Julia Barretto, described by Sharon as "pinakamagandang Barretto."

by Rose Garcia
Dec 3, 2017
Apart from being happy she's paired anew with Joshua Garcia in a movie, Julia Barretto feels blessed she gets to work with Sharon Cuneta and Robin Padilla in Unexpectedly Yours. "I'm very, very thankful for this experience. You learn a lot, not just acting-wise… yung nakikisama ka sa buong staff, sa buong crew. They're really good examples," says Julia.

Kumpara raw sa mga character nila sa Unexpectedly Yours, masasabi ni Julia Barretto na “expected” ang pagtatambal nila ni Joshua Garcia sa pelikula.

Sabi niya, “Siguro po sa film… of course, unexpected na mag-cross yung path ni Yanni at ni Jayson.

“Siyempre, nakita lang naman ni Jayson si Yanni, hindi naman napansin—"

Bigla namang sumingit si Joshua habang nagsasalita pa si Julia.

Gusto lang daw linawin ng aktor sa kapartner na hindi tungkol sa karakter nila sa pelikula ang tinatanong, kundi yung sa totoong buhay.

Nangyari ito sa press conference ng nasabing pelikula kamakailan sa Dolphy Theater.

Natatawang kumento ni Julia, “You know, I’ll be very honest, this is quite unexpected but this is one of the Lord’s biggest blessings.”

Dugtong pa niya, “At saka, perfect time talaga, in God’s perfect time.”

BONDING WITH SHARON. Ang JoshLia tandem nina Joshua at Julia ay kasama sa Unexpectedly Yours, ang reunion movie nina Robin Padilla at Sharon Cuneta sa ilalim ng Star Cinema.

Continue reading below ↓

Para kay Julia, isang malaking oportunidad na maka-trabaho nila ni Joshua ang dalawang malalaking artista sa bansa.

“We are both very honored to work with the two of them, hindi talaga namin pinalampas ang opportunity.”

Magkasundong-kasundo nga raw sila ng Megastar sa set at ayon pa kay Julia, nanliliit siya sa mga papuring naririnig niya mula rito.

Sinabi rin ni Sharon tungkol kay Julia: "Pinakamagandang Barretto si Julia."

Ano ang reaction ng 20-year-old actress sa sinabi ng Megastar?

“Sometimes magku-comment siya ng ganyan sa set, nahihiya talaga ko.

“I don’t know what to say. Thank you.”

Higit pa daw doon, dagdag pa ni Julia, “Mas nakaka-excite na marami kaming natutunan from the two of them.

“I’m very, very happy and I’m very, very thankful for this experience.

“You learn a lot, not just acting-wise… yung nakikisama ka sa buong staff, sa buong crew.

“You see how well they treat the people on the set.

“And nakakakuha talaga yung staff and crew ng energy from them.

Continue reading below ↓

“Kasi sila mismo ang parang nagiging captain ng buong ship… mas nagkaka-energy talaga.

“They’re really good examples.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apart from being happy she's paired anew with Joshua Garcia in a movie, Julia Barretto feels blessed she gets to work with Sharon Cuneta and Robin Padilla in Unexpectedly Yours. "I'm very, very thankful for this experience. You learn a lot, not just acting-wise… yung nakikisama ka sa buong staff, sa buong crew. They're really good examples," says Julia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results