Will Sylvia Sanchez and Enchong Dee have a kissing scene in Cinema One entry Nay?

IMAGE Noel Orsal

Sylvia Sanchez on her scene with Enchong Dee: "Ay, nag-lips to lips tayo!'"



Idinaan sa biruan nina Sylvia Sanchez at Enchong Dee ang pagsagot nila sa tanong kung mayroon silang kissing scene sa indie film nila titled Nay.

Directed by Kip Oebanda, ang Nay ay isa sa official entries sa full-length category ng 2017 Cinema One Originals film festival.

“Actually, not naman kissing scene talaga. Kailangan lang na magtagpo yung lips namin. Naglokohan nga kami ni Enchong, ‘Ay, nag-lips to lips tayo!’” sabay tawa ni Sylvia.

Ni-rehearse ba nila ang eksenang ito?

“Ni-rehearse namin. Tapos nagplano na kami, ‘O, alam na natin yung susunod nating pelikula together,’” ani Enchong.

Sabat naman ni Sylvia, “May-December affair. Payag na siya na iyon ang next naming project.”

Kamusta naman ang lips ni Sylvia?

“Ang sarap!” pabirong sambit ni Enchong. “Ang swerte ni Tito Art [Atayde, asawa ni Sylvia].

"Sabi ko nga, ang laking bagay na magkaibigan kami. Tapos ang laking bagay na na-guide din kami ni Direk, kasi yung ganung eksena hindi siya magwo-work talaga kung hindi kayo kumportable sa isa’t isa.”

Dagdag pa ni Sylvia, “Kasi may pasahan na mangyayari, galing sa bibig ko papunta sa bibig niya. May pasahang naganap.”

Bahagi raw kasi ito ng isang seremonyas kung saan ang role ni Sylvia na aswang ay gagawin ding katulad niya ang kanyang alaga na ginagampanan naman ni Enchong.

Hindi ba naging awkward para kay Sylvia ang naturang eksena nila ni Enchong?

“Medyo kasi ang tanda ko tapos si Enchong ang bata. Pero siya parang, ‘Tita Sylvia, ano ba, magkaibigan tayo.’ So, iyon ang natuwa ako nung ginanun ako ni Enchong. Kasi siyempre ako parang nakikita ko siya sa bahay kasama yung mga anak ko, tapos eto ngayon hindi naman talaga kissing scene pero nasa istorya.

Dumating sa point na talagang kailangan. Pero thankful ako kasi hindi nag-inarte si Enchong, naging game siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Sylvia at Enchong sa grand presscon kamakailan ng 13th Cinema One Originals sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Mapapanood ang Nay bilang isa sa full-length entries ng 13th Cinema One Originals na tatakbo mula November 13 hanggang November 21 sa Trinoma, Glorietta, Gateway, U.P. Cine Adarna, Cinema 76 at sa Cinematheque sa Kalaw, Manila. Magkakaraoon naman ng extended run sa November 22-28 sa Power Plant Mall.

ON PORTRAYING AN ASWANG. Ayon kay Sylvia, nag-enjoy siya sa pagganap na aswang.

Ibang-iba raw ito sa huling role na ginampanan niya sa ABS-CBN daytime teleserye na The Greatest Love bilang si Gloria, isang nanay na may Alzheimer’s disease.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-enjoy ako. Pagbasa ko pa lang ng script, sobra na akong na-in love sa character ko. From Gloria na minahal ng lahat ng tao na hindi halos makapanakit ng kapwa o ng hayop, dito sa Nay kinakain ko ang mga tao. Kaya iyon ang nagpa-okay sa akin, ‘Go, i-shoot na natin ito!’” ani Sylvia.

Natakot ba siya noong ginawa niya ang pelikulang ito?

“Hindi naman. Pero mayroon akong isang scene na talagang natakot ako na para bang kaya ko ba ito. Nasa fourth or fifth floor yata ako na parang gumaganun yung building, natakot talaga ako kasi nasa tuktok kami ni Enchong nangangaso ng tao.”

Naniniwala ba siya sa aswang?

“Well, oo, kasi taga-Mindanao ako. Lumaki akong sinasabi sa akin na may aswang, although hindi pa ako nakakakita. Pero bali-balita sa Mindanao, common iyon doon, kaya kinalakihan ko iyon doon.”


Stories We Are Tracking

Why did docu back out from Cinema One Originals 2017?
Why did docu back out from Cinema One Originals 2017?




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN