Here's why Direk Cathy described Joshua Garcia as "mukhang t*nga"

IMAGE Allan Sancon

Direk Cathy Garcia-Molina on Joshua Garcia: "Pwede mo ipalabas na mukhang tanga, kasi nga cute yung kinalabasan."




Naniniwala si Direk Cathy-Garcia Molina na malayo ang mararating nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Sa blogger’s conference niya para sa pelikulang Unexpectedly Yours na ginanap sa Wang Fu Restaurant, Quezon City ay nagbigay ang blockbuster director ng kanyang obserbasyon tungkol sa JoshLia love team.

Ayon kay Direk Cathy, malaki ang similarity ni Julia sa kanyang Tita Claudine. Nakatrabaho sila noon ni Claudine sa Got 2 Believe (2002) kunsaan second unit director si Direk Cathy.

“Love ko si Claudine [Barretto] at nakatrabaho ko na si Marjorie Barretto na nanay ni Julia, I suppose pareho lang sila ng ugali and true enough, mukha silang maldita. Alam mo naman yung mga Barretto mukhang mga maldita but they are not!

“Maldita ang pagmumukha, wala tayong magagawa...ganun na yun, e, but they are pleasant to work with.”

Ano ang pinakanagustuhan niya kina Joshua at Julia?
 
Ani Direk Cathy, “Siguro ako lagi kong binibigay sa bawat tao, walang exception kung artista tayo or hindi, mayroon din tayong kamalditahang taglay, sa akin lang ay ilagay sa tama. Ganun si Julia, hindi siya pa goody-goody na everything is okay, pero pagtalikod mo ay kung anu-ano ang sinasabi, that’s what I like about her, is she doesn’t like it, she doesn’t like it, you’ll see it!”

“Si Joshua naman, since PBB [Pinoy Big Brother], sinabi ko sa kanya noong nagkita kami recently ‘mukha ka nang tao.’ (sabay tawa!)

“Kasi, di ba, noong nasa PBB siya, mukha siyang dugyot, puro pimples pa, siguro sa puyat.

“Noong nakita ko na siya ngayon, sabi ko sa kanya, ‘anak, gwapo ka pala.’”

Pinabulaanan rin ni Direk Cathy ang bulong-bulungan tungkol kay Joshua.  

“But what I like about Joshua…naku pinagalitan ko nga ‘yan first day namin kasi ang dami kong naririnig tungkol sa kanya na lumalaki na raw ulo niya, sabi ko, ayaw ko ng ganun, e, ayaw ko ng taong nauunang umakyat sa ulo ang lahat ng success, so, hindi naman pala!”

May katangian raw si Joshua na hindi magagawa ng ibang artista.

“That’s why ako ngayon ayaw ko nang makinig sa tsismis. I have to work with the person before I give my judgement and I was wrong about Joshua. Sabi ko kay Joshua: ‘Josh, mukha kang tanga, pero ang cute mong mukhang tanga.’”

Pinaliwanag ni Direk Cathy, “Hindi pangit yun! For me, it’s a good thing especially in rom-coms, when doing a rom-com.

“Ang hilig namin diyan ay pagmukhaing tanga yung artista. Si Joshua, he does it well. Kasi may ibang artista pinagmukha mong tanga, mukha talagang tanga, tapos sasabihin ko, hindi na, hindi na, change tayo, kasi hindi naman pwede ipalabas yun na mukha siyang tanga. Pero si Joshua pwede mo ipalabas na mukhang tanga, kasi nga cute yung kinalabasan.

“May eksena nga sa movie na naiiyak siya, pero pinigil niya, nag-away yung utak ko, because I saw his capability. Ibigay mo sa ibang artista yun, hindi nila ma-i-carry yun. Pero si Joshua nagawa niya yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEXT JOHN LLOYD CRUZ? Marami ang nagsasabi na nakikita daw nila si Joshua bilang “next John Lloyd Cruz.”

Pero para kay Direk Cathy, hindi niya nakikita si Joshua bilang susunod na John Lloyd.

Ayon sa blockbuster director, “John Lloyd will always be John Lloyd, no matter how good Joshua is, he can only be Joshua.

“Hindi kasi ako naniniwala dun, e, yung next next...

“Kasi ibasi John Lloyd, he is incomparable as much Joshua is incomparable, he has his own strength. Joshua will make it in his own. Kung itutuloy niya yung ganyan, magaling siyang bata, magaling sila ni Julia.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN