Was Paulo Avelino distracting as a leading man? Rachel Alejandro answers

Rachel Alejandro on Ang Larawan co-star co-star Paulo Avelino: "He's very good to look at mysterious siya."


Bago pa man ang awards night ng 2017 Metro Manila Film Festival, confident si Rachel Alejandro na malaki ang chance na maiuwi ni Joanna Ampil ang Best Actress award sa annual film festival.

Sina Rachel at Joanna, kasama si Paulo Avelino, ang bida sa entry na Ang Larawan, na nagwagi ring Best Picture sa MMFF 2017.

Si Joanna ay gumanap bilang Candida, at si Rachel naman ay ang kapatid niyang si Paula. Si Paulo naman ang umuupa sa kanilang bahay na si Tony, at nagkainteres sa huling larawan na ipininta ng kanilang ama.

Marami sa mga unang nakapanood ng Ang Larawan ang nagsabing lalaban sa acting categories ang musical. 

Sinang-ayunan naman ito ni Rachel, at ibinida ang co-star na si Joanna.

Sabi niya, "Ang talagang super, I guess tumatatak na performance, the more difficult role here is the Candida part, di ba?

"'Cause she’s really the one that does that huge… the famous walang ilaw scene is a Candida moment, di ba?"

Si Joanna, na isang tanyag na international theater actress, ay kabilang sa international tour ng musical na Cats na nagtapos noong Nobyembre kung kaya't hindi siya halos nakasama sa pagpo-promote ng pelikula. 

"Because of the fact that she’s only gonna make it to the awards [night] kasi nga she’s on world tour with Cats, ako meron akong parang may kutob ako na she’ll… that it would be very worth her while," pagtukoy ni Rachel sa co-star niyang si Joanna.

Ginawa ni Rachel ang prediction na ito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago magsimula ang MMFF noong Disyembre 25.

Mahusay rin ang pinakitang performance ni Rachel, na halos dalawampung taon na mula noong huling gumawa ng pelikula.

Aniya, "I was probably, baka teenager pa nga, maybe."

Na-impress din si Rachel sa kanyang co-star na si Paulo Avelino, na gumanap bilang Tony Javier.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaka-distract bang leading man si Paulo?

"Yes," ang tumatawang bulalas ni Rachel.

"Kasi he’s ano, e, I mean, actually aside from the fact that, of course, he’s very good to look at, mysterious siya, e. Meron siyang ganung vibe.

"Hindi ko ma-place, I never know what he’s thinking and maybe that’s part of his appeal, a lot of people I think like him for that.

"And then when he’s onscreen, you know, he’s like larger than life!

"Parang when you meet him he’s so humble, di ba, pag nagsalita siya?

"Quiet 'tapos pagdating sa screen parang, 'Wow!'

"Anlaki ng personality niya.

"That’s why I was very happy na siya yung napili and nag-audition siya.

"Kasi not everyone likes to do that. Alam mo naman mga artista ngayon ayaw nila ng ganun, audition-audition, pang-theatre yun, di ba?

"So iyon, na-aano kami which is something I think sila Direk Loy [Arcenas] appreciate it talaga."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN