Actor Junjun Quintana proud of artistic background

IMAGE Jojo Gabinete

Newbie actor Junjun Quintana on discovering his passion for acting only after trying out various jobs: "For about a year, I kinda snubbed the idea of becoming an actor. It took me a year when I realized na gusto kong sumabak sa pagiging aktor. To be honest, I'm really into music and arts. May mga tito ako na painters. Naging musikero ako before, nagbanda ako for a living."


Makulay ang buhay ng 31-year old actor na si Junjun Quintana dahil naranasan niya na magtrabaho  bilang street vendor noong bata pa siya para sa P50 na kita araw-araw.

Nursing student si Junjun sa Olivares School of Nursing sa Parañaque City.

Hindi niya natapos ang pag-aaral dahil maaga siyang naghanap-buhay para makatulong sa pamilya.

Bago naging artista, nagtrabaho rin si Junjun bilang sales personnel sa Ace Hardware store sa SM San Lazaro at sa isang insurance company sa Macau, pero napilitan itong bumalik sa Pilipinas dahil naging biktima siya ng intriga.

Kabilang si Junjun sa mga mahuhusay na artista at maaasahan sa acting department pero bihirang mabigyan ng importansya.

Ito ang dahilan kung bakit itinuturing niyang malaking privilege na mainterbyu tulad ng nangyari sa presscon ng Smaller and Smaller Circles, ang pelikula ng TBA Studios na ipalalabas sa mga sinehan sa December 6.

“It was just a self-discovery.

“Gusto ko rin pala na umarte,” pahayag ni Junjun sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagpasok niya sa entertainment industry.

Patuloy niya, “For about a year, I kinda snubbed the idea of becoming an actor.

“It took me a year when I realized na gusto kong sumabak sa pagiging aktor.

“To be honest, I’m really into music and arts. May mga tito ako na painters.

“Naging musikero ako before, nagbanda ako for a living.

“Acoustic band kami, tumutugtog kami sa MOA. Ginawa ko ‘yon for two years.

“Hindi ko alam na kaya ko rin pala na mag-improve sa harap ng camera.

SHOWBIZ LINEAGE. Sa pagkuwento ni Junjun, nalaman naming may mga kamag-anak din pala siya showbiz.

Kuwento pa niya, “If we will trace way way back, we’re related to Tessie Quintana [LVN star] po.

“She’s my tita lola. Quintana po talaga ang family name ko.

“My real name is Amando Quintana, Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unfortunately, hindi ko na inabutan ang tita lola. And I think we’re also related to the Vera Perezes.

“Na-trace na rin po namin, hindi pa lang kami nagkikita.

“Hindi pa kami nagkakaroon ng pagkakataon na mapag-usapan,” kuwento ni Junjun tungkol sa kanyang showbiz journey at ang pagkakaroon niya ng dugong artista.

Bukod sa importante niyang papel sa Smaller and Smaller Circles, mapapanood din si Junjun sa Hanggang Saan, ang afternoon drama series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez at ng anak nitong si Arjo Atayde.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN