Vice Ganda targets box-office gross of The Revenger Squad: "P1 billion! Sobrang ambisyosa ko."

Vice Ganda: "Yung pressure tatapatan ko lang 'yan ng konting yabang."


Pakaraan ng ilang taon ng pagiging bida ng top-grossing movies sa Metro Manila Film Festival, nakakaramdam pa ba ng pressure si Vice Ganda sa pagsali sa MMFF?

Ito ang tinanong kay Vice Ganda sa grand media launch ng The Revenger Squad na ginanap kagabi sa Enchanted Kingdom, Sta. Rosa, Laguna. 

Ani Vice Ganda, "Ang yabang kung naman kung sabihin kong walang pressure pero tapos na ko dun sa baliw na baliw na  pag-aantay.

"Dati kasi baliw levels: nanginginig, naiistress, hindi na ko makausap, mainit ulo ko. Tanong ako ng tanong kung magkano na.

"Tapos na ko sa ganun."

Ang pressure sa akin ngayon laging kung maganda na yung movie. Kasi nga ang ganda na ng nasimulan ko, e.

"Nakapagmarka na ko ng mga pelikulang nakakatawa. Ayokong magkaroon ng butas.

"Ayokong masabi ng audience ko na, 'Ay, hindi ka nakakatawa.' Kasi nga yun ang pinanghahawakan nila, every year nagiging successful ang project ko dahil ang experience nila nung nakaraang taon...

"Kumbaga, [iniisip ng mga tao], 'panonoorin ko ito kasi natawa ako last year.'

"Kaya nandun ang pressure, kailangan magpasiguro kami na nakakatawa ang pelikula para panoorin ulit nila yung mga susunod pang mga pelikula."

Nakakaramdam ba siya ng pressure na malampasan ang box-office earnings ng kanyang previous MMFF entries?

"Yung management ang may pressure.
"Siyempre, masaya kung malampasan. Gusto ko rin yun kaya nagke-claim ako, sinasabi ko, P1 billion, P1 billion! Sobrang ambisyosa ko.

"Pero deadma ako. Kine claim ko lang naman.

"Powerful ang words. Naririnig ako ng universe, lalo na't katabi ko pa yung Miss Universe." 

Ang tinutukoy niya ay ang Ms. Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na kasama niya sa MMFF 2017 entry na ito.

Pagpapatuloy ni Vice, "Kailangan ishout sa universe yun, yung mga wishlist mo. Basta naririnig niya at ibibigay niya sa iyo.

"Kaya mas kampante ako. Kaibigan ko po for the last three years ang universe kaya naging malapit po sa akin ang Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung pressure tatapatan ko lang 'yan ng konting yabang. P1 billion, P1 billion, P1 billion!

Magkano sa tingin niya ang kikitain sa box-office ng The Revenger Squad?

Sigaw ni Vice Ganda, "P1 billion! Pag nakuha, bongga!

"Pag hindi, for sure yun pa rin ang bigay sa amin ng Diyos kasi pinagtrabahuhan ng maraming tao ito. Kaya bine-bless kasi pinagtrabahuhan ng marami.

"Ginawa namin ng may magandang intensiyon, hindi lang pera-pera."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN