Bianca Umali's dream superpower will leave you heartbroken

IMAGE Noel Orsal

Kambal Karibal actress Bianca Umali admits the pressure they are facing with their new soap's competition. "Yes, mahirap naman po talaga ang kalabanin kung ano yung dapat namin kalabanin pero let's give the show a chance."



Unang pelikula na magkasama nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang Barbi D’ Wonder Beki.

"Actually this my first ever movie na kasama ako sa cast," ayon kay Bianca.

"Because my first ever movie before, extra lang po ako. Iyong Yaya And Angelina po.” 

Comedy film ito noong 2009 nina Ogie Alcasid at Michael V.

“Bata pa po ako nun.”

Bakit matagal bago nasundan?

“Hindi ko po alam,” at ngumiti ang 17-year-old Kapuso actress.

“Ngayon lang po ako nila binigyan, I guess?”

Kumusta ngayong may pelikula sila ni Miguel?

“Masaya po, bago. Sobrang masaya po!”

Lagi silang magkaeksena sa Barbi D’ Wonder Beki na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros bilang Barbi/Billy.

Mas espesyal nga dahil si Miguel ang kapareha niya.

“Opo.”

Paano naman katrabaho si Paolo?

“Masaya pong katrabaho si Kuya Pao! Very professional siya pero at the same time, sobrang relaxed lang and approachable, palabiro.

“And gandang-ganda ako sa kanya everytime naka-make-up siya, naka-Barbi siya, sobrang ganda ni Kuya Pao,” ang bulalas ni Bianca.

Kung bibigyan siya ng superpowers (na tulad ni Barbi D’ Wonder Beki) ano ang pipiliin ni Bianca?

“Ay, ang hirap! Siguro po… to stop time. Para po, kasi marami po akong moments sa buhay na gusto kong mag-last for a long time.”

Tulad ng?

“Tulad ng… tulad nung mga times na kasama ko pa yung mommy’t daddy ko.”

Ulila na si Bianca. 

Pumanaw ang ina niya mula sa sakit na breast cancer noong five years old pa lamang ang Kapuso actress.

Ang ama naman niya ay pumanaw noong ten years old pa lamang si Bianca dahil sa heart attack.

Ano namang moments with Miguel ang gusto niyang mag-last kapag huminto ang oras?

“Mahirap po iyon! E, di every moment na lang nakatigil, e, di hindi na po tumakbo yung mundo natin,” sabay tawa ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa Limbaga 77 noong November 7 sa presscon ng Barbi D’ Wonder Beki na ipapalabas sa mga sinehan sa November 29.

NEW TV SHOW. Samantala magkasama rin bilang mga bida sa upcoming GMA-7 drama series na Kambal, Karibal sina Bianca at Miguel.

“We are airing on November 27," pahayag ni Bianca.

Kasama dito nina Miguel at Bianca sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Jeric Gonzales, Pauline Mendoza, Kyline Alcantara, Rafa Siguon Reyna, at sina Mr. Christopher de Leon at Ms. Gloria Romero.

Ano ang pakiramdam na sila ang papalit sa Alyas Robin Hood 2 ni Dingdong Dantes na Primetime King ng Kapuso Network?

“Mabigat po! Well this my first ever title role, very thankful for that, yes."

“Nakaka-pressure po kasi si Kuya Dingdong ang papalitan namin and it’s not that easy.”

Mabigat ang katapat nilang programa.

“Yes, mahirap naman po talaga ang kalabanin kung ano yung dapat namin kalabanin pero let’s give the show a chance.

“Kasi hindi naman po talaga imposible, na kaya naming taasan yun.

“Malaki po yung cast namin.”

Mauunang mapanood sa TV ang Kambal, Karibal bago ang Barbi D’ Wonder Beki sa mga sinehan.

“Yes, we were expecting to start next year [ng Kambal, Karibal] pero nagulat kami na mauuna pa po siyang iere which is on November 27 kesa sa movie.”

Sa November 29 naman ang showing sa mga sinehan ng Barbi D’ Wonder Beki.

“And very exciting kasi kaming dalawa ni Miguel, we have two projects this month,” bulalas ni Bianca.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN