Edgar Allan Guzman on Deadma Walking co-star: "Backup dancer lang niya ako dati."

Edgar Allan Guzman is grateful that their movie Deadma Walking was selected for the 2017 Metro Manila Film Festival. "Isa pang nata-touch ako kasi galing ako kay Joross [Gamboa]. Backup dancer lang niya ako dati. Hindi ko ini-expect na magiging bida kami sa isang pelikula na makakapasok sa Metro Manila Film Festival."



Nagdiwang ng ika-29 na kaarawan si Edgar Allan Guzman noong November 20.

Para sa GMA-7 actor, maagang birthday gift sa kanya ang pagkapili ng pelikulang Deadma Walking bilang isa sa official entries sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Humabol si EA sa announcement presscon ng eight official entries ng MMFF 2017 para makisaya sa kanyang director na si Julius Alfonso na masayang sinalubong ang balita na pasok ang Deadma Walking bilang entry sa taunang festival.

“Isang mensahe ng pelikula ay ang kahalagahan ng friendship,” pahayag ni EA nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media.

“Hindi lang ito puro katatawanan o kalokohan. May aral din kayong mapupulot sa ending ng movie. Sana po lahat ng mga kababayan natin ay tangkilikin ang Deadma Walking, pati na rin ang ibang entries.”

May Vice Ganda, may Coco Martin, may Vic Sotto silang kalaban. Paano sa tingin niya ang gagawin ng Deadma Walking para maka-attract ng audience?

“Siguro nasa amin ni Joross iyon kung paano namin aakitin ang mga tao.

"Siyempre, nasa strategy namin kung paano namin ipo-promote ang pelikula.

"Ako naman ay naniniwala na tayong mga Pinoy, every Christmas, mahilig tayong manood ng sine.

"Naniniwala ako, na lahat ng pelikulang kalahok sa MMFF papanoorin at tatangkilikin ng mga tao.”

Pag napanood namin ang Deadma Walking, ano ang mare-realize namin?

"Naku, mapapatawag kayo sa mga kaibigan mo at sasabihin mo sa mga  kaibigan mo na, 'I love you.'"

BIRTHDAY GIFT. Hindi raw masyadong maganda ang birthday niya last year pero nakabawi naman daw siya this year dahil pasok sa MMFF ang Deadma Walking.

Para sa kanya, isang napakagandang birthday gift ito.

“This is another opportunity for me," pahayag niya. 

"May nagbubukas na naman na pinto for me. Special ang birthday ko kasi may natanggap akong good news. Actually, after namin gawin ang movie na ito, every night, every day, ipinagdarasal ko na sana mapili ang movie namin sa film fest. 'Kayo na po, Lord ang bahala.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa akin napaka-significant ng moment na ito kasi kababalik ko rin lang sa MMFF when I did Shake, Rattle & Roll pero hindi ako ang bida. Ngayon naman dalawa kami ni Joross na bida,” patuloy pa ni EA.

Ano ang naramdaman niya nang itawag sa kanya na pasok sa MMFF ang Deadma Walking?

“Siyempre sobrang happy," tugon niya.

"After that nagdasal ako kay Lord. Nagpasalamat ako. Na-excite ako pumunta rito.

"Na-excite akong makita ang mga taong bumubuo ng pelikula namin kasi from the start, kapit-bisig kami na sana makapasok ang pelikula namin. Worth it lahat ng pagod.

“Happy ako para sa sarili ko, para kay Kuya Joross, sa pagkakaibigan namin.

"Isa pang nata-touch ako kasi galing ako kay Joross. Backup dancer lang niya ako dati.

"Hindi ko ini-expect na magiging bida kami sa isang pelikula na makakapasok sa Metro Manila Film Festival.

"Para sa akin, napakaimportante ng moment na ito. Thankful kami ni Joross.”

Ano ang kaibahan nito sa ibang gay roles na nagawa niya?

"Ito all-out na.

"Hindi naman komo sinabing all-out may love scene. Hindi po ganoon. All-out na binigay ko na lahat.

"Magpapatawa ako, magpapaka-emotional ako. Aaliwin ko ang mga tao. Para sa akin, dito ko binigay lahat. All out na.

"Physical, baklang-bakla ako talaga. So ang peg ko rito ay si Vice Ganda talaga."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN