Director-producer Coco Martin did not set budget limit for Ang Panday

IMAGE Noel Orsal

Coco Martin on not setting a budget limit for Ang Panday, "Ang gusto namin, bigyan namin ng value ang pera nila, na talagang sulit kapag nanood sila. Ayun po, tutumbasan lang po namin ang ibabayad nila sa sinehan."



“Malaki po. Sobrang laki po,” said Coco Martin when asked about his budget for his first directorial movie Ang Panday.

As a producer, the ABS-CBN actor made sure that budget would not be an issue while doing this 2017 Metro Manila Film Festival entry.

Coco went all-out for this fantasy-adventure movie, “Sabi ko nga, ito na 'to, e, ibubuhos ko na, ayaw ko na siyang tipirin.

“Sabi ko nga, gusto ko kapag lumabas ang mga tao sa sinehan, ang sasabihin nila, 'Sulit.'

“Humanap kami ng pinakamagandang nag-e-effects, 'tapos kumuha ako ng fight director na Chinese, nag-import pa kami ng mga doubles from China.

“Kasi, sabi namin, ano yung maiiba.”

The Ang Probinsyano actor said his top priority is to give entertainment to Pinoy moviegoers this Christmas season.

“Sabi nga namin, di ba, yun nga ang purpose namin, pasiyahin ang mga manonood sa kapaskuhan.

“Paano yun? Dapat sulit ang ibabayad nila.

“Kasi, lalung-lalo na sa mga Pinoy, karamihan sa atin isang beses lang manood ng pelikula sa isang taon at pinaghahandaan nila ang Metro Manila Film Fest.

“Kaya yun ang gusto namin, bigyan namin ng value ang pera nila, na talagang sulit kapag nanood sila.

“Ayun po, tutumbasan lang po namin ang ibabayad nila sa sinehan.”


Stories We Are Tracking

Coco on being called Direk: Nakakahiya po pero paninindigan
Coco on being called Direk: Nakakahiya po pero paninindigan

SOLO PRODUCER. During the initial production of Ang Panday, Coco admitted that he asked potential co-producers to let him do everything first before deciding to help him finance the film.

Viva Films and Star Cinema already expressed their intention to help Coco's new film outfit called CCM Film Productions, but the Kapamilya actor was hesitant to commit to them.

“Okay po sa ’kin yun, pero sabi ko, 'Pwede po ba, ako muna 'to,'” Coco revealed to entertainment writers and editors in a recent interview.

“Sabi ko, pwede po ba ako muna lahat 'to, ako maglalabas ng pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala tayong commitment, gusto ko muna panoorin niyo muna yung finished product and then, after no'n, at saka tayo mag-usap-usap.

“Kasi, sabi ko ayoko kayong isubo lang for the sake na parang, 'O sige, ano tayo dahil pang-Pasko naman.

“Hindi, kasi ayokong dumating yung araw na ang pangit ng kinalabasan wala akong pakialam sa kanila.

“Kaya ang sabi ko kapag natapos na yung finished product, kung gusto niyo saka tayo mag-join.

“Bago ko man sila pinag-join kumbaga tinapos ko muna yung movie.”

Coco said he learned from his past experiences when his movies did not do well in the box office.

He said, “Wala akong kasiguraduhan kung mababawi ko yung puhunan o kung kikita ba siya.

“Sabi ko, ako na ang magpo-produce para if ever na pangit, hindi magustuhan ng mga viewer, wala akong ibang sisisihin at wala akong ibang mapapahamak.

“Kasi siyempre, may mga na-experience ako na mga pelikula, hindi naman lahat ng pelikula ko kumita, na hindi kumita.

“Yung mga producer hindi nakabawi, naawa ako sa kanila.

“Kaya sabi ko, para wala akong ibang maapakan o kung anuman, ako na lang muna ang magpo-produce.

“If ever, may ibang nagkainteres, saka na lang natin pag-usapan kapag nakita niyo na yung final product.”

Other than this, Coco also wanted 100 percent of his vision to be executed in the movie.

“Yun ang nasa isip ko, at saka para walang ibang makialam ng vision ko. Gusto ko, ako lang.

“Siyempre, first directorial job ko, mahirap ang may producers kasi alam mong may input sila.

“Para siya sa ikakaganda pero hindi siya 100 percent na vision ko ang lalabas.”

Magkano ang budget ni Coco Martin para sa #MMFF2017 movie na #AngPanday?

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN