Jane Oineza on MMFF entry Haunted Forest: "Bigatin ang mga kasabay."

Jane Oineza admits feeling pressured about being part of Regal Films' Haunted Forest, its official entry to the 2017 Metro Manila Film Festival: "Bigatin ang mga kasabay, talagang sila na yung nasa MMFF every year. Nakaka-pressure, pero alam ko na binigay namin ang best namin. Tiwala ako sa director namin. Tiwala rin ako sa story na meron kami, sa mga shots."


Aminado si Jane Oineza na may pressure itong nararamdaman.

Si Jane ang isa sa main stars ng Haunted Forest, na pambato ng Regal Films sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Opo, meron talaga," pag-amin niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng kanyang pelikula na naganap sa Valencia Events Place noong December 6.

Dugtong ni Jane, “Siyempre, kinakabahan ako lalo na at nakita ko ang line-up ng mga movies.

"Bigatin ang mga kasabay, talagang sila na yung nasa MMFF every year.

"Nakaka-pressure, pero alam ko na binigay namin ang best namin.

"Tiwala ako sa director namin. Tiwala rin ako sa story na meron kami, sa mga shots.”

Kilala ang Regal Films sa horror genre tuwing MMFF. Ang Shake, Rattle, & Roll series nito na nagsimula noong 1984 ay nagkaroon ng labinlimang installments.

Malaking bagay daw ito para kay Jane.

“Siyempre, nakakapagbigay siya ng confidence kasi alam mo na alam nila ang ginagawa nila.

"Kasi, kilala na sila sa horror.

"So noong binigay sa akin ang opportunity na maging part kung saan sila magaling, ako yung napi-pressure,” dagdag niya.

Bakit ang Haunted Forest ang dapat unahin ng mga manonood na panoorin sa MMFF?

Tugon niya, “Kasi mag-e-enjoy sila. It’s different from the others na nasa MMFF. 

"At sa story rin, hindi siya horror na basta gulat lang, may kuwento rin siya and may aral din na napupulot kasi meron din father-daughter problem, barkada problem.”

Hindi na bago para kay Jane ang paggawa ng horror movie.

Pero, ano ang naging challenge ng bagong pelikula sa kanya?

Paliwanag niya, “Dito, ibang-iba talaga ang role ko. Basta, iba talaga.

"Hindi ko rin ma-explain baka I’m giving away too much. Pero yun nga, ang daming sigaw. Ang daming mabibigat na eksena.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN