Bea Alonzo gets new leading man for 2018 movie; explains why she might not star in a teleserye

IMAGE Noel Orsal

Dream come true para kay Bea Alonzo na makatrabaho si Ms. Charo Santos-Concio. Gagawa ang dalawa ng horror film na Eerie, sa direksyon ni Mikhail Red. "I feel so blessed and I am so grateful na sa puntong ito ng buhay ko, nagdadatingan ang mga dati kong pinangarap. I'm very, very grateful."



Magkakasama sa kauna-unahang pagkakataon sina Ms. Charo Santos-Concio at Bea Alonzo sa pelikulang Eerie. 

Ito ay isang horror movie under the direction of Mikhail Red, ang direktor ng pelikulang Birdshot na siyang opisyal na kalahok ng bansa sa Oscars under best foreign language film.

Ang Eerie ay co-production ng Pelikula Red at Media East, at idi-distribute ng  Star Cinema.

Bukod sa unang pagsasama ito nina Bea at Ms. Charo sa isang proyekto, ito rin ang kauna-unahang horror film ni Bea.

Ang ABS-CBN Chief Content Officer na si Ms. Charo ay unang nakagawa na ng horror film noong 1976, ang Itim, sa direksyon ni Mike de Leon.

Sa story conference ng Eerie na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN, excited na nagkuwento si Bea tungkol sa pelikula at kung gaano niya nilu-look forward na makatrabaho si Ma’am Charo.

“Ay really excited ako, kasi nga parang minsan mo na lang makakatrabaho ang katulad niya," panimula ni Bea. 

"I’m really overwhelmed, kung nakikita ninyo na ninenerbiyos ako kanina.

"Gaya ng sinabi ko, I try not to think about it, I try not to drown down dun sa ocean of opportunities na dumarating sa akin ngayon.

"I feel so blessed and I am so grateful na sa puntong ito ng buhay ko, nagdadatingan ang mga dati kong pinangarap. I’m very, very grateful."

Sa story conference ay nabanggit ni Bea na hindi siya fan ng mga horror movies, kaya't para sa aktres ay isang malaking challenge na gumawa nito.

"Di naman sa di fan, it’s just I’m so scared to watch," paliwanag niya.

"I’ve seen [TheExorcism of Emily Rose, The Ring, it takes a lot of courage for me to watch.

"Unlike yung iba na 'Ay masaya ito,' I have to think about it nang matagal bago ako manood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sabi nga nila, do something that scares you and this project scares me a lot.

Patuloy ng Kapamilya actress, "This project scares me. 

"Aside from the fact it’s a horror movie na di ko pa ginagawa because I’m scared pagdating sa ganyang mga genre.

"Siyempre I’ll be working with Mhik Red na nag-direk ng Birdshot.

"I’ll be working with Ma’am Charo na di na masyadong gumagawa ng pelikula si Ma’am Charo.

"It scares me, pero sabi nga nila do something that scares you.

"Kasi dun lumalabas yung magic, dun mo magugulat ang sarili mo sa mga bagay na di mo alam na kaya mo."

JAMPACKED 2018. Bukod sa pelikulang Eerie ay may matatapos ding dalawa pang pelikula si Bea sa 2018.

Una na ang pelikulang Kasal kung saan makakasama niya sina Derek Ramsay at Paulo Avelino.

"Nag-start na kami sa Kasal," kuwento ni Bea.

"Nage-enjoy ako na katrabaho si Direk Ruel, saka si Paulo na first time kong makakatrabaho sa big screen.

"Di pa kami gumagawa ng eksena ni Derek pero ang gandang basahin ng script.

"I’m very sure na maganda din siyang lalabas sa big screen kasi si Direk Ruel, iba ang interpretation ko pag binasa ko lang yung script, iba kapag nag-collaborate na siya with us.

"Yung mga tatlong eksena na ginawa namin just the other day, excited na akong mapanood sa big screen.

"It would be something that I would watch kahit di na ako ang artista, sana yun ang maging enregy ng mga tao.”

MOVIE WITH AGA MUHLACH. Ang isa pang movie ni Bea ay pagtatambalan naman nila ni Aga Muhlach.

Patuloy ni Bea, "Oo nga, sunod-sunod. Sabi nga nila naipon kasi this year wala akong nagawang movie kasi nag-serye ako.

"I will be working with Kuya Aga and Paul Soriano. Itong pelikula naman na 'to will be shot in Canada, totally different characters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun na nga sinasabi ko, overwhelming yung blessings.

"Gusto kong i-enjoy, to live in the moment.

"Ayoko na maunahan ng kaba or maunahan ng pressure, gusto ko lang i-enjoy every moment.

"Parang tumayming nga, I’m so hungry for opportunities like this.

"Parang nasa tamang pagkakataon siya sa buhay ko.”

Huling napanood sa teleseryeng A Love To Last si Bea this 2017. 

Dahil sa tatlong pelikulang gagawin, malabong mapanood sa susunod na taon sa telebisyon ang aktres.

"Di muna, magpe-pelikula muna ako.

"Di ko alam kung saan nating isisingit [ang TV project], e. Tatlo ang gagawin nating pelikula for next year.”

ON WORKING WITH JOHN LLOYD AGAIN. Wala sa bansa sa darating na Pasko si Bea dahil pupunta siyang America.

Umiwas na sumagot ang aktres nang tanungin namin kung kasama niya ang rumored boyfriend na si Gerald Anderson sa trip na ito, pero inamin naman niyang masaya siya sa buhay niya ngayon.

"Pupunta ako ng States, magbabakasyon lang," pahayag niya. 

"Basta, magtatanong pa kayo, makikita ninyo naman sa social media.

"Masaya ako, masaya ako in general sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Sa lahat ng aspeto.”

Samantala, kumalat sa social media ang mga larawan nina Bea at John Lloyd Cruz nang dumalo sila sa kasal ng stylist na si Rex Atienza at Jay Sarmiento sa Paris.

“When I saw him, okay naman, we enjoyed it," kuwento ni Bea.

"It was such a beautiful wedding yung napuntahan namin, ang ganda ng energy ng lahat. We were having fun."

Ngayong nagpapahinga muna sa showbiz ang aktor, bukas ba si Bea na magkatrabaho uli sila ng kapareha kung saka-sakaling bumalik na ito sa industriya?

“Of course, I will never say no to working with him. Oo naman, sana, malay mo, di ba?”



Stories We Are Tracking

Charo Santos-Concio to star in horror movie with Bea Alonzo
Charo Santos-Concio to star in horror movie with Bea Alonzo




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN