Rayver Cruz challenged by dance-intensive role in Ang Larawan

IMAGE Noel Orsal

Rayver Cruz talks about his dance-intensive role role for their MMFF 2017 entry, Ang Larawan: "Sa tingin ko, okay naman yung napunta sa akin, kasi hilig ko rin naman talaga yung pagsasayaw."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rayver Cruz sa presscon ng Ang Larawan, ang nag-iisang musical film entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ginanap ang presscon sa Promenade sa Greenhills nitong nakaraang Huwebes, December 7.

Mula sa produksyon nina Alemberg Ang, Celeste Legaspi-Gallardo, Rachel Alejandro at Girlie Rodis, ang Ang Larawan ay film adaptation ng Larawan, The Musical na based sa play na A Portrait of the Artist as Filipino ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin.

Sa direksyon ni Loy Arcenas, tampok dito sina Joanna Ampil bilang si Candida, Rachel Alejandro bilang Paula, at Paulo Avelino bilang si Tony Javier.

Nasa pelikula rin sina Sandino Martin bilang Bitoy, Cris Villonco bilang Susan, Aicelle Santos bilang Violet, Nonie Buencamino bilang Manolo, Menchu Lauchengco bilang Pepang, Robert Arevalo bilang Don Perico, Celeste Legaspi bilang Donya Loleng, Carla Manglapis bilang Patsy, Zsa Zsa Padila bilang Elsa Montes, Ogie Alcasid bilang Pulis 1, Jojit Lorenzo bilang Pulis 2, Dulce bilang Donya Upeng, Nanette Inventor bilang Donya Irene, Jaime Fabregas bilang Don Aristeo, Bernardo Bernardo bilang Don Alvaro, Noel Trinidad bilang Don Miguel at si Rayver bilang si Charlie Dacanay.

DANCING ROLE. Sa pelikula ay hindi kumanta si Rayver, sumayaw lamang siya sa kanyang mga eksena.

Paliwanag niya, “Parang hindi siya kanta, e.

“Parang sumusundut-sundot lang ako [ng dialogue na pakanta].”

Given a chance, mas gugustuhin ba niya kung sakaling binigyan siya ng mahahabang song numbers para mas ma-challenge siya?

Kilala kasing mahusay na dancer si Rayver.

Lahad niya, “Yes, siguro okay din, pero like they said nga na parang sinakto nila kasi yung mga characters na mga pinili nila...

“And sa tingin ko, okay naman yung napunta sa akin, kasi hilig ko rin naman talaga yung pagsasayaw.

“And kahit naman sobrang parang nagsalita lang ako or hindi siya talagang kanta, ano pa rin siya, kailangan pa rin siya dun sa eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kahit nung orchestra rehearsal, kung hindi mo yun mapasukan or mali yung pasok mo, nakakakaba rin, mahirap din, hindi rin magiging maganda lalo na parang… mundo nila ito, e.”

Puro beteranong singers nga naman ang kasama ni Rayver sa pelikula.

“And thru their guidance and kung papaano dinirek ni direk Loy, nagawa ko naman so happy naman sila and happy rin naman ako,” pagpapasalamat niya.

CHRISTMAS PLANS WITH FAMILY. Tinanong naman namin si Rayver tungkol sa Christmas plans nila ng kanyang pamilya ngayong Pasko.

Kuwento niya, “Pinag-uusapan pa namin ni Rodjun, e.

“Si Rodjun kasi ang magaling gumawa ng plano.

“Pero definitely with the family.

“Kung gusto nilang umalis, aalis.

“Pag hindi, lagi lang naman kaming nasa bahay, Noche Buena, ganyan.”

May mga pagbabago ba sa buhay nilang pamilya ngayong engaged na ang nakatatandang kapatid niyang si Rodjun Cruz at ang girlfriend nitong si Dianne Medina?

“Wala naman, kasi 2019 pa naman siya ikakasal e, so same-same pa rin,” pahayag niya.

Early engagement daw ang naganap sa dalawa.

Aniya, “Yes, para mahaba yung preparation nila para talagang plantsado.”

Hindi naman daw siya malulungkot kapag ikinasal na ang dalawa.

Pagklaro niya, “More than lungkot excited na nga ako, gusto ko nga next year na, e.”

Masaya raw siya dahil karagdagang bagong family members si Dianne, gayon din ang mga magiging anak nito at ni Rodjun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN