Joseph Bitangcol plays his 'most daring' role in "Walang Kawala"


"Noong una talaga ay ayaw kong gawin.Kahit pa nung humingi ako ng payo sa parents ko at sinabi nilang ako angbahala. Pero maganda ang pagkumbinsi nina Direk, lalo na si Direk Joel. Sinabiniyang bilang isang artista, dapat na mag-grow at mag-take ng risks. Siniguradonaman nilang hindi bastusin ang labas at maganda po talaga ang kuwento," says Joseph Bitangcol about accepting a gay role in Walang Kawala.



"The most daring, grabe! Kung ipapagawa uli sa akin, bakahindi ko na kayanin," ang ilan lamang sa mga nasabi ni Joseph Bitangcolnang kapanayamin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sapinag-uusapang torrid kissing scenes at sex scenes niya sa Walang Kawala.

"First time kong makipaghalikan sa movie, sa kapwalalaki ko pa," dagdag pa nito na may halong pag-aalala dahil baka raw ibaang isipin ng marami.

Isang digital film ang Walang Kawala, na joint venture ninaDirek Manny Valera, Direk Joel Lamangan, writer Eric Ramos, at mga talentmanagers na sina Leo Dominguez at Arnold Vegafria, plus actor Polo Ravales.

Ayon kay Joseph, "Noong una talaga ay ayaw kong gawin.Kahit pa nung humingi ako ng payo sa parents ko at sinabi nilang ako angbahala. Pero maganda ang pagkumbinsi nina Direk, lalo na si Direk Joel. Sinabiniyang bilang isang artista, dapat na mag-grow at mag-take ng risks. Siniguradonaman nilang hindi bastusin ang labas at maganda po talaga ang kuwento."

Sa isang text message na ipinarating sa PEP ng ina ni Josephna si Mrs. Lydia Bitangcol, tinuran nitong sinusuportahan nila ang anak sa"bagong direksiyon" na nais nitong tahakin sa showbiz.

"Part po ‘yan ng pag-grow ng isang artista. May tiwalakami sa kanya at kilala naming marunong siyang manindigan sa prinsipyo niya.We're simply proud of him," ang bahagi ng ipinaabot na mensahe ng ina niJoseph sa PEP.

Ayon pa kay Joseph, humingi rin siya ng permiso sakasalukuyan niyang karelasyon ngayong isang non-showbiz girl na mature namandaw tumingin sa isyu. "Yun nga lang, sinabi ko sa kanyang huwag na munaniyang panoorin hangga't di siya ready," dagdag ng 24-year-old actor.

Bukod sa magandang kuwento at kina Direk Joel, malakingbagay rin ayon kay Joseph ang pagiging very close friends nila ng co-starniyang si Polo Ravales. Kasa-kasama raw niya ito noon sa "pambababae"noong kapwa pa sila unattached, bukod pa sa business partner din sila, kaya'tkumportable sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero pagdating sa mga halikan, talagang nandun pa rinyung ilangan. Ilang bote rin ng wine ang halos nauubos namin sa bawat eksenangkukunan," kuwento ni Joseph.

Sa edad ngayon ni Joseph na 24 at sa itinatakbo ng kanyangshowbiz career, kailangang may gawin siyang hakbang para umunlad bilang isang aktor. Alamnaman daw niyang hindi siya magsisisi lalo pa't mahuhusay at respetadong mgatao ang nasa likod ng pelikula.

"'Tsaka, magkaibigan talaga kami ni Polo," sambit niya."Sabi ko nga sa ibang interviews na mas nasarapan ako sa halik niya kesa noong nagpapa-cutepa kami ni Sandy [Sandara Park, Joseph's ex-girlfriend] sa mga TV and movieprojects namin. But seriously speaking po, more of a career move ito parasa akin. Sana lang po ay masuportahan din ninyo ako."

In terms of preparation, sinabi ni Joseph na matindingmotivation ang kanyang ginawa. Nanood din siya ng mga gay-themed movies gaya ngBrokeback Mountain at Ang Lalaki sa Buhay ni Selya. Sa mga respetadong aktor nasina Ricky Davao at Allan Paule daw siya humugot ng inspirasyon at role-model.

"Pinag-aralan ko po yung mga kilos nila at sinubukankong maramdaman ang mga situwasyon nila. Mukhang masaya naman po si Direk Joeldahil nagampanan ko naman daw po nang tama ang role," saad ng young actor.

Marami rin sa mga nakapanood ng trailer ng Walang Kawala angnagsasabing "disturbing" ang mga naturang eksena nina Joseph at Polo. Kunghindi nga raw nila ito kilala ay baka isipin nga nilang mayroong bading sadalawang aktor na miyembro din ng Boyz.com.

Bukod sa dalawa, may kakaibang roles din sa pelikula sinaJean Garcia, Emilio Garcia, Paolo Rivero, at ang mga baguhang sina Althea Vegaat Marco Morales.

Sa November 12 na ipalalabas ang Walang Kawala sa mgasinehan sa Metro Manila, sa Cebu, at Davao. Magkakaroon din ito ng director'scut showing sa UP Film Institute sa November 6.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN