Thou Reyes doesn't mind being mistaken for real gay: "They can assume all they want."

IMAGE Noel Orsal

Kapamilya character actor Thou Reyes feels flattered when viewers assume that he's really gay, based on his realistic portrayal of gay roles: "I think the most important thing kasi, pag sinasabi nila, pag tinanong mo kung bakit nila tinatanong yun, kasi you're so convincing. And that's the whole point of my job, to convince people of my role, of that particular role."


Marami ang nagtataka tungkol sa sexual orientation ng Kapamilya actor na si Thou Reyes.

Halos lahat kasi ng papel na ipinagkakatiwala sa kanya ay gay roles, at dahil mahusay siya sa pagganap sa ganitong papel, may mga naniniwalang bading nga siya talaga.

Bukod pa rito, malihim din si Thou pagdating sa kanyang lovelife, kaya iba-iba ang espekulasyon tungkol sa kasarian niya.

“I think as a character actor, iyon yung dapat na palagi mong... palagi silang curious, to the point na they’re always asking, ‘Are you gay or what?’

“Pero sa akin, my sexuality depends on my next role, and it’s mysterious na… kasi mas tumatatak sa tao, isip sila nang isip, e.

“So huwag na lang nilang problemahin yun. Alam mo, marami na tayong problema sa mundo,” natatawa niyang pahayag.

Dagdag niya, ”And I think the most important thing kasi, pag sinasabi nila, pag tinanong mo kung bakit nila tinatanong yun, kasi you’re so convincing.

“And that’s the whole point of my job, to convince people of my role, of that particular role.

“So ako, hindi kasi ako masyadong ma- public na tao.

“And there are stuff in my life that I wanna keep private.

“And as a character actor, so far, tumagal ako nang ganito po.”

Base sa mga sinabi niya, lalong mag-a-assume ang mga tao na bading nga siya.

Sabi niya, “They can assume all they want, alam mo yun?

“I wouldn’t mind. I’m doing my job.”

Sa Meant To Beh, hindi bading ang role niya.

Kuwento niya, “Dito babae ako.

“Kaya ko din tinanggap, kasi walang babaeng artistang kayang buhatin si Baste!

“Kasi ako yung yaya ni Baste. Kaya ginawa nila akong babae and it’s my first time.

“Of course, it’s different interpreting a gay character.

“Iba yung galaw, iba din yung galaw ng babae na amasona yung dating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So first time kong gawin yung ganitong role.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thou sa presscon ng Meant To Beh sa Annabel’s restaurant noong Miyerkules, December 6.

Sa direksyon ni Chris Martinez, Bida sa Meant To Beh sina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Kasama rin sa pelikula bukod kina Vic, Dawn, Thou at Baste sina Andrea Torres, Daniel Matsunaga, JC Santos, Sue Ramirez, Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

Entry ito ng APT Entertainment, OctoArts Films at M-ZET Films sa Metro Manila Film Festival sa December 25.

STRAIGHT. Tinanong namin si Thou kung single siya ngayon.

Deklara niya, “I am single, I’m single now.”

Isang taon na raw ang lumipas mula ng huli siyang nagkarelasyon.

At para mahuli namin kung ano nga talaga ang sexual preference ni Thou, tinanong namin kung ano ang pangalan ng huli niyang karelasyon.

“Hahaha! She’s very private, she’s very private.”

Base sa kanyang sagot, nakumpirma na rin namin sa wakas na straight si Thou.

Lahad niya, “Iyon nga, they can always assume and they can always do whatever they want, basta ako I’m not doing anything wrong.”

Pero sabi nga namin sa kanya, napapagdudahan siya dahil sa sobrang convincing niya sa mga gay roles.

CONVINCING PORTRAYAL. Flattering naman daw iyon para kay Thou.

Pahayag niya, “Before, when I was younger siguro, nung mga first few times na ginagawa ko yung ganung roles, may konting tanong na parang, 'Tama ba itong ginagawa ko?'

“But then habang tumatagal, the people and the bosses are trusting me, kasi hindi naman sila gumagawa ng bigla-bigla na lang, e.

“Pinag-isipan ito and there are so many, you know, gay actors and yet they chose me, and I think it’s an honor.

“And hindi naman tayo nagmamalaki.

“It’s just that kung ano po yung ibinibigay sa akin, ginagawa ko lang yung assignment ko na ibinibigay ng mga bossing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m just really grateful.”

Wala raw siyang effort na mag-request sa mga producers na bigyan naman siya ng role bilang straight na lalaki.

Aniya, “Ako, I always trust my management which is Star Magic.

“And meron naman kaming sinusundan na path, and now I’m doing a new serye, The Blood Sisters with Erich [Gonzales].

"So there are like three Erichs there, so I'm Dante, and ako yung isa sa manliligaw niya, yung isa sa tatlong Erich.”

Lalaki ang papel niya sa upcoming show ng ABS-CBN.

DISCREET. Naligawan na ba ng bading si Thou?

Diin niya, “Sabi ko nga, I’m a very private person.

“I don’t think I look very approachable, and you don’t really see me pag wala sa TV or sa movie.

“I’m very low profile.”

Hindi raw siya makikitang pakalat-kalat kung saan-saan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN