Pia Wurtzbach on combat scenes in MMFF entry: "Nagbu-beauty pageant noon tapos ngayon nananapak ako ng tao."

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach has traded her crown for harnesses in the movie Gandarrapiddo: The Revenger Squad. In this MMFF 2017 entry, she gets to display what she learned in her mixed martial arts training. 



Isa si Pia Wurtzbach sa mga bida sa Gandarrapiddo: The Revenger Squad, na entry ng Star Cinema sa 2017 Metro Manila Film Festival. Kasama niya rito sina Vice Ganda at Daniel Padilla.

Ito ang unang pelikula ni Pia pagkatapos ng 11 years. Ang kanyang huling pelikula ay All About Love noon pang 2006.

Tuluy-tuloy na ba ang pag-aartista niya?

“For now movies muna, walang teleserye anytime soon.”

Ayon kay Pia, may gagawin pa siyang ibang pelikula pagkatapos ng Gandarrapiddo.

“Hopefully next year we’ll start working on it, yeah.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pia kung mayroon ba siyang dream leading man. 

Sagot niya, “Wala naman akong specific na gustong maging leading man.

"As long as maganda yung chemistry namin dun ako.

"Iyon ang mas concern ko, yung magugustuhan ng mga tao.”

Dream role?

“Well ito nga [sa The Revenger Squad] medyo parang dream role na rin ito.

"Kasi medyo matagal ko ng gustong gumawa ng something na medyo challenging na may mga combat scene.

"So with this role I had to do some training for it also, harness training and some MMA [mixed martial arts] training na hindi ko talaga akalain na kaya kong gawin.

“Kasi parang layo naman dun sa nakasanayan ko ng gawin, di ba?

“Na nagbu-beauty pageant noon tapos ngayon nananapak ako ng tao,” kuwento ni Pia sabay tawa.

At dahil gusto niya ng mga action roles, tinanong namin kung ano ang reaksyon niya bagay rin siyang maging Darna ayon sa ibang fans.

“Hindi, okay na, si Liza naman bagay naman talaga kay Liza.”

Ang Kapamilya actress na si Liza Soberano ang napili para maging Pinoy superhero sa pelikulang maaaring ipalabas sa 2018.

Ngunit kahit si Liza na ang final choice for the superheroine, marami rin ang nagsasabing bagay kay Pia na maging Darna sa harap ng kamera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well thank you naman dun sa mga tao na iniisip na puwede rin ako," sagot ni Pia.

"Pero maganda talaga si Liza and I think she can pull off the role very well.”

Nakausap namin si Pia sa launch ng Empire Group of Companies ni pinamumunuan ni Jonas Gaffud.

Si Jonas ay siya ring head ng Mercator Model Management.

Bukod sa Mercator, nasa ilalim rin ng Empire.PH ang A&Q Studios (offshoot ng Aces & Queens na sikat na trainer ng mga beauty queens sa Pilipinas), G.A.M.E. (Glam Artists Management & Events), JAG Studio Lifestyle, at My Hotspot TV kung saan ipalalabas very soon ang cooking show ni Pia.

Ginanap ang launch na ginanap sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque City.

PIA THE COOK. Maituturing na bagong endeavour para sa Miss Universe 2015 ang paghu-host ng isang cooking show.

 “Well I was doing it like, medyo, kinda, during Miss Universe where sometimes they would ask me to make some dishes for online [content]. How to make lumpia, how to make this and that, empanadas and all that.

“But this is my first time to actually do a cooking show like from start to finish.

“Like, it’s purely cooking.

“So it’s very nice, it’s something new to me but I’m actually enjoying it a lot and I feel like as I’m going thru the episodes one by one, I feel like I’m getting better and better at it.”

Bakit cooking show? Idea ba ito ni Pia mismo o ng manager niya at Empire.PH head na si Jonas Gaffud?

“Well it’s just seems more natural because I finished culinary in Center for Asian Culinary Studies, in Café Ysabel before I competed for Binibining Pilipinas. 

"And that’s why it felt like, you know, it felt natural to try a cooking show for a change.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And also because I have endorsements with Magnolia Chicken, for example.

"I have endorsements with food and they all helped out with the concept of the cooking show also.”

At dahil show tungkol sa pagkain ang bago niyang project, tinanong namin si Pia, kung pagkain siya ay anong klaseng pagkain siya?

“Ah, actually hindi ko pa naiisip yun. Mahirap! Ano ba...

“Siguro kung pagkain ako, Filipino food ako, for sure.

“Gusto kong maging kare-kare!

“Kasi ang kare-kare kakaiba yung mga sangkap, yung mga ingredients natin, na hindi mo aakalain na pag cinombine [combine] yung mga flavors, masarap pala.

“Tulad nung peanut sauce, yung oxtail tsaka yung bagoong.

"O, di ba? Pag hinalu-halo mo lahat yun hindi mo akalaing masarap, pero  masarap pala talaga.”

Kung pagkain naman ang boyfriend niyang si Marlon Stockinger, ano si Marlon?

“Malambing kasi si Marlon. So, ano kasi siguro siya, sweet. Ewan ko,” sagot ni Pia sabay tawa.

“Dessert siya for sure.”

Ano namang pagkain si Jonas para kay Pia?

“Si Mama J [tawag ni Pia kay Jonas], medyo tough love si Mama J.

"So definitely something na parang kailangan mong kainin kahit ayaw mo, pero makakabuti sa iyo, tulad ng gulay. Di ba?” ang natatawa pa ring sinabi ni Pia. “

“Gulay, kahit hindi mo masyadong type kainin at the moment pero alam mong makakabuti sa iyo so kainin mo na.” 



Stories We Are Tracking

LOOK: Pia, Vice, Daniel in superhero costumes for MMFF entry
LOOK: Pia, Vice, Daniel in superhero costumes for MMFF entry
Derek replaces Jericho and other changes made in MMFF 2017
Derek replaces Jericho and other changes made in MMFF 2017
Here are the first four MMFF 2017 entries
Here are the first four MMFF 2017 entries






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN