JC Santos starstruck working with Vic Sotto and Dawn Zulueta

IMAGE Noel Orsal

JC Santos admits getting starstruck working with Meant To Beh lead stars Vic Sotto and Dawn Zulueta: "Grabe ang starstruck ko sa kanila! Kasi bata pa ako, napapanood ko na sila sa TV at pelikula. Who knew na one day magiging magulang ko pala sila sa pelikula?"

 


First wholesome movie ng Kapamilya actor na si JC Santos ang 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na Meant To Beh.

Nakilala si JC sa mundo ng indie films, tulad na lang sa pelikulang Esprit de Corps kunsaan nagkaroon siya ng kissing scene sa kapwa niya lalake.

Kabilang sa mga indie films na nagawa niya ay ang Sakaling Hindi Makarating, The Janitor, Nabubulok, Hinabing Pakpak Ng Ating Mga Anak, Lady Fish, Paglipay, Imbisibol at 100 Tula Para Kay Stella.

Ito raw ang dahilan kung bakit nanibago si JC nang gumawa siya ng isang pampamilyang pelikula kunsaan gumaganap siya bilang isa sa tatlong anak nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

“For the first time, magkakaroon ako ng movie na pang-General Patronage.

“Most of my films kasi ay Parental Guidance ang rating or For Adults dahil sa nilalaman ng istorya.

“Pero itong Meant To Beh, very wholesome and it’s nice to do a movie like this once in a while.

“Pambalanse lang sa mga ginagawa kong movies na seryoso ang mga tema,” pahayag ni JC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Meant To Beh sa Annabel’s Restaurant. T. Morato Ave., Quezon City noong nakaraang December 5.

STARSTRUCK. Sobrang na-starstruck daw si JC sa presence nina Vic at Dawn habang nagsu-shooting sila.

Never daw naisip ni JC na balang araw ay makakatrabaho niya ang dalawang veteran stars.

Kuwento niya, “Grabe ang starstruck ko sa kanila!

“Kasi bata pa ako, napapanood ko na sila sa TV at pelikula.

“Who knew na one day magiging magulang ko pala sila sa pelikula?

“Parang hindi ako makapaniwala na nangyari ito.

“Ilang beses kong tinatanong ang sarili ko, ‘Is this for real?’

“'Tapos, heto, ipapalabas na kami sa MMFF.”

UNFORGETTABLE EXPERIENCE. First time din daw na mae-experience si JC ang sumakay sa float sa parade ng MMFF entries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa pang kinatutuwa ko, first movie ko ito sa MMFF kaya super excited ako.

“Noon napapanood ko lang na sumasakay ang mga artista sa mga floats, ngayon magagawa ko na rin iyon.

“This is one of the best experiences ko as an actor. I will treasure this forever,” lahad niya.

CHOOSY WITH ROLES? Tatanggap pa kaya si JC ng daring roles pagkatapos na magpaka-wholesome sa Meant To Beh?

“Basta maganda ang story at very relevant ang mga eksena, I would do it.

“Actor po ako at kahit na anong role, mapa-wholesome or daring pa ‘yan, kaya nating gawin.

“I love acting kasi and doing different roles is my job,” diin pa niya.

READY TO BARE. Next year daw ay may gagawin na isang sexy movie si JC kaya after the holidays daw ay kailangan na niyang magpapayat at magpaganda ng katawan.

“Kailangan kasi may abs na ulit tayo.

“Medyo tumaba tayo these past months dahil napasarap ang kain natin, lalo na ngayong Pasko.

“Kaya next year, ibang JC Santos na naman ang mapapanood nila.

“Abangan na lang nila ang paglitaw ng mga abs ko ulit,” natatawang hirit pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN