Alfred Vargas: "Ngayon lang ako nakaranas na magkaroon ng X-rating ang pelikulang nagawa ko."

Instead of an X-rating, the Alfred Vargas movie Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa has been given a PG-13 rating.


Dalawang taong hindi nakagawa ng pelikula ang actor-turned-politician na si Alfred Vargas. Kaya naman nagulat ito nang mabigyan ng X-rating ang indie film niya na Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa.

Tungkol sa mga child warriors ang kuwento ng pelikula at ang nasisirang kinabukasan nila dahil sa murang edad ay na-expose na sila sa bayolenteng buhay.

Sa first review ng MTRCB, sa isang letter para sa director na si Perry Escaño, nagkaisa ang tatlong board committee members na bigyan ng “X” rating ang pelikula dahil umano sa karahasan.

Sila ay sina Dennis Padilla, Gloria Sevilla, at Consoliza Laguardia.

Narito ang full text ng classification ng Board (first review), duly signed by Maria Rachel Arenas, MTRCB Chairperson:

“We refer to your Application for Permit to Exhibit No. MP-1708-18477 (1 hr and 45 minutes) for the film, ‘ANG GURO KONG DI MARUNONG MAGBASA.’

“We regret to inform you that the aforementioned film was classified as ‘not for public exhibition’ by the Committee on First Review, as follows:

“The gravity of too many violent / bloody scenes in the film out-weighted the important social economic and political issues that the filmmaker wants to impart to the viewing public.

“Note: Significant violent scenes:
1.) Young children killing soldiers using knives and guns
2.) Amputations of body parts during torture scenes
3.) Headshot of a soldier
4.) Killing of a corrupt mayor with a grenade launcher.
“Be that as it may, you have the option to file for a second review within five (5) days from receipt hereof.”

May nakasaad na footnote sa letter that says: “Conveniently and briefly referred to as an “X.”

Narito ang buod ng kuwento ng Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa: “As an extremist group trains children to fight the government, an illiterate farmer (Alfred Vargas) pretends to read while he attempts to play the role of a teacher to maintain the kids’ faith in the value of education.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pagkatapos daw ipagtanggol ng direktor ng movie na si Perry Escaño ang mga eksena, bumaba na sa PG-13 ang rating ng MTRCB.

Ani Alfred, "Ngayon lang ako nakaranas na magkaroon ng X-rating ang pelikulang nagawa ko.

"Yung mga nagawa kong movies sa Seiko Films before, never nabigyan ng ganyang rating."

Napanood siya sa mga movies tulad ng Bridal Shower at Bikini Open.

"Noong mabalitaan ko nga na nabigyan ng X-rating ang movie, naisip ko na baka yung isang co-star namin na si Mon Confiado ay may ginawang kung anong eksena.

"Kaya tinanong ko si Mon kung may pinakita ba siya rito kaya na-X kami? Natawa lang siya. Na-X kami dahil sa mga bayolenteng eksena at ‘di dahil sa may naghubad,” tawa pa ni Alfred.

Huling pelikulang ginawa ni Alfred ay ang Felix Manalo noong 2015 pa. Kaya minsan daw ay naninibago pa rin siya sa pag-shoot ng pelikula dahil hindi niya naging priority ito simula noong pasukin niya ang politics.

"Nagkaroon na kasi tayo ng isa pang mundo which is politics. But I try to get myself back in showbiz kapag may magandang project tulad nga noong Encantadia and now Kambal, Karibal for GMA-7.

"Ito kasing movie na ito, first choice ako ni Direk Perry to play the role of Aaquil. Natuwa naman ako kasi kahit na ‘di na tayo masyadong aktibo noon, naisip pa rin tayo ni Direk Perry.

"Tsaka it’s an advocacy film. Para ito mabukas ang awareness natin sa mga nangyayari sa mga kabataan sa mga malalayong probinsya ng bansa natin.

"Children are being used to fight. Pinapahawak sila ng baril, natututo silang pumatay ng kapwa nila. E, they should be in school and being protected from these situations.

"Kaya sana po ay suportahan nila ang movie na ito dahil makikita nila ang nangyayari ngayon sa ibang mga kabataan,” pagtapos pa ni Congressman Alfred Vargas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa naturang pelikula ay sina Miggs Cuaderno, Micko Laurente, Marc Justine Alvarez, James Blanco, Lou Veloso, Mon Confiado, Kiko Matos at Loren Burgos.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN