Joross Gamboa recalls ordeal of dressing up in drag for Deadma Walking: "Masakit sa itlog!"

IMAGE Ruel Mendoza

Joross Gamboa (right) narrates the harrowing ordeal that he and his Deadma Walking co-star Edgar Allan Guzman (left) had to go through as they dressed up in drag for the movie: "Mahirap siya physically kasi ipit na ipit ang mga balls namin dito ni EA! Grabe! Sa totoo lang tumaas ang respeto sa mga drag performers kasi ang hirap ng proseso bago ka makausot ng costume."


Hindi pala si Joross Gamboa ang original choice para sa lead role sa pelikulang Deadma Walking.

Kabilang din pala sina John Lloyd Cruz at Dingdong Dantes sa pinagpiliang mga aktor para gumanap sa role na John, ang terminally-ill na bading na pineke ang kanyang burol.

Pero kahit na raw pang ilang choice pa si Joross sa role, ang importante ay siya ang mapapanood sa pelikula.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Joross sa mga aktor na unang napili.

"Actually, thankful ako kina Lloydie at Dingdong na hindi nila magawa ang role at napunta sa akin.

"Imagine, mga big names talaga ang na-consider sa role na John.

“Pero siguro meant para sa akin ang role na John.

"I really gave it my all at sana magustuhan ng marami ang pinakita naming pagpapatawa rito ni Edgar Allan Guzman,” pahayag pa ni Joross sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa presscon ng Deadma Walking sa Limbaga 77 Restaurant in Quezon City noong nakaraang December 7.

Isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2017 ang gay comedy na Deadma Walking na produced ng T-Rex Productions.

Kasama rin dito si Edgar Allan Guzman bilang si Mark, ang BFF beki ni John.

CHALLENGING ROLE. Inamin ni Joross na muntik na niyang hindi gawin din ang Deadma Walking dahil nakailang gay roles na raw siya sa movies.

Pero noong mabasa niya ang script, hindi na raw niya ito mabitawan.

Pagbabalik-tanaw niya, "I've portrayed gay na sa ilang movies like I Love You, Thank You and Can't Help Falling In Love. Parang ayoko muna.

“Gusto ko kasing mag-action.

"Nung gawin ko kasi yung Encantadia at La Luna Sangre, parang nagustuhan ko yung action.

"E, nung mabasa ko yung script for Deadma Walking, manghihinayanv ako kapag hindi ko ginawa ito.

"To think na dumaan na ito sa maraming big-named at A-list na actors natin, t'apos hindi ko pa gagawin? Baliw na ba ako?!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Kaya ginawa ko ito.

“And I consider this a blessing kasi iba ang pinakita namin dito when it comes to comedy.

“Matutuwa ang kahit sino,”

THE ORDEALS OF A DRAG QUEEN. Pinakamahirap na gay role daw ito para kay Joross dahil kailangan nilang mag-drag queen costume dito ni EA.

"Mahirap siya physically kasi ipit na ipit ang mga balls namin dito ni EA!

"Grabe! Sa totoo lang tumaas ang respeto sa mga drag performers kasi ang hirap ng proseso bago ka makausot ng costume.

"Akala ko madali lang, pero ang dami palang ng iipitin! Kasama na dun mga itlog namin!

"Para kasi walang bukol, kailangan ipitin mo 'tapos lagyan ng tape.

“'Tapos, ilang patong ng Spanx para lumiit ang waistline mo. Nag-girdle pa kami para may shape.

"'Tapos, may kadera pa kaming sinuot para magkaroon kami ng hips.

"Sabi ko sa inyo, ang una kong inisip ay kung paano ba ako iihi nito, e ang daming patong.

“Sabi ko, 'Bahala na. Pigilin na lang!'

"At ang hirap din magsuot ng high heels. Hindi ko maisip kung paano naglalakad ang mga babae sa mga ganong klaseng sapatos!

"Ang sakit na sa paa, ang sakit pa sa itlog!" malakas na tawa ni Joross.

NOT EXPECTING ANY AWARD. Sa lahat ng hirap na naranasan niya sa Deadma Walking, umaasa ba siyang makakuha siya ng acting award?

"Ayokong mag-expect.

"Gusto ko masorpresa ako.

"Lahat naman ng mga artista, ang gusto ay ma-recognize ang performance sa TV or movies.

“Kung mag-expect ako at matalo ako, mapu-frustrate lang ako.

"Kaya ayokong mag-expect ng kahit na ano.

"Thank you kung mabibigyan tayo ng recognition.

"Mas gusto namin na kumita ito sa festival at makapag-produce pa ang T-Rex Productions ng maraming pelikula.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN