Jose Manalo and Wally Bayola are lead stars in "Scaregiver"


(From left) Iza Calzado, Paolo Contis, and EhraMadrigal play supporting roles in Scaregiver, a horror-comedy producedby APT Entertainment. Their characters work in a mental institution called Instituto de Lukrezia.



APT Entertainment returns to horror-comedy with Scaregiver.

Almost one-fourth na ang natapos sa principal photography ngpinakabagong pelikula ng pelikulang Scaregiver na nagkaroon ng set visitnoong Linggo ng hapon, October 5, sa isang abandonang warehouse sa may Muñoz,Quezon City. Ang APT ay ang film arm ng TAPE na siyang producer ng GMA-7noontime show na Eat Bulaga!

Nasa kalagitnaan ng take si Uro dela Cruz, na siyang director ng pelikula, nangdumating ang PEP kung kaya't wala pa munang pinaupong artista kaya sa lineproducer na lang muna kami nagpakuwento.

Ang Ispirista: Itay, May Moomoo nina Vic Sotto at BJForbes ang unang full-length film at solo production ng APT Entertainment naipinalabas noong 2005. Isang horror (Txt) at isang animation (Urduja)ang isinunod na iprinodyus ng APT. Ang Ispirista ang unang pagsasamanina Jose Manalo at Wally Bayola bilang mga sidekicks ni Vic although nagkasamana rin sila Okay Ka Fairy Ko: The Legend noong 2004.

Tatlong taon ang nakalipas, hindi lang sidekicks kung hindisina Jose at Wally na ang mga bida sa Scaregivers.

Kuwento ito ng dalawang inosenteng napagbintangan sa isangkrimen. Dahil alam nilang wala silang kasalanan, kaysa makulong sa presinto,nagpanggap silang mga luko-luko kung kaya't sa isang mental institution siladinala. Doon, naging katulong sila ng namumuno doon dahil dati silang mgacaregivers. Ang hindi nila alam, hindi lahat ng mga nandoon (mga nurses at mgapasyente) ay buhay dahil ang iba sa kanila ay mga multo na.

Pumayag ang mga artistang tulad nina Iza Calzado, PaoloContis, Ehra Madrigal, at Edgar Allan Guzman na suportahan sina Jose at Wallysa kanilang unang pagbibida.

Nurse ang papel nina Iza at Ehra at isa namang pasyente siPaolo na pinagdududahang killer.

Nang umupo na sina Jose at Wally, ang unang tinanong naminay baka magalit sa kanila si Sharon Cuneta dahil sa titulo pa lang, parangspoof na ito ng Caregiver niya. Nagkataon pang si Chito Roño angdirector ng Caregiver na noon ay nagtampo dahil ang titulo ng horrorfilm niyang Sukob ay naging comedy na Pasukob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpaliwanag sina Jose at Wally na hindi ito spoof ng Caregiver,nagkataon lang mga dati silang caregiver ngunit wala dito ang sentro ng istoryakungdi sa mga kakatakutang nangyayari sa mental institution.

"Kasi doon tagabigay siya ng care, kami rito tagatanggap ngscare sa mga multo," paliwanag ni Jose.

Isa pa, tiyak naman daw na kakausapin ni Mr. Antonio Tuvierasi Megastar tungkol sa titulo ng pelikula. Malapit si Sharon sa mga Tuviera atmaiintindihan daw nito na hindi isang spoof ang Caregiver.

Nakatakdang ipalabas ang Scaregiver sa Novemberngunit hinahanapan pa ng tamang play date. May Iza movie rin kasi ang GMA Filmsna One True Love at may horror movie pa rin ang GMA Films na Sundona parehong hinahanapan pa rin ng tamang play date na baka ipalabas by the endof October or November.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN