Chris Martinez says all is well between him and Citizen Jake director Mike de Leon

Meant to Beh director Chris Martinez says it is better to embrace whatever changes the Metro Manila Film Festival brings each year. "Di ba, in this industry, we should always be prepared in all the changes, sudden changes, yung ganun. That's the only way to survive."


Bago ang announcement ng final four movies na kabilang sa official entries sa 2017 Metro Manila Film Festival, nagkaroon ng isyu ang dalawang direktor sa industriya.

Ito ay sa pagitan ng veteran director na si Mike de Leon at ang director na si Chris Martinez. Ang usapin ay nag-ugat dahil sa mga pelikula nila.

Si Direk Mike ang director ng Citizen Jake.  

Samantalang isa sa naman sa walong pelikulang kalahok ngayon sa MMFF ang pelikula ni Chris Martinez na Meant to Beh.


Stories We Are Tracking

Directors Mike de Leon, Chris Martinez argue over MMFF 2017
Directors Mike de Leon, Chris Martinez argue over MMFF 2017

Natatawa at halatang iwas at ayaw nang pag-usapan pa ni Direk Chris ang naging isyu sa kanila ni Direk Mike nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) after ng announcement ng MMFF final four entries sa Club Filipino, Greenhills, San Juan.

Ayon sa director, maayos na raw ang lahat ngayon.

“Okay naman po, okay naman,” natatawang pahayag niya.

“Siguro pagod lang ako nun, ['tapos] nakabasa ko ng ganun.

"Alam niyo na, parang bakit naman ganun, di ba? Panoorin niyo na lang muna. Kasi, nakita niyo naman, di ba?

“Nakita niyo naman ang trailer ng walo. Ako, proud ako na kasama ako ngayong taong ito.

"Proud ako na I’m here for this festival.  At saka, nakita naman natin ang trailer ng iba pang kasama.”

Inamin naman ni Direk Chris na noong unang sinumite ng M-Zet Productions ang pelikula, ang director na si Tony Y. Reyes ang nakalagay na magdi-direk.

“They called me sometime in July and they said na ako raw ang magdi-direk.

"Pinabasa nila sa akin ang script. Noong nabasa ko ang script, they gave me one month to re-write.  So, I re-wrote the whole script.”

Sa Facebook page na lang daw sumagot si Direk Mike de Leon o nag-post ng tila statement nito. Hindi pa raw sila nagkakaroon ng pagkakataon na magkita o magka-usap ng personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa director, okay na raw talaga. Nag-sorry rin daw sa kanya si Direk Mike.

“Nag-sorry naman siya, sa Facebook din.”

Birong tanong namin kay Direk Chris kung na-screenshot daw ba nito ang mga pinost ni Direk Mike, maging ang sinasabi niyang pagsu-sorry.

“Ah oo, importante, di ba?” natatawang biro rin niyang sagot.

At saka nakiusap na, “Tama na, okay na.”

Patuloy ni Direk Chris, “Oo naman!  Siyempre I grew-up watching his films. All of his films so parang medyo nakakagulat lang na medyo makabasa ka ng ganun na inuunahan ang pelikula mo.

Hindi pa naman nila napapanood.”

Na-disappoint man daw siya noong una, pero ngayon daw ay okay na sa kanya ang lahat.

Panonoorin ba niya ang Citizen Jake kapag ipinalabas ito?

 “Oo naman, lahat ng films niya pinanood ko.”

Gusto ba niyang imbitahan din itong manood din ng Meant To Beh? 

“Kung may time siya, manood siya,” saad niya.

POSSIBLE TOP-GROSSER. Ang pelikula nilang Meant to Beh ang isa sa hinuhulaang posibleng lumaban sa bilang top grosser sa box-office ngayong MMFF 2017 dahil sa record na meron ang bida nito na si Vic Sotto.

May pressure ba sa kanya bilang isang director?

“Sana [panoorin] kasi pinaghirapan talaga namin yung movie and we made sure na it’s going to be enjoyable sa buong family.

"Kasi, pampamilya talaga yung kuwento.

“Nasa cast namin si Baste [of Eat Bulaga!], yung bata. Okay siya, gugulatin niya kayo sa movie na ito.

"Nagpakita talaga siya ng acting. Tumawa, umiyak, ganun ang ginawa ng bata.”

Unang beses lang din daw niyang mai-direk si Vic. Gayundin ang leading lady nito na si Dawn Zulueta.

“Actually, a lot of the people na kasama.

"Masaya, masaya kami sa set, e. Alam mo na tama ang ginagawa mo lalo na kapag comedy ang ginagawa niyo kapag masaya lang, magaan, nag-eenjoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Willing gawin yung ipinapagawa mo at pagkatapos minsan, sinu-surpresa ka nila, yung ganun.

"'Tapos nagbi-brainstorm kayo kung ano ang puwede nating gawin. Game na game naman sila.

“Okay yung experience,” saad niya.

Unang nakilala si Direk Chris na indie director na nagustuhan ng mga manonood.

Pero sa Meant to Beh, wala namang pagpapanggap na magpakalalim ng pelikula.

Gaano ito ka-commercial bilang pelikula?

Pag-amin ni Direk Chris, “Siyempre commercial siya but at the same time, pinaghirapan namin. And we made sure that we’re going to give you something different this year.

“It’s very entertaining and there’s something for everyone here kasi, meron ding bagets.

"Like Gabbi Garcia and Ruru Madrid, may Andrea Torres, may Daniel Matsunaga. Parang kumpleto, masaya.

“Pero, kakaiba yung kuwento niya. It would not be something that you would expect right away.”

CHANGES IN MMFF. Sa huli, tinanong namin si Direk Chris kung mas okey sa kanya ang mga bagong ruling ng MMFF ngayong taong ito. Kabilang na rin ang finished film sa criteria bago makunsidera bilang opisyal na kalahok sa festival.

“E, kasi sa akin naman, kung anong rules ang sabihin nila," sagot niya.

"Kasi naman, dyusko, ano ba ang history ng Filmfest? Pang-ilang taon na ba ito? Forty-three and it’s always different every year.

“Di ba, in this industry, we should always be prepared in all the changes, sudden changes, yung ganun.

"That’s the only way to survive. Dapat ready kang mag-adjust kung ano ba ang bagong rules ngayon ng filmfest, ano ba ang bagong gimmick, final four? Last four? Magic four?

“Ang festival na ‘to, ang dami ng pinanggalingan kung titingnan mo ang history niya.

"Parang hindi siya yung klase ng festival na set ang rules every year. Hindi siya ganun.

“Ako, bilang taga-industriya, parang tinatanggap ko na o, ano ang bago ngayong taon?  Ano ang surpresa? Kasi, nag-aadjust siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-aadjust siya sa panahon at pangangailangan ng industriya. So ako, tinatanggap ko yun na puwede siyang mag-iba-iba." 



Stories We Are Tracking

Last four MMFF 2017 entries based on finished films are...
Last four MMFF 2017 entries based on finished films are...
Directors Mike de Leon, Chris Martinez argue over MMFF 2017
Directors Mike de Leon, Chris Martinez argue over MMFF 2017
<em>Citizen Jake</em> director says MMFF 2017 selection process
Citizen Jake director says MMFF 2017 selection process "anomalous"
Here are the first four MMFF 2017 entries
Here are the first four MMFF 2017 entries




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN