Was Jennylyn Mercado disappointed when Jericho Rosales turned down All of You lead role?

Jennylyn Mercado says she understands why Jericho Rosales (in photo) turned down the leading man role for All of You, which was eventually offered to Derek Ramsay: "Well, valid naman yung rason niya. Ako naman, wala naman akong sama ng loob sa kanya."



Si Jericho Rosales ang original leading man sana ni Jennylyn sa All Of You, pero nag-back out ito.

Tinanong namin si Jennylyn kung na-disappoint ba siya nang malaman niya yung pagba-back-out ni Jericho.

“Well, valid naman yung rason niya.

“Ako naman, wala naman akong sama ng loob sa kanya.

“Actually, nagkita pa kami.

“By accident, nagkita kami after nung incident na yun.

“Nagkita pa kami sa isang restaurant, nagkausap kami.”

Base sa nangyari, masasabi ba niyang parang mas pinili ni Jericho ang ibang leading lady?

Kibit-balikat ni Jenn, “Okay lang yun.

“Tayo naman bilang artista, may karapatan tayong gawin kung ano ang gusto nating gawin.”

Nag-sorry naman daw si Jericho dahil nga sa nangyari.

“Oo naman, oo naman,” pakli ni Jenn.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa presscon ng pelikulang All of You, ang balik-tambalan nila ni Derek Ramsay. Ang 2017 Metro Manila Film Fest entry na ito ay magbubukas sa mga sinehan sa darating na December 25.

WORKING WITH DEREK ANEW. Natuwa naman daw siya nang malaman niyang ang napiling ipalit kay Jericho ay si Derek Ramsay.

Natawa ito nang tanungin namin kung tinanong din ba siya kung sino ang gusto niyang maging leading man.

Paglinaw ni Jennylyn, “Wala naman akong say dito.

“Siyempre, ang masusunod, yung director at saka yung producer.

“Ako, bilang artista dito sa pelikulang ito, happy ako na si Derek.

“Napaka-kumportable ko na sa kanya.

“Hindi na ako magkakaroon ng... hindi na 'ko maiilang, wala nang problema.

“Pagdating namin sa set, wala nang ilangan.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN