Joross Gamboa gets vote of confidence from John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes

IMAGE Noel Orsal (Joross)

Joross Gamboa is serious about acting. As lead actor or support player, it does not matter to him: "Basta maganda ang character. Wala akong star complex na gusto ko, bida."



Alam ni Joross Gamboa na kasama sina Aga Muhlach, John Lloyd Cruz, at Dingdong Dantes sa mga actors na pinagpilian para sa karakter niya sa Deadma Walking, ang entry ng T-Rex Entertainment sa 2017 Metro Manila Film Festival.

“Actually, pabata nang pabata, e, buti na lang busy sila.

“Na-confirm ko naman sa kanila na talagang sila sana,” lahad ni Joross.

Masaya rin niyang ibinahagi na may mga pampalakas ng loob na bilin pa nga daw ang mga award-winning actors sa kanya.

Nagkausap raw sila ni Dingdong sa kasal ni Wendell Ramos, “Excited siya para sa akin sa pelikulang ito.

“Sabi pa niya, “Alam kasi niya dahil inoffer nga ito sa kanya at gusto nga sana niyang mag-co-prod.

“Sabi ko sa kanya, ‘Gusto kong magpasalamat sa ‘yo.

“‘Kasi sa sobrang busy mo, sa sobrang dami mong blessing, naambunan naman ako,’ tapos tumatawa siya.”

Nang nagkita raw sila ni John Lloyd, “Sabi niya sa akin, bago pa namin i-shoot ‘to, ‘Bro, alagaan niyo ‘yan, sayang yung materyal.’

“Balak kong i-comedy, pero sabi niya, ‘Wag, alagaan mo lang.’

“Gawin ko lang daw totoo at yun ang ginawa ko.”

Parehong bading ang karakter nila ni Edgar Allan Guzman sa MMFF 2017 entry na ito.

Pero kakaiba raw sa mga nagawa niya dati ang pagka-bading ni Joross sa Deadma Walking.

“Mas under acting ang pag-style ko ng gay,” saad niya.

“Hindi ako pa-loud kasi si EA na yun, e, hindi ako magaslaw, maingay.

“Nasa gitna siya ng pagka-mahinhin at bading na malandi.”

UNDERSTANDING GAY ROLES. Binabali na ba ni Joross ang nasabi niya dati na gusto niya munang limitahan ang pagtanggap ng gay roles?

Kasi ito pa raw mismo ang nakiusap sa director na huwag na silang papalitan ni Edgar Allan matapos niyang mabasa ang script ng Deadma Walking.

Umpisang paliwanag niya na natatawa, “Bukod sa kailangang bayaran ang bahay…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Una, ayoko, pero ngayon, kinain ko. ‘Naaiintindihan ko na.

"Hindi naman typecast ang nangyari, puwede mo rin isipin as advantage.

“Hindi lahat tumatanggap ng gay roles, hindi lahat binabagayan ng gay roles.

"Hindi lahat kaya ang gay roles.

“Siguro dahil sa features ko, madaling gawing babae.

“Malambot ang mga buto-buto ko, maninipis, siguro isa sa factor yun.

“At saka dahil nagagampanan ko nang maayos, ako na rin ang una nilang naiisip.”

Natatawang nabanggit pa ni Joross na ang kanyang manager na si Noel Ferrer ang peg niya bilang si John sa pelikula.

Aniya, “Actually, wala naman akong peg, pero parang nakita ko siya as Noel Ferrer.

“Pero hindi naman ako kapit-bisig kapatid, hindi naman ako gumaganun.”

NO STAR COMPLEX. Sa trailer pa lang ng Deadma Walking ay puwedeng sabihin na malaki ang posibilidad na lumaban si Joross sa pagka-best actor sa 2017 MMFF Awards.

Umaasa ba siya?

Sagot niya, “Basta ako, binigay ko ang best ko, nasa judges na yun.

“Siyempre gustong-gusto nating manalo dahil ginagawa natin nang maayos,

"Pero sa akin kasi, bonus pa rin yun.”

Kung sakali man daw, malamang ay mag-tie sila ni Edgar Allan.

Para kay Joross, lahat daw ng mga nangyayari sa career niya ay hindi niya inakala.

Sambit niya, “Hindi ko ine-expect naman na magiging bida pa, blessing ‘to.

“Sa akin naman, kahit mag-support ako after, okay lang basta maganda ang character.

“Namimili rin naman ako, hindi ako yung tanggap ng tanggap lang.

“Wala akong star complex na gusto ko, bida.

“At saka, mas character actor ako kaya character roles nga.”



Stories We Are Tracking

Edgar Allan chose this ABS-CBN star as peg for gay role
Edgar Allan chose this ABS-CBN star as peg for gay role
Last four MMFF 2017 entries based on finished films are...
Last four MMFF 2017 entries based on finished films are...





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN