Vice Ganda reiterates there's no feud between him and Coco Martin

IMAGE Allan Sancon

Parehong naging box office hits and unang dalawang pelikulang pinagsamahan nina Vice Ganda at Coco Martin. Kaya naiintriga ang karamihan nang magkaron sila ng magkahiwalay na entry sa Metro Manila Film Festival ngayong 2017. Pagtitiyak naman ni Vice: "Yung trilogy, hindi nangyari, pero hindi ibig sabihin ay hindi na mangyayari."



Sa grand mediacon ng pelikulang Gandarrapiddo: The Revenger Squad, muling iginiit ni Vice Ganda na walang away na namamagitan sa kanilang dalawa ng best friend niyang si Coco Martin.

Kung matatandaan, lumabas ang isyung ito nang mapabalita noon na gagawa si Coco ng pelikulang pang-Metro Manla Film Festival na Ang Panday, na makakatapat naman nitong Gandarrapiddo: The Revenger Squad ni Vice.

Inaasahan kasi ng marami na matapos maging blockbuster hit ang pelikulang The Super Parental Guardians na pinagsamahan nila noong isang taon, sila muli ang magsasanib-puwersya sa taong ito, pero hindi ito ang nangyari.

Kung nagkataon, ito na sana ang pangatlo nilang pelikula together. Ang una ay ang 2015 MMFF entry na Beauty and the Bestie.

Pagtutuwid ni Vice sa nasabing isyu, "Hindi po kami magkaaway.

"At saka, matagal na naming sinagot.

"Paulit-ulit lang din talaga kayong nagtatanong, at gusto niyo yatang marinig sa amin na magkaaway po kami.

"Noon din ay sinagot na rin yan ni Coco na hindi kami magkaaway.

"Yung trilogy, hindi nangyari, pero hindi ibig sabihin ay hindi na mangyayari.

"Mahaba pa ang tatakbuhin ng career ni Coco, and hopefully ay ako din naman at marami pang pagkakataon."

Dugtong pa niya, "Ang sabi ko nga sa digicon at uulitin ko ulit na mga bata pa kami ni Coco, pareho kaming walang pera, gusto naming mangyari ito.

"At ngayong nangyayari ito sa aming dalawa, masayang-masaya kami para sa aming dalawa."

Kaya, ang ibig sabihin nito ay okey talaga sila at huwag na raw ipagdiinan ang isyung ito.

Ginanap ang mediacon sa Enchanted Kingdom, sa Sta. Rosa, Laguna noong December 9.

Samantala, marami ang curious malaman kung may pressure ba siyang nararamdaman tungkol sa labanan sa box office dahil hindi lamang ang Ang Panday ni Coco ang makatapat niya, kundi ang entry din ni Vic Sotto na Meant To Beh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa It's Showtime host, "Of course, ang yabang ko naman kung walang pressure.

"Pero hindi naman yung...lampas na ako dun sa baliw na baliw na aligagang taranta na ganun.

"Kasi dati, sobrang baliw level, nangingig, sobrang nai-stress, hindi nila ako makausap, mainit ang ulo ko.

"Yung tanong ako nang tanong, 'Magkano na [ang kita ng pelikula], magkano na?'

"Tapos na ako sa ganun.

"Ang pressure sa akin ngayon, yung maging maganda yung movie.

"Kasi nga, ang ganda nang nasimulan ko, e.

"Nakapagpamarka na ako ng mga pelikulang nakakatawa, ayaw kung magkaroon ng isang prutas na masasabi ng audience na, "Ay, hindi na nakakatawa."

"Kasi nga, yun ang pinanghahawakan ko, na every year, nagiging successful ang material ng project ko, kasi yung experience nila noong nakaraang taon, yun ang binibitbit nila sa present.

"Kumbaga, panonoorin ko ito, kasi natawa ako last year.

"Kaya kapag gumawa ako, papanoorin nila ulit,kasi hindi pa ako pumapalya sa kanila.

"Kaya, nandun yung pressue na kailangang nakakatawa ang pelikula ko, para panoorin nila ulit yung mga susunod na mga pelikula ko."

Samantala, naitanong kung kumusta naman si Pia Wurtzbach bilang isang ka-tandem niya sa movie.

Nasakyan din ba nito ang brand of comedy na kinasanayan sa kanya ng mga tao?

Aniya, "Actually, hindi masyadong mahirap na nasakyan ni Pia yung humor ko.

"Una kasi, napapanood din naman niya ako, at kung ilang beses ko na siyang na-interview.

"Noong una ko pa lang na interview sa kanya sa GGV [Gandang Gabi, Vice], meron na kaming koneksiyon kaya ang ganda nang kinalabasan ng interview na yun.

"Naging viral ang episode na yun."



Stories We Are Tracking

Vice Ganda on target for <em>The Revenger Squad</em>:
Vice Ganda on target for The Revenger Squad: "P1 billion"
Why Vice Ganda missed chance to star in<em> Darna, Kuno</em> remake
Why Vice Ganda missed chance to star in Darna, Kuno remake





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN