Does Coco Martin have mood swings as a director? Jake Cuenca makes revelation

IMAGE Noel Orsal

Jake Cuenca (left) sizes up Coco Martin's (right) directorial debut for Ang Panday: "So much more clarity na siya ang director. Parang I knew what he wanted right away. Parang sinabi sa akin kung ano ang kailangan niya, ano ang demand niya sa character, and he just let me."



Patuloy na namamayagpag ang bida-kontrabida tandem nina Coco Martin at Jake Cuenca.

Marami na silang pinagsamahang mga teleserye noon sa ABS-CBN kunsaan unang naging kontrabida ni Jake si Coco.

Ngayon naman ay si Jake na ang nagiging regular na kontrabida ni Coco sa mga teleserye at pelikula nito, gaya na lang ng pinakaunang pelikulang dinirek at prinodyus ni Coco, Ang Panday.

Puring-puri naman ni Jake si Coco bilang director.

Pagmamalaki niya, “Very good director.

“Tulad ng sabi ko, I hope to work with him again.

“I’m happy that I did his first movie.

“Marami kaming pinagdaanan ni Coco ever since.

“First soap, first big break ko sa ABS was with him.

“Siya ang kontrabida ko. Then, ako ang naging kontrabida niya. So on and so forth.

“Sobrang honored ako to do the movie with him, and I hope to do another movie with him again.”

Kumusta naman si Coco bilang direktor?

Lahad niya, “So much more clarity na siya ang director.

“Parang I knew what he wanted right away.

“Parang sinabi sa akin kung ano ang kailangan niya, ano ang demand niya sa character and he just let me.”

Ayon pa kay Jake, actor-director raw si Coco.

May mga mood swings din ba si Coco bilang director?

Saad niya, “Yun na nga, e. Nagpi-film kayo hanggang 4 a.m.

“Tapos yung actor/director hindi nagrereklamo. Paano ka magrereklamo?

“He’s a hardworker.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake pagkatapos ng special screening ng Ang Panday sa Mango Tree, Trinoma noong December 14.

PREPARATIONS FOR ROLE. Sa naging special screening lang din napanood ni Jake ang kabuuan ng Ang Panday.

Ani Jake, “Fulfilling, satisfying!

“Like I’ve said, parang in my fifteen long years in my career, parang it’s my favorite.

“Parang feeling ko, lahat ng inaral ko sa States, I culminated into this role and I’m very happy with everyone’s reaction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paglabas ko ng sinehan kanina, everyone was congratulating me.

“Wow, thank you!”

Hindi raw naging madali ang preparasyon ni Jake para sa karakter niya bilang si Lizardo.

Pag-amin niya, “Preparation was very hard.

“Kasi pati tawa, kailangan kong mag-imbento ng sarili kong tawa.

“Everything was very well-prepared for.

“Matagal ko nang pinaghandaan ang ganitong klaseng role.

“Lahat ng idea ko for my dream role, nilagay ko nang lahat dun.

“Yung tawa inimbento ko, yung looks, yung kilos, hindi ako ganun kumilos.”

BLOCKBUSTER HIT? Marami ang humuhula na posibleng mag-number one daw ang Ang Panday.

May nagsasabi namang posibleng ang pelikula ni Vice Ganda na Gandarrapido! The Revenger Squad o yung kay Vic Sotto na Meant To Beh ang pumatok sa takilya.

Sa palagay ba ni Jake ay sila nga ang mangunguna sa box-office?

Paliwanag ni Jake, “They didn’t get me here for that reason.

“They got me to act and portrayed a character.

“The blockbuster stuff, kay Coco na yun.

“For me, I’m just here to act.”

PLANS TO DIRECT. Katulad ni Coco, plano rin ni Jake na pasukin ang pagdidirek.

Pero ang gusto niya raw ay mag-aral muna.

“I’ve said that before.

“I’m gonna direct but I want to study first.

“Pinayagan nila kong mag-leave but it’s only for one month.

“I cannot study directing for one month, so I’m gonna study acting again.

“Punta muna ko ng L.A. and I’ll study acting again.

“You can’t do directing classes for one month,” diin niya.

TURNING THE TABLES. Tinanong naman namin si Jake kung may usapan na sila ni Coco na kapag siya naman ang magdidirek, si Coco naman ang magiging artista niya.

“Sana, tingnan natin.

“Sisingilin ko siya later on,” pabirong hirit niya.

“Hindi, pero regardless, no matter what, I’m just happy with the role they gave me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang saya ko, sobrang fulfilled and satisfied ako sa nakita ko sa sinehan kanina.

“I’m just so thankful to him.

“I’m just so thankful to Coco, to Dreamscape, CCM Productions that they trusted me.

“Ang dami naman nilang puwedeng kuning ibang artista, e.

“But they chose me, so thank you,” muling pagpapasalamat ni Jake.



Stories We Are Tracking

Director-producer Coco Martin has no budget limit for Panday
Director-producer Coco Martin has no budget limit for Panday
How big is the budget allotted by Coco Martin for <em>Ang Panday</em>?
How big is the budget allotted by Coco Martin for Ang Panday?
Phoebe Walker addresses rumors that Coco Martin shouts at cast of <em>Ang Panday</em>
Phoebe Walker addresses rumors that Coco Martin shouts at cast of Ang Panday
Coco recalls,
Coco recalls, "Pumapasok ako sa school, lagi akong may dalang balisong."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN