(UPDATED) Here are bloopers of the MMFF 2017 awards night

IMAGE Allan Sancon



Mapapanood sa TV5 ngayong hapon, December 28, ang delayed telecast ng Gabi ng Parangal ng 43rd Metro Manila Film Festival, na ginanap sa KIA Theatre, Araneta Center, Quezon City, kagabi, December 27.

Dahil delayed telecast, hindi na mapapanood ang mga eksenang na-edit out.

ANG BIRO NI DEREK NA HINDI PALA NIYA BIRO. Tulad ng kontrobersiyal na biro ni Derek Ramsay nang tanggapin nito ang Male Star of the Night special award.

Mga aspiring star ang karamihan sa award presentors. Dahil marahil mga baguhan, kinabahan ang karamihan sa kanila kaya kung hindi nag-buckle, nagkamali sa pagbabasa.

Sa halip na sabihing P20,000 ang cash prize na matatanggap ng Male and Female Stars of the Night, ang ninenerbiyos na sinabi ng aspiring female star presenter ay "twenty pesos."

Nang umakyat sa stage si Derek, may bitbit itong twenty-peso bill.

Nagbiro pa ang aktor na paghahatian nila iyon ni Erich Gonzales, ang Female Star of the Night winner.

May ilang hindi natuwa rito at na-offend pa nga sa biro ni Derek.

Hindi raw nito naisip ang naramdaman ng aspiring female star na nagkamali na nga sa pagbabasa, tila inilagay pa niya sa kahihiyan.

May mga nagsabi pang ang money jokes ay walang lugar sa awards nights. Ito naman ay dahil sa checkered history ng awards nights sa Pilipinas.

Hopefully, edited na itong joke sa delayed telecast ng Gabi ng Parangal.

Pinabalik sa stage ang tatlong baguhan na nag-present ng special award at nagkaroon ng retake.

Kaya naiwasto ang pagkakamali ng aspiring female star.

UPDATE: Ayon sa mga malapit kay Derek, ni hindi naman pala ideya ni Derek ang biro.

Inabot lang sa star ang twenty-peso bill pag-akyat nito sa entablado at sinabihan lang siyang magbiro tungkol sa blooper na nangyari.

Ni hindi pala alam ni Derek na may blooper na nangyari dahil nagkakatuwaan sila ng grupo nina Atty. Jojie Alonso, ang prodyuser ng kanyang pelikula sa MMFF, bago siya tawaging Male Star of the Night, na hindi niya inaasahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit ang naputukan ng galit para sa bad joke ay si Derek.

EDGAR ALLAN AT JOROSS NAGPAKASAYA. May mga nagsasabing malaking boo-boo na ginawang presentors ng Best Supporting Actor category ang Dedma Walking stars na sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman.

Nominado si Edgar Allan para sa naturang kategorya at siya ang nanalo, kaya awkward ang pagtanggap niya ng kanyang acting trophy.

Hindi rin daw pang-awards night ang song number ni Edgar Allan, dahil nagmukhang fans day ang okasyon nang bumaba siya mula sa stage at inimbitahan niyang umakyat si Joross.

Kinantahan ni Edgar Allan si Joross na may dalang lumang model ng cellphone na ginamit niya para sa kanilang selfie shot.

Kung may natawa man sa kanilang scripted act, baka raw silang dalawa lang. Ang karamihan sa audience ay naalaala lang ang classic line na “It cheapens the affair” ng pumanaw na TV host na si Inday Badiday na producer din noon ng mga awards night.

EDS' NOTE: Tila marahas naman ang kritisismo kay Edgar Allan at Joross.

Tingin namin ay sobrang saya lang ng dalawa, lalo na ni Edgar Allan, na may starring role sila sa MMFF at may centerstage role pa sa awards night mismo. Hindi naman kasi ito regular na nangyayari sa dalawa.

Lalo na si Edgar Allan na secondary roles lang, o mas maliit pa, ang madalas nakukuha sa pelikula, gayo't mahusay siyang aktor, sa big screen man o sa stage.

Tuloy, nag-isip ito, o ang mga kasamahan niya, ng showbiz moment. Ibig sabihin, gusto lang nilang magpakasaya—at magpasaya.





DI NAMAN BLOOPER, KUNDI NAKAKATAWAG PANSIN. Nagmistulang tribute sa LGBT community ang 43rd Gabi ng Parangal ng MMFF.

Ito ay dahil sa dance number ni Awra Briguela, song number ng tatlong stand-up comedians na co-stars ni Vice Ganda sa Gandarrapido: The Revenger Squad, at ang magkasama na announcement nina Arnell Ignacio at Aiza Seguerra sa winners ng Best Actor at Best Actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JASMINE CURTIS SMITH FORGETS SISTER ANNE CURTIS. Pinasalamatan ni Jasmine Curtis Smith sa kanyang acceptance speech para Best Supporting Actress sa Siargao ang mga magulang niya at boyfriend na si Jeff Ortega.

Pero hindi niya nabanggit ang kapatid na si Anne Curtis, na posibleng pagsimulan ng intriga.






PRETTY HOSTS BUCKLE. Mga host ng Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2017 sina Paolo Bediones, Miss International 2016 Kylie Verzosa, at anchor ang beauty-queen turned actress na si Cindy Miranda.

Tulad ng baguhang artista na nagkamali sa pagbasa ng cash prize na napanalunan nina Derek at Erich, maraming beses na nag-buckle sina Kylie at Cindy, na dapat na lang unawain dahil sa matinding kabang nararamdaman nila.

Napakalaking event nga naman ng MMFF Awards Night, maraming live audience, at televised pa.




(L-R) Cindy Miranda, Paolo Bediones, and Kylie Versoza



Stories We Are Tracking

MMFF 2017 winners bared; Derek, Joanna win top acting honors
MMFF 2017 winners bared; Derek, Joanna win top acting honors
Celebs appeal support for <em>Ang Larawan</em> amid theater pullout
Celebs appeal support for Ang Larawan amid theater pullout





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN