Pia Wurtzbach on her super heroine costume for MMFF movie: "Sexy, pero hindi bastusin."

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach assures movie fans that her super heroine costume for the MMFF 2017 movie with Vice Ganda and Daniel Padilla, Gandarrapiddo: The Revenger Squad, will be sexy but not offensive: "Two-piece pero hindi bastusin, parang puwede sa bata. Seksi pero pleasing to everyone. Hindi offensive."


Tiniyak ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na hindi bastusin at offensive ang two-piece gold costume niya bilang super heroine sa Gandarrapiddo: The Revenger Squad, ang pelikula nila nina Vice Ganda at Daniel Padilla na official entry sa 43rd edition ng Metro Manila Film Festival.

Sinabi ni Pia sa grand presscon ng pelikula ng Star Cinema na hindi siya nailang at all sa sexy costume na ipinasuot sa kanya.

Tinanong siya: May insidente ba na nagkaroon siya ng wardrobe malfunction?

“Binabantayan naman po namin na maigi yung costume ko at lahat naman po ng mga galaw ko, e, safe.

“Saka secure yung costume na kapag magte-take, palagi kong tsine-scheck na maayos ang lahat, kasi ayaw naman po namin na magmukhang parang nag-two piece nga pero kitang-kita naman.

“Two-piece pero hindi bastusin, parang puwede sa bata.

“Sexy pero pleasing to everyone. Hindi offensive.

“Kung nakapag-swimsuit ako sa harap ng maraming milyun–milyon na tao nung Miss Universe na mas konti pa po diyan ang tela po, e, kayang-kayang naman po ito at Rated G naman po kami.

“Sure na puwede sa lahat,” paniniguro pa ni Pia tungkol sa kanyang pinag-uusapan na sexy costume sa MMFF 2017 entry na The Revenger Squad.

MATURITY AS AN ACTRESS. Introducing ang billing ng pangalan ni Pia sa unang pelikula niya matapos manalo ng Miss Universe crown, pero lumabas na siya noon sa mga sitcom ng ABS-CBN at nabigyan ng bit roles sa ilang pelikula ng Star Cinema.

Ayon kay Pia, malaking-malaki ang pagkakaiba ng pagiging artista niya noon at ngayon.

Kuwento niya, “Malaki ang ipinagkaiba dahil noon naman, hindi ako nabigyan ng ganitong kalaki na role.

“Saka bata pa po ako noon.

“Mga teenager pa po ako noon 'tapos ang dami ko nang ibang pinagdaanan, nag-culinary ako, sumali ako sa Bb. Pilipinas, tatlong beses.

“'Tapos, may one year pa na Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang tagal ko na sa pageant world, I can say mga five years na.

“So ibang-iba na siya noon dahil ngayon, mas malaki na ako, mas matanda na ako, and ibang klaseng role.

“Saka dito sa The Revenger Squad, naramdaman ko na parang nag-uumpisa ako uli, na parang may kailangan ako na matutunan uli from scratch.

“I don’t consider myself na dahil may acting experience na ako noon, i-apply ko dito.

“Kasi iba naman yung noon at iba yung acting na ginagawa ko sa mga commercial ng Miss Universe hanggang sa ngayon."

Ang bago raw niyang role ay may kakaibang dulot na challenge.

“Ito, iba talaga siya dahil one character lang siya na kailangan ma-sustain for the whole duration na magsu-shoot kayo so iba talaga siya.

“Bago siyang challenge, bago siyang role, and masaya talaga siya.

“I can honestly say that I am happy na after Miss Universe, ito yung naging bagong challenge ko.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN