Judy Ann Santos admits insecurities while filming mainstream movie comeback

IMAGE Noel Orsal

Judy Ann Santos admits her insecurities while filming Ang Dalawang Mrs. Reyes, her comeback mainstream movie: "Siguro hindi lang ako confident, sa sarili ko ha? Hindi ako confident kung maganda yung trabahong ginawa ko. Hindi ako confident kung alam ko pa ba yung kiliti ng audience."


Limang taong hindi gumawa ng mainstream movie si Judy Ann Santos.

Ang pinakahuling commercial movie na ginawa niya, ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako, ay ipinalabas noong December 2012.

Kaya tinanong namin ang aktres kung ano ang pakiramdam na may bago siyang mainstream na pelikula, ang Ang Dalawang Mrs. Reyes, na ipapalabas na sa January 17.

Bida sila rito ni Angelica Panganiban.

Pag-amin niya, “Nakakakaba siyempre.

“Sa totoo lang, natatakot ako kasi…

“Gusto ko ngang mawala, gusto ko munang maglaho, kung puwede munang huwag akong mag-exist sa time na pinapalabas siya.”

INSECURITIES. Ano ang ikinatatakot niya?

Paliwanag niya, “Wala, parang… ewan ko. Basta…

“Siguro hindi lang ako confident, sa sarili ko ha?

“Hindi ako confident kung maganda yung trabahong ginawa ko.

“Hindi ako confident kung alam ko pa ba yung kiliti ng audience.

“Kasi, alam mo yun, kung pagiging honest, kung honesty yung pag-uusapan, sa totoong salita lang naman, sobrang ibang-iba ang audience noon compared to now.

“Sa panahon na ang bilis magpalit ng trend, ang bilis magpalit ng punchlines ng mga tao, kahit sino ngayon puwedeng pumunchline.

“Not that I’m saying na napakadali ng trabaho namin, ha?

“Hindi iyon, e. Maraming magaling!

“Iyon yung sinasabi ko.

“Ang daming magaling, ang daming mas mahuhusay at ang daming mas sanay.

“Si Angelica’s been doing this for what, more than five years already?

“Gamay na gamay niya na.

“Pag pinapanood ko siya, pag magkaeksena kami, sisiw na sisiw!

“So ako talaga yung nangapa nang husto, sa totoong salita.

“Ako yung pinakabago, lumang bago. Alam mo yun?”

May pagka-comedy kasi ang Ang Dalawang Mrs. Reyes at si Judy Ann ay nakilala bilang isang drama actress.

HAPPY EXPERIENCE. Nanibago ba siya?

“Hindi, hindi naman kasi nakikita naman nila akong nagko-comedy, e.

“Naninibago lang ako sa galaw ng lahat—tahimik yung shooting, hindi mainit yung ilaw, babae ang DOP [director of photography] ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s so different, so different and it’s a happy different feeling. Alam mo yun?

“It’s a happy experience definitely but iyon yung challenge, tsinallenge ko rin naman yung sarili ko, e.

“Nung tinanggap ko itong project na ‘to, tsinallenge ko yung sarili ko, na kailangan sa 2017 gumawa ako ng mga projects na hindi iisipin ng mga taong gagawin ko.

“Like yung Judy Ann’s Kitchen, ang tagal ko nang project 'yan, as in mga ilang taon na naming pinag-uusapan ni Ryan.

“Bagong kasal pa lang kami, gusto na akong i-shoot ni Rye for a cooking show na ano lang, 15-seconder nga lang.

“Ako yung takot kasi hindi ko siya comfort zone, e.

“Tapos ito, pinagdasal ko naman, na sana may dumating na script sa akin na mahihirapan akong tanggihan pero mahihirapan din akong tanggapin.

“Ito yun,” pagtukoy ni Judy Ann sa Ang Dalawang Mrs. Reyes.

“Kasi nung binabasa ko siya, iniisip ko rin, ‘Paano ko ba ‘to gagawin? ‘Paano ko ba ‘to gagawin? Ano ba ang sasabihin ng mga tao pag ginawa ko ‘to?’

“And then na-realize ko, you know what? Tapos na ako dun, tapos na ako sa kung ano ang puwedeng sabihin ng mga tao.

“Parang andun na ako sa kung ano pa yung puwede kong gawin sa panahong ito na tinatangkilik pa ako ng mga tao.

“Ano pa ba ang puwede kong mai-showcase na talent apart from cooking?

“Kasi nag-cookbook na ako, may online cooking show ako, nag-Judy Ann’s Kitchen ako, naghu-host ako, ang tagal ko nang hindi umaarte, and they’ve been asking for a movie, and I’ve been asking for a movie.

“Tapos, dumating ito, co-prod pa ng tatlong kumpanya na pinagkakautangan ko ng loob.”

Ang mga producers ng Ang Dalawang Mrs. Reyes ay ang Star Cinema, Quantum Films at The IdeaFirst Company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So parang there’s really no reason para hindi ko siya gawin.

“Parang ang diva-diva ko na pagka humindi pa ako.

“Wala na akong puwedeng irason.

“Hindi ko puwedeng sabihing may sakit ako, hindi ko puwedeng sabihing buntis ako. Hindi.

“Hindi ko puwedeng sabihing mataba ako kasi nung-in-offer sa akin, hindi ako mataba.

“Nagsisimula na akong magpapayat,” at tumawa si Judy Ann.

“And feeling ko lang, ito yung pinagdasal ko.

“Pag hindi ko tinanggap itong hamon sa akin, baka hindi na i-grant ni Lord yung susunod ko pang mga idadasal.

“So pikitmata. Kaya mga first shooting days, kapang-kapa talaga ako.

“Hanggang sa dumating pa ako sa punto that I had to ask sila Direk Jun for a meeting and actually ask them kung okay ba yung ginawa ko. 'Tama ba yung bitaw ng linya?'

“Ganun ako ka-walang kumpiyansa sa trabaho ko, kasi nga masyado akong naging kampante sa pagiging wala sa kamera,” dagdag niya.

Si Jun Lana ang direktor ng Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Patuloy ni Juday, “Nakumpiyansa ako sa pagiging host, okay na ako dun, e!

“Yung umuuwi akong maaga, hindi ako napupuyat, hindi ako pagod.

“Pero na-realize ko, hahanapin mo pa rin pala talaga yung moments na umaarte ka.

“Babalik at babalik ka pa rin.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa bahay nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo sa Alabang nitong nakaraang Huwebes, January 4.

Ang huling ginawang pelikula ni Judy Ann ay ang indie movie na Kusina na ipinalabas sa Cinemalaya noong 2016.

Nahirapan ba siya sa transition ng pag-arte from Kusina to Ang Dalawang Mrs. Reyes?

“Oo!

“Sa lahat naman ng pelikulang ginawa ko nahihirapan ako, hindi ko alam kung bakit,” at muling tumawa ang aktres.

Saan siya mas nahirapan bilang aktres, sa Kusina o dito sa Ang Dalawang Mrs. Reyes?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-aanalisa niya, “Magkaibang level ang hirap, e.

“Yung Kusina kasi galing sa wala talaga… galing ako sa panganganak.

“Pero pinanghawakan ko na yung project na yun the whole time that I was pregnant.

“Kasi gusto ko talaga siyang gawin, regardless kung anong maging resulta niya sa takilya, gusto ko lang siyang gawin.

“Iyon yung magnet nung Kusina sa akin.

“And palagi ko ngang sinasabi, I am so grateful sa Kusina team kasi they waited for me.

“Pinaglaban nila ako sa mga panahon na talagang push comes to shove. ‘Ito na talaga yung last stretch na puwede kaming maghintay. Maghihintay pa rin kami.’

“So kahit mataba pa ako, go!

“E, nasa kusina naman ako, e. Puwede namang kinain ko lahat ng sangkap dun, di ba?” at tumawa si Judy Ann.

“Itong Ang Dalawang Mrs. Reyes, it’s a complete package of being an actress.

“Kailangan artista ka—maayos, naka-makeup, glamour, naka-heels, nag-e-English, may breeding, 'tapos bakla yung punchline…

“Ano siya e, mainstream na mainstream yung character.”

Sa Ang Dalawang Mrs. Reyes, gaganap si Juday bilang isang cosmetic surgeon, si Lianne.

“Basta maraming first itong pelikulang ito, na ako rin nagulat ako. ‘Talagang ngayon ko ‘to ginawa na may asawa na ako at tatlong anak?’

“Ayos din naman ako e, ‘no?’” pabiro niyang hirit.

GAY THEME. Tungkol sa kabadingan ang tema ng pelikula.

Aishite Imasu kasi is a different gay movie, ibang klase naman yun, super-serious naman yun.”

Ang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita ay ang drama film noong 2004 nina Judy Ann, Raymart Santiago at Dennis Trillo na gumanap bilang isang transgender.

Aniya, “Ito [Ang Dalawang Mrs. Reyes], gay movie na, third party pa.

“Kaya ko siya tinanggap kasi it’s a different take on the gay community and it’s a different take of a third party involved.”

At napapanahon dahil nangyayari sa tunay na buhay ang mapapanood sa Ang Dalawang Mrs. Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka ako rin, gusto ko siyang gawin kasi gusto kong maintindihan ng mga tao kung ano din yung nararamdaman ng mga bading.

“Kasi ang lawak ng mensahe ng pelikula.

“Ang lawak at saka ang sensitive ng characters nung apat na main [characters], kaya ang ganda ring paglaruan,” pahayag niya.

Leading men sa Ang Dalawang Mrs. Reyes sina Joross Gamboa at JC de Vera.

Saan humugot si Judy Ann ng emosyon sa papel niya na isang babaeng may asawang bading?

Tugon niya, “Pumasok lang ako sa character, hindi ko siya itinuring na bading.

“Kung sa tunay na buhay regardless kung bading o babae, ang third party, third party.

“Pero yung amount ng panloloko, pareho lang.”

Tinanong namin si Juday kung isyu ba para sa kanya kung sakaling sa relasyon niya ay ipinagpalit siya sa isang bading?

Sagot niya, “Wala, e.

“Ang point dun is niloko ka, period.

“Wala akong isyu sa kung sino ang ipinalit, ang isyu ko, pinalitan mo ako.

“Kasi lahat naman yan may emosyon, lahat naman yan may gender.

“Nagkataon lang na baka kaya ka mas na-magnet sa kapwa lalaki kasi sa kanya ka nakakita ng tunay na affection, but the point really is tinarantado mo ako!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN