Edgar Allan Guzman chose this ABS-CBN star as peg for gay role in MMFF 2017 entry Deadma Walking

by Jerry Olea
Nov 17, 2017
Edgar Allan Guzman (in photo) and Joross Gamboa top-bill the MMFF 2017 entry Deadma Walking.

Magandang birthday gift para kay Edgar Allan Guzman na nakapasok sa 2017 Metro Manila Film Festival ang dramedy nila ni Joross Gamboa na Deadma Walking.

“Birthday ko sa Lunes [November 20], and everyday ay ipinagdadasal ko ito. Ang gandang birthday gift ito sa akin,” masayang sambit ni EA sa interview. Ginanap ito kanina, November 17, matapos gawin ang announcement ng remaining MMFF 2017 entries sa Club Filipino sa Greenhills.

Dati ay back-up dancer lang ni Joross si Edgar Allan.

“Napasama na ako noon sa Shake, Rattle & Roll na entry sa MMFF pero hindi ako bida roon," sabi ni EA tungkol sa Shake, Rattle & Roll XIII na lumabas noong 2011.

“Hindi ko inaasahan na darating ang araw, may entry ako sa film fest na isa ako sa mga bida.”

Magkaibigang bading ang papel nina Joross at EA sa movie.

“Hindi kami magdyowa! Tunay kaming magkaibigan dito. Beshies! BFF [Best Friends Forever]!” masayang lahad ni EA.

Continue reading below ↓

“Iyong character ni Joross, pamhinta. Closet [gay] siya.

“Ang character ko na si Mark, wild. Maharot. Baklang-bakla. Ang peg ko, si Vice Ganda.”

Sabi pa ni EA, pareho silang bida ni Joross sa movie kaya nagbigayan sila at hHindi nagsapawan.

Paano pagdating sa nominasyon? Maglalaban ba sila sa kategoryang Best Actor?

Sagot ni EA, “Bilang kapatid at respeto na rin kay Joross, ibigay na natin sa kanya ang lead role!”


STORIES WE ARE TRACKING



Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edgar Allan Guzman (in photo) and Joross Gamboa top-bill the MMFF 2017 entry Deadma Walking.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results