress kung open ba siyang maging ghost bride, na tawag sa mga babaeng nagpapakasal sa isang pumanaw na lalaki upang pumayapa ang kaluluwa nito. 

Nakangiting sagot ni Alice, "Sa tingin ko, I would really consider it.

"Oo, may happy ending naman. Sabi mo yung lola ni Kim tumama nang bonggang-bongga, di ba?" na ang tinutukoy niya ay ang pagyaman ng distant relative ni Kim pagkatapos sumailalim sa Chinese tradition na ghost marriage. 

"I have a retort for that, once you get married in the Philippines, you can never get married again anyway. 

"So, at least, mayaman ka pa."

Ikinasal si Alice sa isang non-showbiz guy at naninirahan sila nang matagal sa Canada. Pero matapos ang ilang taon, nagdesisyon silang mag-divorce.

Looking-forward si Alice sa mga susunod pang movie sa Star Cinema at sa inaasahang indie film na ayaw muna niyang sabihin ang detalye.

Saad pa niya, "Basta may magandang role for me. Kahit hindi Star Cinema.

"I’m also open to be doing indie films. May gagawin rin ako. Well, fingers-crossed. I hope matuloy itong isang indie film ko, in January naman.”

Si Alice na mismo ang nagma-manage ng kanyang showbiz career.

"Under Alice Dixson Management!" sambit niya sabay tawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have Renezel Punzalan, she is my business coordinator and she does everything that I can’t do, which is a lot."

Nang tanungin naman tungkol sa upcoming TV project niya, sinabi ni Alice na bahagi siya ng isang upcoming Kapamilya prime-time series.

“I can tell you the working title, it’s called Nostalgia, primetime, epic. Very Romeo and Juliet.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN