Paolo Ballesteros describes difficulties of doing Trip Ubusan The Lolas vs. Zombies and Barbi D'Wonder Beki

Two movies of Paolo Ballesteros, Barbi D'Wonder Beki (left) and Trip Ubusan, The Lolas vs. Zombies (right) will have overlapping playdates.


Magkasunod na linggo ang playdate ng dalawang pelikula ni Paolo Ballesteros.

Nakatakdang ipalabas ang Trip Ubusan, The Lolas vs. Zombies simula November 22 at ang Barbi D’Wonder Beki naman ay mapapanood sa mga sinehan simula November 29.

Magkaiba ang kuwento ng Trip Ubusan, The Lolas vs. Zombies at ng Barbi D’Wonder Beki kaya hindi naniniwala si Paolo na may epekto sa mga nabanggit na pelikula ang magkalapit nilang playdates.

Magkaiba rin ang mga role na ginagampanan niya sa Trip Ubusan at Barbi, D’Wonder Beki kaya wala raw sa bokabularyo ni Paolo ang over exposure na salita.

Ramdam na ramdam ni Paolo ang pagod dahil sa mga pelikula na magkakasabay na ginawa at dalawang daily regular show niya sa TV pero hindi siya nagrereklamo.

“Ako pa ang nagme-make up sa sarili ko kaya legit kapag sinabi ko na sobrang pinaghirapan ko silang lahat," pahayag ni Paolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“May times na uuwi ako ng madaling-araw na naka-makeup at matutulog na lang ako.

"Hindi ko na tinatanggal ang make up ko para kinabukasan, 9 a.m. ang calltime, naka-make up na ako papunta sa location. Retouch, retouch na lang.

“Sobrang pinaghirapan talaga. Excited ako kasi siyempre, pinangarap ko talaga na maging artista pero hindi ko naman akalain na darating ang time na magkakasabay na ipalalabas sa mga sinehan ang mga pelikula ko kaya very thankful din ako sa mga nagbibigay sa akin ng tiwala.

“Kaya ganoon din naman ang ibinabalik ko na dedication sa work. Sana, suportahan at panoorin ng mga Dabarkads natin ang mga pelikula ko dahil pinaghirapan ko talaga lahat.

"Bago ako umalis ng bahay, ako pa nag-aayos ng mga gamit ko. Ako ang unang dumarating at pinakahuli na umaalis sa set dahil nagliligpit pa ako ng mga makeup at gamit, tapos magmamaneho pa pauwi,” ang kuwento ng Eat Bulaga host na may paniniwala rin na posibleng magkaroon ng lovelife, kahit kaliwa’t kanan ang trabaho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naniniwala ako na kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan, di ba?” ang pahayag ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN