Vic Sotto on Vice Ganda's P1 billion box-office target: "Sana nga maabot niya..."

IMAGE Noel Orsal

Vic Sotto (left) says he would be happy if Vice Ganda achieves his P1 billion box-office gross for his Metro Manila Film Festival entry The Revenger Squad. Vic has his own MMFF 2017 entry titled Meant To Beh. 



Kinunan ng reaction si Vic Sotto sa hinahangad na box-office gross ni Vice Ganda na P1 billion para sa kanyang entry sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang pelikula ni Vice Ganda sa MMFF 2017 ay ang The Revengers Squad na tampok rin sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

Ang entry naman ni Vic ay ang pelikulang Meant To Beh, kasama sina Dawn Zulueta, JC Santos, Baeby Baste, at marami pang iba.

Magbubukas ang MMFF sa December 25, Araw ng Pasko.

Sa mga nakalipas na taon, consistent na top grosser ang mga entries ni Vice Ganda at umaakyat ang total gross kada taon, base sa ulat. 

Ilan sa mga past MMFF entries niya ay Beauty and the Bestie (2015), The Amazing Praybeyt Benjamin (2014), at Girl Boy Bakla Tomboy (2013).

Kaya naman sa isang recent press conference, sinabi ng It’s Showtime host na P1 billion ang kanyang target.

Inamin din ni Vice Ganda na "ambisyoso" ang kanyang hinahangad. 

Bahagi ng pahayag ni Vice Ganda: "Siyempre, masaya kung malampasan. Gusto ko rin yun kaya nagke-claim ako, sinasabi ko, P1 billion, P1 billion! Sobrang ambisyosa ko.

"Pero deadma ako. Kine claim ko lang naman.”


Stories We Are Tracking

Vice Ganda on target for <em>The Revenger Squad</em>:
Vice Ganda on target for The Revenger Squad: "P1 billion"



VIC’S OPINION. Sa palagay ba ni Vic ay kayang makamit ni Vice ang kanyang box-office target?

“Mathematically, it’s impossible.

"As a whole pwede. Baka yun yung sinasabi ni Vice,” pahayag ng 63-year-old TV host-actor.

Gayunpaman, magiging masaya raw siya kung sakaling makamit iyon ni Vice. 

“Sana nga maabot niya para mas maganda for a lot of people, for everyone.”  

VIC’S GOAL IN MMFF. Maituturing rin na beterano si Vic sa pagkakaroon ng mga entries sa annual film festival.

Nagkaroon ng panahon na ang kanyang mga pelikula ang top grossers.

Hinahangad pa ba niya na manguna ang pelikula niya sa takilya ngayong MMFF?

“Hindi ko na iniisip yun, e,” sagot ng Eat Bulaga host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa tagal ko na sa festival, ang iniisip ko lang, maraming manood ng festival.

Not for anything else, not to take away credit from the past festivals, I believe did well.

“I just want a lot of people to be happy, to be merry this Christmas na kahit anong type mong panoorin.

“For me, personally, gusto ko maraming manood ng mga pelikula.”  

Kasama rin sa Meant To Beh sina Sue Ramirez, Daniel Matsunaga, Andrea Torres, Gabbi Garcia, at Ruru Madrid. Ito ay produced ng APT Entertainment at M-Zet Productions. 



Stories We Are Tracking

JC Santos starstruck working with Vic Sotto and Dawn Zulueta
JC Santos starstruck working with Vic Sotto and Dawn Zulueta
Dawn Zulueta to Vic Sotto:
Dawn Zulueta to Vic Sotto: "Yummy ka pa din."
Vic kisses Dawn; Gabbi hits Ruru in the groin in MMFF teaser
Vic kisses Dawn; Gabbi hits Ruru in the groin in MMFF teaser




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN