All of You director Dan Villegas has no issues with Jericho Rosales despite backout

All of You director Dan Villegas says he has no issues with Jericho Rosales (right, with Jennylyn Mercado) despite the latter's backing out from the movie All of You, where he was replaced with Derek Ramsay: "Wala kaming problema ni Echo. Okey kami. Nagpaalam naman siya nang maayos sa amin. Wala naman kaming magawa kung gusto niyang gawin yung ibang project."


Wala raw dapat na ipagsisi ang aktor na si Jericho Rosales sa pag-backout nito sa pelikulang All Of You.

Kung matatandaan ay magsisimula na sanang mag-shoot si Jericho para sa second Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nila ni Jennylyn Mercado nang mag-backout ito para gawin ang isa pang MMFF entry na Siargao.

Si Derek Ramsay ang pumalit kay Jericho, na unang naging leading man ni Jen sa English Only, Please noong 2014.

Ayon kay Direk Dan Villegas nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng All Of You noong nakaraang December 3, okey naman daw sila ni Jericho at mukhang maganda rin daw ang pelikulang ginawa ni Jericho para sa MMFF.

Pagklaro niya, "Wala kaming problema ni Echo.

"Okey kami. Nagpaalam naman siya nang maayos sa amin.

"Wala naman kaming magawa kung gusto niyang gawin yung ibang project.

"Mabuti na lang hindi pa kami nag-start mag-shoot noon, kaya we had time to revise the script para bumagay kay Derek.

"Naka-set na kasi ang character kay Jericho.

“Pero we had to change a few things para mas mag-fit kay Derek.

“Yun lang naman ang mga nagawa namin.” 

BETTER LOVE TEAM TANDEM? Noong pumasok daw sa project si Derek, mas lumaki raw ang dating ng movie na All Of You dahil siguro na-miss ng marami ang tambalan ng dalawa sa English Only, Please.

"I guess yun ang dahilan.

“Maganda ang tambalan nila Derek at Jen noong una, kaya they want more.

"Parang nabitin kasi ang mga fans nila.

"Kaya noong ma-announce na si Derek ang leading man ni Jen, maraming natuwa.

"Kaya parang mas lumaki pa ang movie.

“Maraming nag-e-expect na ma-duplicate namin ang success ng English Only, Please,” diin pa ni Direk Dan.

AWARD HARVEST REPEAT? Sa tingin ba ni Direk Dan ay mananalo ulit sina Derek at Jen ng major acting award tulad ng natamo nila noong MMFF 2014 para sa English Only, Please?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At manalo kaya siya ulit as Best Director?

Lahad niya, "Well, like what Derek said, bonus na lang iyon kung saka-sakali.

"Maraming salamat kung mananalo kami ng awards sa MMFF.

"We want people to watch it and enjoy it. Masaya na kami sa gano’n lang.”

Nakilala si Direk Dan sa pagdirek niya ng mga magagandang romantic-comedy films tulad ng English Only, Please, #WalangForever, The Breakup List, Always Be My Baby at How To Be Yours.

ART IMITATES LIFE. Ngayon ay may pagka-heavy drama naman ang All Of You na loosely-based sa relasyon ni Direk Dan sa writer-director na si Antoinette Jadaone.

Three years na raw ang relasyon nila, pero hindi pa rin nila naiisip ang magpakasal.

"Hindi naman totally based sa relasyon namin ni Antoinette ang movie.

“There are a few scenes na parang nangyari na sa amin.

"But the rest of it, galing iyon sa mga experiences ng ibang taong kilala natin.

"Kaya maraming makaka-relate because everything about All Of You is real.

“Nangyari na ito sa buhay ko, buhay mo, buhay ng kaibigan mo, buhay ng kamag-anak mo.

"There's something for everybody kapag napanood ninyo ang All Of You," pagtatapos ni Direk Dan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN