Nico Antonio reacts to those saying he only gets film projects because he is producer's son

IMAGE Noel Orsal

Nico Antonio says he doesn't have any problems with people thinking he's gay in real life, because of the gay roles he's portrayed on film and TV. "Ako kasi, okay lang sa akin kasi work is work. Pero siyempre, career-wise, mahirap nga na ma-stereotype. Iyon yung mahirap, yung makahon [sa isang klaseng role]."



Sunod-sunod ang proyekto ng aktor na si Nico Antonio.

Kasali siya sa All of You at Dedma Walking na entries sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Tampok din siya sa upcoming Star Cinema movie na Ang Dalawang Mrs. Reyes, na ipalalabas na sa January 17.

Si Nico ay anak ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films, and producer ng All of You.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nico kung naapektuhan ba siya kapag may bashers na sinasabing kaya lamang siya nabibigyan ng pelikula ay dahil anak siya ng producer.

Pag-amin niya, "Nung simula, sobra! Pero ngayon, hindi na.

"Hindi na. Kasi, I mean may napatunayan na naman ako.

"I mean, modesty aside, tingin ko naman may napatunayan na naman po ako sa mga nagawa ko.

"From Dyesebel, actually way back, [sa] Sana Dati, alam mo yung mga naggi-greet sa akin na mga co-actors ko, sabi sa akin, 'Alam mo ang galing mo dun!'

"So nagugulat ako kasi siyempre ano 'yan, e, mga veteran na, e, na nagsasabi."

Indie film (sa direksyon ni Jerrold Tarog) ang Sana Dati na tinampukan nina Lovi Poe, Benjamin Alves, at Paulo Avelino noong 2013.

Nang sumunod na taon ay nakasama si Nico sa ABS-CBN fantaserye na Dyesebel, na pinagbidahan ni Anne Curtis, at kasama rin ang aktres na si Eula Valdes.

Isang bading ang ginampanan ni Nico sa show.

Kuwento niya, "Si Miss Eula nga, sabi sa akin, 'Akala ko bakla ka!'

Marami nga ang nag-akala noong una na bading sa tunay na buhay si Nico.

Parehong bading din ang roles niya sa All Of You at Deadma Walking.

"Sa Deadma Walking sa simula hindi ako bading pero eventually… hindi tulad sa All Of You na from the very beginning bakla talaga."

HUSBAND AND FATHER. Ano ang pakiramdam niya na nata-typecast siya sa mga gay roles?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy," tugon niya.

Hindi raw siya naiinis o nag-aalala kapag pinaghihinalaan siyang bading.

"Hindi naman. Compliment siya sa akin."

Hindi naman alam ng lahat na may asawa na si Nico.

"Hindi nila alam na may asawa’t anak," dagdag ni Nico sabay tawa.

Kaya naman compliment para sa kanya na maging kapani-paniwalang isang bading dahil sa mga role na ginagampanan niya.

Sa kabilang banda, inamin ni Nico na mahirap ang malinya sa iisang klase lamang ng role.

"At the same time siyempre yung stereotype," paliwanag niya.

"Mahirap ma-stereotype as an actor, di ba? Kasi baka makahon ka na lang dun forever sa ganung klaseng role.

"So buti na lang after nung Dyesebel, iniba naman.

"Binigay sa akin yung sobrang, thank God and thank you Dreamscape [Entertainment Television ng ABS-CBN], yung On The Wings Of Love.

"Dun talaga nag-skyrocket talaga yung ano [career] ko."

Noong 2015 ay gumanap si Nico bilang si Tolayts sa On The Wings Of Love na serye nina James Reid at Nadine Lustre.

Wala naman raw kaso kay Nico kung madalas siyang mapagdudahan na bading sa tooong buhay.

"Ako kasi, okay lang sa akin kasi work is work. Pero siyempre, career-wise, mahirap nga na ma-stereotype. Iyon  yung mahirap, yung makahon."

Kaya ipinagpapasalamat ni Nico na recently ay papel ng tunay na lalaki ang naibibigay sa kanya, tulad sa Ang Dalawang Mrs. Reyes kung saan isang macho dancer ang karakter niya for the very first time.

Naligawan na ba siya ng bading?

"Hindi po kasi alam po nila anak ako ni Atty. Joji," at tumawa si Nico.

"Saka pag nasa labas ako, kita naman nila, e. Kasama ko yung misis ko, kasama ko yung mga anak ko.”

Kahit noong binata pa siya ay walang nanligaw na gay sa kanya?

"Meron! Meron talaga pero hindi ko naman… parang pag nakaramdam na ako na parang type ako neto, iwas na ako. Mahirap na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN