Dawn Zulueta to Vic Sotto: "Itsura natin Bossing ha, yummy ka pa din."

IMAGE Noel Orsal

Masaya si Dawn Zulueta na muli niyang nakatrabaho si Vic Sotto pagkatapos ng dalawampung taon sa Meant To Beh na entry sa 2017 Metro Manila Film Festival. Huli silang nagkatrabaho ni Vic noong taong 1977 sa TV show na Okay Ka Fairy Ko



"Seriously, funny movie."

Ganito kung ilarawan ni Vic Sotto ang bago niyang pelikula na Meant To Beh na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 mula sa OctoArts Films, M-Zet Productions, at APT Entertainment.

Kaya naman, hiningan din ng press ang katambal niyang si Dawn Zulueta kung ano nga ba ang ibig sabihin nito.

Saad ng aktres, “It’s a movie with a heart. Kasi naman family din naman siya.

"Mapi-feature din dito, bukod sa mga talents ng ating mga bagets dito, siyempre yung mga lessons, life lessons ng family life, ganyan, values.”

Kamusta naman ang pagbabalik-tambalan nila ni Vic matapos ang dalawang dekada?

Kuwento ni Dawn, “Enjoy na enjoy ako kasama si Bossing. Na-miss ko na siya kasi last time naming magtrabaho was Okay Ka Fairy Ko. Ang tagal na, dalaga pa ako nun.”

May nagbago ba kay Vic simula noon?

Nakangiting sagot ni Dawn, “Ganun na ganun pa rin siya, actually hindi nga siya tumatanda, e. Sabi ko nga sa kanya, ‘Itsura natin Bossing ha, yummy ka pa din.’

“Tuwang-tuwa naman siya.”

Paano nga ba siya nakumbinse na muling gumawa ng pelikula?

Sagot ni Dawn, “A, basta naman maganda yung project, tatanggapin ko, e. I really like to do movies, films talaga.

“Lalo na ito, nung dumating ang offer na ito, ‘Ay, Salamat po, comedy naman, saka si Bossing naman ang kasama ko, maiba lang.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dawn sa grand presscon ng Meant To Beh nitong nakaraang Martes, December 5, sa Quezon City.

NOT AFFECTED. Aminado naman si Dawn na na-miss talaga niya ang paggawa ng pelikula para sa taunang film festival.

Gusto rin niya ang Parade of Stars bago pa man ang actual showing ng mga entries. Iba daw kasi yung nakakakita siya ng mga tao na nag-aabang sa mga floats ng bawat pelikulang kasali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naapektuhan ba siya ng kumpetisyon katulad ng sa MMFF?

Tugon niya, “Hindi. Hindi kasi parang para sa akin kaya nga it’s a festival, e. It’s for all of us to show kung ano yung mga naihanda natin sa publiko [para sa Pasko].”

Mapapanood na ang Meant To Beh simula December 25 sa buong Pilipinas.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN