Alessandra de Rossi plans to focus on directing next year

IMAGE Noel Orsal

Aside from being hailed as a critically-acclaimed box-office actress, Alessandra de Rossi spreads her wings further by writing the script for her latest movie, 12. But she wants to go further and explore her creative potentials as a director as well.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alessandra de Rossi sa presscon ng Viva Films movie na 12 na pinagbibidahan niya (bilang si Erika) at ang newbie actor na si Ivan Padilla (bilang si Anton)

Ito ay idinirihe ni Dondon Santos, at ipapalabas na sa mga sinehan sa November 8.

Ginanap ang presscon sa Le Reve Events Place noong October 11 sa Le Reve Pool Party Venue and Events Place sa Quezon City.

Kuwento ni Alessandra tungkol sa bagong drama-romance movie niya, “Nung ginawa ko siya [12], ayoko talaga ng romcom.

“Kasi nga lahat na lang romcom.

“So ibalik natin yung mga pelikula noon na dramang-drama...

“Yung talagang pang-MMK [Maalaala Mo Kaya], or mga Metro Manila Film Festival na Hihintayin Kita sa Langit.”

Ang Hihintayin Kita Sa Langit ay isang heavy drama–romance movie nina Dawn Zulueta at Richard Gomez na ipinalabas noong 1991.

“Of course, malayo itong 12, wala ito sa langit, sa bahay lang kami,” biro ni Alessandra.

“Pero yung ganung levels, yung hindi mo kailangan ng magpatawa or natatawa ka na lang, dahil makaka-relate ka, o masasabi mong, ‘Ganyan na ganyan kami ng dyowa ko!’

“Ganun, ganun.”

ASPIRING DIRECTOR. Si Alessandra ang sumulat ng script ng 12, at napag-alaman namin na bukod sa pagiging artista at scriptwriter ay nais din ni Alessandra na maging isang film director.

Lahad niya, “Ngayon, honestly? Oo!”

At kapag nabigyan na siya ng pagkakataon na maging isang film director, sino ang una niyang nais na idirehe na mga artista?

Aniya, “Kaya ko basta magaling.

“Pagka ano nga, ayoko naman na, “Huy, ikaw nga ang magdirek ng ganito!’ ‘O sige, sige!’

“'Tapos, binanggit yung pangalan ng isang artista, ‘Sige, sige.’

“'Tapos, binanggit yung isa pang pangalan, ‘Kayo na lang po ang magdirek!’”

Pinaplano na nga talaga ni Alessandra ang pagiging direktor niya at may mga pangalan na ng mga artistang posibleng hawakan niya bilang lady director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkumpirma niya, “May sinasabi na pero ayoko munang sabihin dahil baka hindi magkatotoo.”

So tuloy na talaga ang pagiging direktor niya?

“Oo!

“Tingin ko next year,” estima niya.

Sino sa palagay niya ang magga-guide sa kanya sa pagdidirek?

Saad niya, “Knowing me kasi, hindi ako nahihiyang magtanong, lagi akong… kahit sino.

“Kahit nung nagdirek nga ako ng music video nitong 12, sabi ko kay Noel Teehankee yung DP [Director of Photography] namin, ‘Noel, wala akong alam sa mga 50, 25 [mm] na lente.

“Kung ano man 'yan, basta pag sinabi kong ganito, ikaw na ang magsabi kung ano’ng lente iyon.

“Gets mo na dapat yun, ha?’

“Parang ganun.

“Pero siyempre kung talagang seseryosohin mo siya, kahit paano yung basics dapat naman alam mo, di ba?

“E, para saan pa yung Google, di ba, at ang YouTube, at mga kaibigan mong nandiyan para sa iyo?”

Bukod sa pagsulat niya ng lyrics, pag-produce at pagkanta ng theme ng 12 (na Twelve) ay siya rin ang director ng music video nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN