Sylvia Sanchez on her new sexy look: "Kaya ko ring maging sosyal, kaya ko ring magmukhang mayaman."

IMAGE Noel Orsal

Sylvia Sanchez says she's happy doing mother roles, an occupation she has turned into a mission: "Okay na ako na maging nanay ako, hindi na ako maghahanap ng iba. Kasi nagdudulot ng aral sa mga kabataan, kahit sa mga nanay. I guess misyon ko ito… at nakakatuwa yun."



Itinuturing ni Sylvia Sanchez na comeback movie niya ang Mama’s Girl sa Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.

Sentimiyento niya, “Kaya thankful ako sa movie na ito… bumalik siya sa akin, bumalik ako sa kanya kaya thankful ako. 

“Kung anuman yung istorya namin ni Mother Lily sobra kong trinesure yun. 

“Si Mother Lily yung nag-discover sa akin, kung ano yung kuwento namin sobrang haba… kung gusto mong mag-usap tayo, isang araw.

“Wala naman akong itinago sa pinagdaanan ko, ipinagmamalaki ko yun dahil doon ako humugot lahat ng tapang,

“Nandito ako sa showbiz, masaya ako, dahil [kay] Mother Lily.

“Yung unang sinabi niya sa akin, ‘Pinagmamalaki kita, mahal kita.’

“Kaya sinasabi ko kay Mother Lily thank you at kinuha mo ako.

“Kasi kung wala si Mother Lily, wala si Peque Gallaga, wala si Lore Reyes, wala ako.

“At utang na loob ko yun kay Mother Lily, at never kong kakalimutan sa tanong buhay ko.”

Ang unang pelikula ni Sylvia sa Regal ay ang Student Body kung saan sa kanya natoka ang sexy roles at sexy scenes.

Balitang sa isang night bar nadiskubre ni Mother Lily si Sylvia na noo’y isang dancer.

REGAL MOM. At ngayon sa kasagsagan ng kanyang acting career, mula nang pumutok si Sylvia bilang nanay sa Please Be Careful With My Heart, nagkasunud-sunod na ang mga mother roles niya sa mga shows ng ABS-CBN.

Naging top-rated series ang pinagbidahan niya na The Greatest Love, at nanay na naman ang role niya sa real-life son niyang si Arjo Atayde sa latest project nila na Hanggang Saan.

Kaya kagulat-gulat ang suot niyang lace black dress na nagpapakita ng cleavage nang dumating siya sa presscon ng Mama’s Girl na ginanap noong January 6 sa Valencia Events Place.

Malayo kasi sa image ng Kapamilya actress ang biglang pagsusuot ng ganito ka-seksing outfit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya napilitan siyang ipaliwanag na parte raw iyon ng role niya sa Mama’s Girl bilang modern mom ni Sofia Andres, ang bida sa pelikula opposite Diego Loyzaga sa direksiyon ni Connie Macatuno.

Lahad ni Sylvia, “Ganito yun, naka-box ako sa sobrang hirap na nanay. 

“Yung mahirap na ang nanay ay losyang, ngayon… ibang image.

“Nagi-Ingles, totally different sa mga roles na ginagampanan ko.

“Sabi ni Direk Connie, ‘Sylvia, gusto ko sexy ka, Sylvia, i-drop mo, Sylvia ganito-ganyan kasi bagay sa ‘yo.’  

“Si Direk ang may kagagawan nito, sa buong movie maganda ako, iniba niya talaga.

“This time gusto ko namang lumevel-up na… kaya ko ring maging sosyal, kaya ko ring magmukhang mayaman.

“Sabi ko nga, being an actor gusto kong ipakita sa inyo ang iba-ibang role na ginagampanan ko.

“Kaya ko, hindi lang losyang, puwedeng maging mayaman, puwedeng maging lalake at puwedeng maging tomboy o kung anuman.

PIN-UP MOM? Kapansin-pansin rin ang pagiiba ng pangangatawan ni Sylvia.

Ayon sa aktres, “Tumatakbo uli ako sa ULTRA kasi kailangan kong mag-lose ng another 25 pounds.

“May gagawin akong movie sa February na kailangan kong pumayat.

“At meron rin akong pinaghahandaan pang isang movie na action, sexy ang requirement.”

Papasa na siya bilang pin-up model, pero ayaw daw niya, “Huwag na. Baka iwanan ako ng asawa ko, ayaw niya. 

“Respeto ko yun sa asawa ko at sa mga anak ko, malalaki na ang mga anak ko.”

Masaya na daw si Sylvia sa mga mother roles niya.

Komento pa niya, “Kasi nagdudulot ng aral sa mga kabataan, kahit sa mga nanay.

“Saka ang sarap magbasa sa Twitter ng mga comments nila na basta si Sylvia may aral.  May ganon, positive.

“Okay na ako na maging nanay ako, hindi na ako maghahanap ng iba.

"Siguro sa tagal ko sa industriyang ito, sa edad na 27 years old naging nanay na ako ni Judy Ann Santos sa Esperanza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos at 46 naging nanay sa The Greatest Love, I guess misyon ko ito.

“Na nagdudulot ng aral sa mga bata at nakakatuwa yun.”

Hindi rin itinatanggi ni Sylvia na sa personal nilang buhay, minsan ay nagkakaroon sila ng conflict ng mga anak niya na sina Arjo at Ria Atayde, partikular sa love life ng mga ito.

“Hindi mo naman maiiwasan,” pag-amin niya, “ngayon lang naman sila nag-showbiz.”

Isa nga raw sa mahigpit niyang bilin kay Ria ay siguraduhin na ang lalaking ipapakilala nito sa kanila, bukod sa mahal siya, ay yung mahal at kasundo ang pamilya nila.

Sabi ni Sylvia, “Magkakaroon ng conflict kung hindi kasundo ng magulang, kailangan yun, e, importante.

“Pero kung hindi kasundo ng pamilya mo yung mamahalin mo, patunayan mo at patunayan ng ka-relasyon mo na karapat-dapat siyang tanggapin.”  


The cast of Mama's Girl. In theaters, January 17 ????

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN