Why does Jennylyn Mercado consider All of You her most daring movie?

IMAGE Noel Orsal

Jennylyn Mercado on her sensual role in MMFF 2017 movie All of You: "Walang pang-itaas. Todo na yun sa akin. Actually, wala sa likod, pero sa harap, meron naman, meron naman po."


May pagka-agresibo ang dating ng karakter ni Jennylyn sa 2017 MMFF entry niya na All Of You kunsaan mulia silang magtatambal ni Derek Ramsay.

Pero kung pagbabasehan ang totoong buhay, malayo raw ang karakter niya sa totoong katauhan niya.

Paliwanag niya, “Sa totoong buhay, medyo malayo siya kasi [in the story], galing ako sa masakit na relationship.

“Parang napakasakit na takot na 'kong magmahal.

“E, hindi naman ako ganun.

“Hindi naman ako takot na takot at hindi naman ako galing sa napakasaklap na relationship.”

MOST DARING MOVIE? Nabanggit ni Jenn na ang pelikulang ito na raw ang pinaka-daring na nagawa niya.

Pero gaano nga ba siya ka-sensual dito?

Aniya, “Grabe, para sa akin ito ang pinaka-daring na nagawa ko.”

Mga apat hanggang limang love scenes raw siguro sila rito.

Bakit niya nasabing sobrang daring siya rito?

Dagdag niya, “Walang pang-itaas.

“Todo na yun sa akin.

“Actually, wala sa likod, pero sa harap, meron naman, meron naman po.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa pinakahuling presscon ng pelikulang All of You, ang balik-tambalan nila ni Derek Ramsay, at ang MMFF entry na magbubukas sa mga sinehan sa darating na December 25.

WATCHING DENNIS'S FILMS? Pareho naman daw sila ng boyfriend na si Dennis Trillo na hindi nanonood ng mga pelikula nila lalo na kung alam nilang may mga intimate scenes sila sa kanilang mga kapareha.

Lahad niya, “Never naman yung nanood. Ayaw lang niya.

“Ayaw lang niya sigurong mailang.

“Kahit ako, kapag may mga ganun, ayoko rin na nanonood.”

Hindi rin niya pinapanood ang mga pelikula ni Dennis?

Saad niya, “May ilan akong napanood like yung Janitor, napanood ko talaga yun.

“Yung [Felix] Manalo, nandoon ako sa premiere.”

Kapag may mga kissing, love scenes, natitimbrehan ba nila ang isa’t isa?

Ani Jenn, “Siyempre, alam na namin yun na, oops, medyo nakakailang siyang panoorin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN