Regine Velasquez reveals her fear about doing a comeback movie

IMAGE Noel Orsal


Nagpaliwanag si Regine Velasquez-Alcasid sa tila wala na yatang pag-asang makagawa ito ng pelikula ngayong 2018.

Ilang beses nang natatanong si Regine tungkol sa comeback niya sa paggawa ng pelikula gayong nakabalik na si Sharon Cuneta sa mainstream movie making. Tampok ang Megastar sa Unexpectedly Yours na balik-tambalan nila ni Robin Padilla at kumita ito sa takilya nang higit sa P300 million.

Lagi sa mga sagot ni Regine sa tanong ng posibleng comeback ay parang walang katiyakan kung kailan niya gustong mapanood siya ng mga tagahanga sa paggawa uli ng pelikula.

“Hindi kasi ako sure kung gusto ko pang mag-movie,” bungad na komento ni Regine.

“Kasi si Boss Vic, since last year pa, even before the recording contract happened and the concert happened he’s been trying to convince me to go back doing movies. E, ang interest ko sa recording, sa concerts.

“Sabi niya, hindi, sa movies. Ha? Parang naweirduhan ako. Di ba, dapat sa ano? Kasi para sa kanya parang automatic na yun. Kinu-convince niya ako to do movies again this year. And he wants to meet with me nga para we can talk about it.

“Pero, I don’t know. Hindi ko nga alam…hindi pa nga ako nagawa ng pelikula so, I don’t know how the people will receive it, you know.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa presscon ng upcoming concert nila nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Erik Santos ngayong February 10 sa MOA Arena na pinamagatang #Pa-MORE. Ginawa ang launch sa Seda Hotel Vertis North noong Lunes, January 8.

Hindi makapagbigay ng komento si Regine kung sino sa mga naging leading man niya sa mga nakaraan niyang pelikula ang gusto niyang makasama uli sa comeback.

Sabi niya, “Wala pa naman, it’s all hanging, pinaguusapan pa naman. Hindi ko pa rin sure kung [gusto ko]. Kasi yung soap [teleserye]...soap yun, e. Parang it’s different, it’s free. Saka yun naka-kontrata ako at kailangan kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I actually, enjoy doing soaps now. Yung pelikula iba yung demand, e.”

May takot ka ba na baka hindi mag-click ang comeback movie mo kung sakali?

“Siyempre, may ganon,” mabilis na tugon ng singer-host.

“Pero nowadays ang usong pelikula yung nililiitan nila. Hindi na yung malaking pelikula. So, nililiitan na lang nila. I suppose hindi ganon kalaki ang budget tapos..you can…parang semi-indie.

“Even the story hindi masyadong commercial. I think parang yun ang..Boss Vic wanted me to do. Kaya lang pag mga ganon, ayokong mag-drama.

“Hindi talaga ako comfortable...I mean, pag sinabi mong comedy may drama pa rin ng konti pero hindi yun ang strength ko, e.

“And even my audience or the people who watch my movies, they actually prefer and like na medyo comedy.

“Siguro puwede yung the role can be a little serious pero yung over all comedy pa rin.”

Willing ka bang makipag-compromise sa talent fee mo sa isang indie film project na gagawin mo?

“Hindi ko naman alam kung ano yung TF [talent fee] ko. So, hindi ako nakikipag-usap doon, yung manager ko.” Ang tinutukoy niya ay ang nakakababata niyang kapatid na si Cacai Velasquez-Mitra na tumatayong manager niya.

Binanggit ni Regine na nagandahan siya sa Metro Manila Film Fest 2017 entry na Ang Larawan.

“I was actually very impressed and si Joanna [Ampil, lead star ng movie] was really, really good. I was very, very impressed.”

Nang tanungin kung kaya ba niyang gawin ang ganitong tema ng pelikula, diretsahan niyang sinabi na hindi niya ito kaya.

“Parang hindi ko kaya yun,” mabilis niyang sagot.

“Baka bold lang ako, pang-bold films lang ako," pabirong sabi ni Regine.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN