Kenneth Medrano assures there's no jealousy among That's My Bae members

IMAGE Noel Orsal

Kenneth Medrano always thinks of the welfare of his fellow That's My Bae colleagues when they get projects: "Iyon nga po yung pinagpe-pray ko palagi, na hindi lang po ako yung may mga projects, kami po lahat or kung mas mabuti, kami pong grupo."


Iniyakan ni Kenneth Medrano ang una niyang pelikula na Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies!

Ito raw ang una niyang naging reaksyon nang malaman niyang kasama siya sa cast ng pelikula.

“Siyempre umiyak po ako, tumawag po ako agad sa mommy ko sa Cebu, kay Miggy na magkaka-movie kaming dalawa.

“Kasi hindi po ako makapaniwala na I’m from Cebu lang po dati… Sana po maging proud ang mga Cebuano sa akin.”

Ngayon nga, tulad ng kapwa niya That’s My Bae colleague na si Miggy Tolentino, kasama na si Kenneth sa naturang pelikula na pinagbibidahan nina Jose Manalo (as Lola Tinidora), Wally Bayola (as Lola Nidora) at Paolo Ballesteros (bilang si Lola Tidora).

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kenneth sa presscon ng Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies na ginanap noong November 16, Huwebes, sa Matrix Creations Events Venue sa Quezon City.

Umiyak rin daw ang mga magulang ni Kenneth nang ibalita niya sa mga ito na may pelikula na nga siya.

Gaganap si Kenneth sa pelikula bilang si Aladin at si Miggy bilang si Will.

Kasama rin nila dito sina Ryzza Mae Dizon (bilang Marcy), Taki Saito (bilang Irish), Shaira Mae dela Cruz (bilang si Cath), Jayvhot Galang (bilang Melo) at Caprice Cayetano bilang si Charmaine.

Sa direksyon ni Mark Reyes, ipapalabas ito sa mga sinehan ngayong Miyerkules, November 22.

Ito ay co-production ng APT Entertainment at M-ZET Productions.

NO JEALOUSY AMONG BAES. Inintriga naman namin si Kenneth; bakit sila lang ni Miggy ang kasali sa Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies?

Bakit wala sa pelikula ang iba pang Eat Bulaga! baes na sina Joel Palencia, Tommy Peñaflor, Jon Timmons at Kim Last?

Kibit-balikat niya, “Ahhh, hindi ko lang po alam, e.”

Hindi ba nila napag-usapan?

Patuloy niya, “Hindi, wala, wala po.

“Kasi bale po sa Eat Bulaga, magkaka-grupo po kami, sa labas naman po ng Bulaga kanya-kanya naman po kaming pa-angat, kanya-kanya po kaming pagpapakita ng ano namin...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung paano mag-improve sa pag-arte, kasi baka siguro po yung mga boss nagtatanong, ‘Sino magaling diyan?’

“Ganun, ‘Sino magaling sa anim?’

“E, baka siguro po, kami yung nakita ni Miggy.

“Pero magagaling din naman po yung mga kasama ko.”

Hindi raw nila pinag-uusapan ang tungkol sa ganoon.

Aniya, “Kasi pag ako po sinabi ko, baka sabihin, ‘Mayabang si Kenneth kasi may movie na, porke’t…’

“Ganun-ganun po. So tahimik na lang po ako, tahimik na lang po kami ni Miggy.”

Pero ngayon alam na ng apat na may movie sila ni Miggy, wala bang sinasabi ang mga ito?

Pakli niya, “Siyempre, proud po sila sa amin ni Miggy.

“Sinasabi naman po nila sa amin, sobrang proud po nila sa amin at manonood po daw po sila.”

Magkakasama rin ang buong grupo ng That’s My Baes na endorsers ng Heroes Barber Shop.

Saad niya, “Iyon nga po yung pinagpe-pray ko palagi, na hindi lang po ako yung may mga projects, kami po lahat or kung mas mabuti, kami pong grupo.”

INDECENT PROPOSAL. Samantala, umamin si Kenneth na nakaranas na siyang makatanggap ng indecent proposal mula sa isang bading.

Kuwento niya, “Kain lang daw po kami tapos bibigyan daw po ako ng forty thousand! Yung ganun.”

Ano ang isinagot niya sa naturang bading?

Lahad niya, “Wala. Sineen ko lang po.”

Hindi raw niya kilala ang naturang bading na nagpadala ng mensahe sa kanya sa pamamagitan ng Facebook messenger.

Paano kung condo unit at kotse ang ialok sa kanya?

“E, parang kaya ko naman po iyong bilhin, e.

“Tulad ngayon may kotse na po ako dahil sa pagod ko po.

“At may condo na rin po ako, pero hindi po sa akin. Parang nag-uupa pa rin po ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN