Judy Ann Santos thanks Joross Gamboa for reprising gay role for Ang Dalawang Mrs. Reyes

IMAGE Judy Ann Santos Facebook page

Judy Ann Santos commends Joross Gamboa, her co-star in the movie Ang Dalawang Mrs. Reyes, for being versatile in tackling yet another gay role: "Kung kaya mong baliin ang pagiging bakla, kaya mo siyang baliin. Di ba? Ang role, role. Ang aktor, aktor."


“Okay naman. Bakla!” bulalas ni Judy Ann Santos sa tanong kung kumusta katrabaho si Angelica Panganiban.

First time nilang magkasama sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na mapapanood sa mga sinehan sa January 17.

Pagpuri niya sa kanyang co-star, “Iba rin naman ang hugot nun.

“At saka hindi mo rin naman alam kung kailan siya seryoso at kung kailan siya umaarte.

“Mahusay!”

Marami rin naman kasing pinaghuhugutang experiences sa buhay si Angelica.

Dagdag pa ni Judy Ann, “And palagi kong sinasabi sa kanya, gamitin lang niya 'yan.

“Actually, hindi lang sa kanya, sa lahat ng mga batang artista.

“Marami pa 'yan, marami pang pains ang darating sa kanila, para gamitin nilang materyal sa pagiging artista.

“Pag nagamit na nila yung emosyon na yun, before they know it, hini-heal na nila yung sarili nila by using those emotions, those pains.”

Sa Ang Dalawang Mrs. Reyes, ginagampanan ni Judy Ann ang kanyang papel bilang si Lianne, isang babaeng may asawa palang closeted gay played by Joross Gamboa.

Si Angelica naman si Cindy na ganun din ang sitwasyon sa mister nito na ginagampanan naman ni JC de Vera.

Halimbawang may tunay na Lianne na lumapit kay Judy Ann para humingi ng payo, ano ang sasabihin niya rito?

“Move on and forgive.

“Ganun, e.

“Kasi hindi mo naman puwedeng panghawakan ang emosyon ng isang taong hindi na masaya sa relationship with you, di ba?

“Mahirap pilitin ang isang relasyon na hindi na talaga nagwu-work,” diin niya.

RELEVANT. Tiyak na maraming makaka-relate sa Ang Dalawang Mrs. Reyes na idinirihe ni Jun Lana at prinodyus ng Star Cinema, The IdeaFirst Company at Quantum Films.

Pagsang-ayon ni Judy Ann, “Ganun talaga. Masaya! Kasi hindi sila nag-iisa.

“That’s one way of putting it, hindi sila nag-iisa.

“Marami silang nasaktan, marami silang nasasaktan, at marami pang I’m sure na mas nakakatawang sitwasyon na… siyempre nung time na nangyayari yun, nakakabuwisit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon kung babalikan mo yun, nakakatawa talaga siya.

“E, shit happens. Hindi mo naman madidiktahan talaga ang love, di ba?

“Hindi mo madidiktahan kung kailan ka magiging bakla, kung kailan ka magiging tomboy, mararamdaman mo 'yan.

“Ang kailangan mo na lang maipaintindi sa mga tao sa paligid mo is yung respetuhin kung saan ka masaya.

“Pero at the same time, kung ikaw din naman yung nasa relasyon, daanin mo sa tamang proseso, turuan at tulungan mo yung partner mo na makapag-move on properly, hindi yung basta ka lang liligwak.

“Tulungan mo rin, hindi puwedeng basta lang.

“Hindi puwedeng ganun kasi at the end of it all may pinagsamahan pa rin kayo.”

WORKING WITH JOROSS. Unang beses ring nakatrabaho ni Judy Ann si Joross na gumaganap bilang si Gary sa pelikula.

Challenging din ang role ni Joross sa pelikula.

Ani Juday, “I’m so happy tinanggap niya!”

May mga artista raw kasi na tinanggihan ang papel sa pelikula bilang isang closeted gay husband.

Dahil ba ito sa hindi nila kaya ang role?

Lahad ni Judy Ann, “Hindi kaya, plus ayaw lang nila na malinya sila na palaging bading yung role nila.

“Kung maganda yung papel, maganda yung papel.

“Kung kaya mong baliin ang pagiging bakla, kaya mo siyang baliin.

“Di ba? Ang role, role. Ang aktor, aktor.

“Si Joross nga, magkasunod na pelikula [na bading ang role], Deadma Walking, tapos ito.

“Hindi lang niya talaga mapalampas ang pagkakataon na gawin yung pelikula kasi maganda talaga siya!

“I mean, maganda talaga yung istorya niya.

“Iyon nga lang, though hindi ko naman mabe-blame yung mga tumanggi kasi baka hindi iyon yung path na gusto nila for their careers.

“E, kanya-kanya namang kembot 'yan pagdating sa kung ano ang gusto mong mangyari sa pag-aartista mo, hindi ba?

“Kung feeling mo hindi ka kumportable dahil puro bading yung roles mo, nasa sa iyo rin naman yung kung paano mo ite-take.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang sa akin lang, nasa sa iyo rin kung paano mo dedepensahan yung pagiging aktor mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN