Erich Gonzales says filming Siargao was a cathartic experience

IMAGE Instagram @erichgg

Erich Gonzales narrates how filming Siargao and basking in the island's rustic beauty helped her during her soul searching period: "Iba po talaga kapag nandoon ka at ang makikita mo lang yung clouds, beach, very calming. Totoo yung soul searching at napakaganda talaga ng Siargao."


Inamin ni Erich Gonzales sa grand presscon ng pelikulang Siargao na naging malaking tulong ang pelikula sa pinagdadaanan niya noon.

Inamin niyang “lost” siya bago gawin ang pelikula, pero binigyang-diin naman niyang nahanap na raw niya ang sarili bago pa man siya nagsimula ng shooting.

Bagamat hindi niya binanggit kung tungkol saan ang kanyang pinagdaraanan, marahil ay mayroon itong kinalaman sa breakup nila ng dating kasintahang si Daniel Matsunaga.

Lahad niya, “Gaya nga ng sabi ko, noong dumating ang project na ito, timing siya.

“Gusto kong mahanap ang sarili ko. 'Ano ba talaga ang nangyayari?'

“Pero bago pa ko pumunta ng Siargao, nahanap ko na ang sarili ko.

“Hindi na 'ko lost.

“Kaya noong nandoon, relate na relate, pero enjoy.

“Iba po talaga kapag nandoon ka at ang makikita mo lang yung clouds, beach, very calming.

“Totoo yung soul searching at napakaganda talaga ng Siargao.”

IN GOOD COMPANY. Nakatulong din daw ang mga kasama niya sa pelikula tulad nina Direk Paul Soriano, Jasmine Curtis-Smith at Jericho Rosales sa panahon na tila may pinagdadaanan siya o sabi nga niya, nahanap na niya ang sarili.

Lahad niya, “Nakatulong sila, oo.”

“Nag-shoot po kami dun for almost a month, pero balikan po iyon.

“And talagang work siya pero parang hindi work. Sobra kang nag-enjoy sa ginagawa mo.

“And sobrang blessed po talaga. Bonus yung location namin and one big happy family while we were filming.

“Lahat doon are doing their job but at the same time, nag-eenjoy lahat.

“Pagkatapos ng work, yun kuwentuhan ng life in general. Masaya po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erich sa presscon ng Siargao noong December 13 sa SKTD, Kapitolyo, Pasig.

Ang Siargao ang isa sa mga official entries sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Itoy ay prinodyus ng Ten17.

READY TO BARE. Naging matapang din si Erich na magpakita ng kaseksihan sa Siargao. Pinaghirapan naman daw niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkumpirma niya, “Napag-desisyunan po natin ‘yan at pinagtrabahuhan.

“Like I’ve said, nagwu-workout po tayo habang nandoon din sa Siargao.”

“And parang dumating po ako sa punto ng buhay ko na kung hindi ko gagawin ngayon, kailan pa?

“I mean, I’m ready for it now, hindi na po tayo bata pa, di ba?

“Yun nga po, dumating ang project at parang timing naman lahat.”

Tinanong namin si Erich kung gaano siyang kadisiplinado sa pagkain niya, at paano niya napapanatili ang kanyang kaseksihan.

Aniya, “Dahon-dahon lang po, hot tea, water. Eating healthy lang po.”

Ipinaalala naman ni Erich na kahit noon pa, gumagawa na talaga siya ng mga mature roles, kaya hindi puwedeng sabihin na parang ngayon lang niya ito sinimulan sa Siargao.

Sabi niya, “Ever since naman po like yung first teleserye ko po na Katorse, mature din talaga yun.

“And ako naman po, lagi ko namang sinasabi na kapag kailangan po sa istorya, hindi naman po ako nagpapakita ng basta wala lang, yung walang sense.

“Kung kinakailangan po sa story, sa project, why not po?

“And lagi ko pong gustong i-challenge yung sarili kung hanggang saan po ang kaya ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN