Former actress Anna Bautista wants to cast John Lloyd Cruz in Juan Luna biopic

IMAGE Jojo Gabinete

Former actress-turned-talent manager and producer Anna Bautista (in photo, with MMA fighter and boxer Roman Canto) is eyeing John Lloyd Cruz to play Filipino painter Juan Luna in a biopic.



Isang talent manager na ngayon ang dating '90s aktres na si Anna Bautista.

Prodyuser na rin siya ng mga television series at pelikula dahil sa affiliation niya sa Viva Entertainment.

Ngayong 2018, gusto ni Anna matupad ang kanyang pangarap na isalin sa pelikula ang life story ng Filipino painter at political activist na si Juan Luna.

Si John Lloyd Cruz ang napipisil ni Anna na magbida sa ambitious project na ito.

Sinabi ni Anna na hindi pa tapos ang script ng Juan Luna, na balak niyang kunan sa Europe ang mga eksena.

"We’re still working on the script kasi historical, e," sabi niya. "Hindi kami puwedeng magkamali.

"This I something na may appeal sa international market. I just don’t wanna concentrate sa Filipino market kasi mas global na dapat ang isipin mo."

Samantala, simula noong October 6, 2017 ay naka indefinite leave of absence si John Lloyd sa kanyang home network, ang ABS-CBN, upang asikasuhin ang ilang "personal matters."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anna sa launch ng Cage Gladiators, ang non-profit organization na naglalayong tumulong sa mga mahihirap na Filipino Mixed Martial Arts (MMA) fighters, para magkaroon ng magandang kinabukasan sa naturang sport.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz
John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz



SPONSORING ATHLETES. Co-founder si Anna ng Cage Gladiators, kasama ang American MMA fighter na si Laurence Canavan, na malaki ang sampalataya sa mga Pinoy MMA fighters. 

Si Anna rin ang namahahala sa career ni Canavan.

Pangulo si Anna ng Underground Battle Mixed Martial Arts Corporation na producer ng mga MMA events at discoverer ng Filipino MMA fighters.

Isa ang MMA fighter at boxer na si Roman Canto sa mga natulungan na ng Cage Gladiators nang lumaban ito sa Bangkok, Thailand, noong December 20, 2017.

"Ang laki ng nagawa ng Cage Gladiators para sa akin," sabi ni Roman sa PEP.ph.

"Hindi ako makapaniwala nang mag-offer sila ng sponsorship dahil, buong buhay ko, wala pang nagbibigay ng monthly allowance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong una, kung kani-kanino ako kailangan na manghiram, mangutang at nababayaran ko lang sila kapag may laban ako.

"Literal na parang isang kahig, isang tuka.

"Umaasa lang ako sa tip sa training.

"Hindi ako makapag-focus sa training kasi wala akong makain, wala akong mapagkukunan ng pang-araw-araw na pangangailangan.

"Pinipilit ko na mag-train ako, kahit pagod ako."

Patuloy ni Roman, “Nung dumating yung Cage Gladiators, grabe, parang hulog ng langit.

"Sobrang dalang kasi sa Pilipinas ang makakuha ka ng sponsorship, lalo na kung hindi kilala ang pangalan mo.

"Ang nabibigyan lang ng sponsorship, yung mga may pangalan, yung mga sikat sa larangan ng sports.

"Maraming magagaling na fighters sa Pilipinas pero minsan, napipilitan na iwanan ang sports kasi gutom na talaga sila at walang masyadong tumutulong o oportunidad na naibibigay sa kanila.” 




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN