Edgar Allan Guzman thankful for Gerald Anderson's cameo appearance in Deadma Walking

Gerald Anderson (right) agreed to do a cameo role in the MMFF 2017 entry Deadma Walking top-billed by Edgar Allan Guzman (left) and Joross Gamboa (middle).



Ikinatuwa ni Edgar Allan Guzman ang magandang feedback na natatanggap nito at ng kanyang co-stars sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na Deadma Walking.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 4.9 million ang views ng kanilang full trailer mula nang maipost ito sa Facebook noong December 2.

Panatag ang loob nina EA, Joross, ang direktor ng pelikula na si Julius Alfonso, at ang screenplay writer na si Eric Cabahug na may susuporta sa kanilang comedy film sa paglabas nito simula December 25.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press ang apat sa isang blogcon sa Limbaga 77 restaurant sa Quezon City.

Pahayag ni EA, "Positive kami siyempre na kahit papano, because of the online trailer, yung views niya... nag-4 million views na kami.

"So kahit papano, e, may makakanood sa pelikula namin and base dun sa comments na nababasa namin, nakakataba ng puso kasi hindi namin ine-expect na makakabasa kami ng ganung comments.

"Kasi talagang sakto sa generation ngayon na ipapalabas yung pelikula namin."

Ilang beses na ring gumanap si EA at Joross ng gay roles sa mga pelikula kaya naman hindi na ito nahirapan pang gampanan ang kanilang mga karakter bilang Mark at John.

Bukod dito, mas naging madali pa ang lahat gayong magkaibigan rin sa tunay na buhay sina EA at Joross gaya ng mga karakter na ginagampanan nila.

Pahayag ni EA, "Sa mga eksena namin ni Joross, magkasama or hindi magkasama, wala [mahirap] kasi talagang magkaibigan kami, e.

"Sabi ko nga, dati back-up dancer lang niya kami ni Gerald [Anderson], dun pa lang nagsimula yung friendship namin.

"Kumbaga kahit matagal siguro kaming hindi magkita, andun pa rin yung pagiging magkaibigan namin.

"And dun sa mga eksena, na-apply namin yun. Kumbaga nagtulungan kaming dalawa para mas gumaan yung eksena, mas mapadali yung eksena namin."

Sa Deadma Walking, si EA ay gumaganap bilang si Mark, ang best friend ng karakter ni Joross na si John. May malubhang sakit si John kaya kinumbinse niya si Mark upang i-set up ang kanyang pekeng burol.

Kuwento ni EA, "Para sa akin, parang naglalaro nga lang kami ni Joross dito nung ginagawa namin kasi talagang sakto sa personality rin din namin bilang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At yung chemistry, or yung friendship ni Mark and John, sakto sa aming dalawa and as in BFF din, ganun, so talagang sumakto lang sa amin."

Sa unang panayam ng PEP, nabanggit ni Joross ang pagdadamit bilang drag queen ang isa sa pinakamahirap na ginawa nila dito lalo na sa pag-ipit ng kanilang private part.

Bukod dito, nahirapan din si EA sa kanyang makeup para sa pelikula.

Aniya, "Sa pilik-mata, pag ako nilalagyan ng pilik-mata... medyo mabigat kasi, sensitive yung mata ko.

"So pikit ako nang pikit, bumabagsak yung mata ko.

"Siyempre parang nakaka-antok, nahihirapan ako so ayun lang yung sa akin."

GERALD ANDERSON. Sa mga naunang press conference ng pelikula, ipinahayag ni EA ang kanyang galak dahil nakasama niya sa proyektong ito ang mga artistang nakasabayan nito lalo na nung nagsisimula pa lang siya bilang isang back-up dancer.

Nabanggit ni EA na minsan na siyang naging back-up dancer nina Joross at ni Gerald Anderson na magkakaroon din ng cameo appearance sa kanilang pelikula.

Nang tanungin ng PEP si EA kung ano nga ba ang pakiramdam nang si Gerald naman ang magka-cameo sa pelikula niya, sagot nito, "Sobrang sarap!"

Ipinaabot rin ni EA ang kanyang pasasalamat kay Gerald dahil hindi ito nag-atubiling tanggapin ang proyekto.

Kuwento ni EA, "Kay Gerald, isang text lang namin kay Ge na, 'Bro, baka pwede ka mag-cameo.'

"[Sabi niya], 'Sige kelan yan? Ayusin ko yung sched ko.' Siya talaga mismo yung nag-ayos."

JOROSS GAMBOA. Hindi rin daw inexpect ni EA na makakasama niya rin sa ganito kalaking proyekto si Joross.

Pahayag nito, "Hindi ko to ine-expect pero kumbaga ang sarap lang sa pakiramdam kasi yung dating... ako hindi ko naman talaga pinangarap na mag-artista o magbida sa ganito, ngayon nangyayari siya.

"And yung kasama ko pa sa pelikula dun ako nagsimula, kung pano ako nakuha yung pagsasayaw, kung paano rin ako nakisama sa mundo ng showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ngayon, magkasama kami iba yung pakiramdam tapos si Ge kasama pa namin."

Muli ring nagpasalamat si EA sa kanyang co-star dahil sa suportang natanggap nito.

Aniya, "Hindi ko makakalimutang gesture sa akin ni Joross, e, yung nanalo ako ng Cinemalaya award na Best Actor.

"Tinext niya ako, sabi niya sa akin, 'Bro, congratulations.'

"So para sa akin it's a big impact kasi alam mo yun, andiyan siya nakasuporta.

"Kung ano man yung narating niya nun, hindi siya nakalimot."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN