Here's how JoshLia is different from Kathniel and LizQuen, according to Direk Cathy Garcia-Molina

IMAGE Allan Sancon


Naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang masasabi ng JoshLia na ibinuko sila nina Sharon Cuneta at Robin Padilla tungkol sa kanilang relasyon?

Sabi ni Joshua Garcia sa December 6 blogcon nila na ginanap sa ABS-CBN compound, “Ganun naman talaga kami palagi, e, nagbibiruan kami. Kahit naman may pami-pamilya na sila ay binibiro namin na silang dalawa. Ganun kami talaga!”

Ikinatuwa nina Joshua at Julia Barretto na sa loob ng 6 days ay kumita ang Unexpectedly Yours ng P100 million. Laking pasasalamat ng Joshlia love team sa lahat ng nakapanuod ng kanilang pelikula.

Hiniling ng dalawa na sana daw ay magkaroon sila ng solo movie na si Direk Cathy-Garcia Molina ang gagawa bago ito mag-retire bilang director.

Ikinatuwa naman ng JoshLia na dinescribe sila ni Direk Cathy na "uniquely funny" love team noong ginanap ang bloggers' conference para sa director.

Sabi ni Direk Cathy tungkol sa JoshLia: “Sila ay ‘uniquely funny’ maybe because of Joshua, nadadala niya si Julia.

"Joshua to me is very good to Julia, kasi si Julia ay mukhang masungit, mukhang suplada, tinatanggal yun ni Joshua, so mas nagiging reachable si Julia."

Sinabi rin ni Direk Cathy ang obserbasyon niya tungkol sa pagkakaiba ng Joshlia sa love teams ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), sa LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), at sa AshLloyd (Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz).

Ani Direk Cathy, "For me, unique sa kanila yun kasi KathNiel is not known for that...neither is LizQuen, pero ang JoshLia ay unique, parang Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, may ganun sila, pero baligtad, ang light ay si Joshua."

May hiling naman si Direk Cathy sa Star Cinema para sa Joshlia tandem:

"I love the tandem. Bigyan mo 'yan ng isang Valentine movie at siguradong kikiligin ang kanilang mga fans.”

Ano ang aabangan sa Joshlia sa 2018?

"Abangan po ninyo yung soap namin ni Julia next year," pag-amin ni Joshua sa magiging teleserye nila ng kanyang rumored girlfriend na si Julia.

Sa ngayon, si Joshua ay magko-concentrate muna sa kanyang current ABS-CBN prime-time teleserye na The Good Son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN