How did Edgar Allan Guzman bag his role for Deadma Walking?

IMAGE Ruel Mendoza

Edgar Allan Guzman (left) narrates how he bagged the lead role for Deadma Walking, alongside co-star Joross Gamboa (right): "Ang hinahanap kasi nila ay yung marunong sumayaw. Kaya yun siguro ang edge ko nung mag-audition ako. E, dancer ako no'n."


Tulad ni Joross Gamboa, hindi rin pala original choice si Edgar Allan Guzman para sa role bilang si Mark sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na Deadma Walking.

Kabilang din sa mga aktor na pinagpilian para sa role si Sam Milby.

Pero dumaan pa rin sa audition si EA kahit na alam niyang nauna na itong inialok sa iba.

"Ang hinahanap kasi nila ay yung marunong sumayaw.

"Kaya yun siguro ang edge ko nung mag-audition ako.

"E, dancer ako no'n.

“Isa ako sa back-up dancers ni Joross kapag may mga events siya.

"Kasama ako noon sa group si Gerald Anderson.

"That was before sumali si Gerald sa Pinoy Big Brother: Teen Edition at bago ako sumali sa Mr. Pogi.

"Kaya blessing na dumating itong movie na muntik ko na ring hindi tanggapin," kuwento ni EA sa press conference ng Deadma Walking sa Limbaga 77 restaurant in Quezon City noong December 7.

CHALLENGING GAY ROLE. Ilang beses na rin daw gumanap na bading si EA tulad sa Pare, Mahal Mo Raw Ako, pero nagustuhan daw agad ng aktor ang role nung nabasa niya ang script.

Pag-amin niya, "To be honest, ayokong tanggapin nung una kasi bading na naman ang role.

"Ilang beses na ako gumanap na beki at parang paulit-ulit na lang.

"Akala ko another ordinary gay role lang itong ibibigay sa akin, pero nung binasa ko yung script, nagandahan ako at iba siya.

"Kaya um-oo na ako at baka mapunta pa sa iba yung role ko.”

Bilang si Mark, beki best friend siya ni John (played by Joross Gamboa) na nagkaroon ng sakit at nataningan na ang buhay.

Humingi ito ng tulong sa kanyang BFF para ipeke ang burol niya para marinig nito ang eulogy niya.

AWARD-WORTHY? Base sa mga reaksyon ng mga nakapanood na ng Deadma Walking, maraming naniniwalang puwedeng manalo ng acting award sina Joross at EA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni EA tungkol dito?

Lahad niya, "Sa totoo lang, gusto kong manalo para sa Deadma Walking.

"Matagal na kasi yung last acting award ko for Ligo Na U, Lapit Na Me.

“That was noong 2011 pa. 'Tapos, nanalo rin sa Aliw Award noong 2012 for the play Bona.

"Kaya nami-miss ko yung feeling na manalo ako ng award.

"But still ayokong mag-expect.

"Pero kung ibibigay nila sa akin, magiging happy ang Pasko natin.”

LOVELESS BUT HAPPY. Loveless si EA ngayong Pasko, pero okey lang daw iyon dahil mas naging busy naman daw siya sa career niya.

Kasalukuyang napapanood si EA sa top-rating GMA primetime teleserye na My Korean Jagiya.

"Wala munang girlfriend-girlfriend. Career muna tayo talaga.

"Tsaka yung pagmamahalan ko ngayong Pasko, para sa family ko muna.

"Kaya kahit walang girlfriend, okey lang. Di ako malulungkot," diin niya.

Huling karelasyon ni EA ay ang aktres na si Shaira Mae dela Cruz.

Matagal na raw silang naghiwalay pero nanatili silang magkaibigan.

May mga nakikilalang non-showbiz girls si EA, pero hanggang dating raw muna siya.

Saad niya, "Okey lang yung makipag-date pero hanggang doon muna.

"Mas gusto kong friends muna kami ng girl.

"Inaamin ko na before kapag may type ako, liligawan ko agad.

“Never kong naranasan na maging friend ko muna ang isang nililigawan ko.

"Siguro by next year, try ko na makipagkaibigan muna talaga sa babae.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN