The Revenger Squad grossed this amount at the box office, says Vice Ganda

Vice Ganda on Pilipinas Got Talent Season 6: "Alam mo, yung mga performances to be very honest, halos paulit-ulit na rin, e."





Ang judges ng Pilipinas Got Talent Season 6 na sina Angel Locsin, Freddie M. Garcia (FMG), at Robin Padilla ay nagpindot na ng Golden Buzzer para sa ilang contestants na nag-audition.

Sina Vice Ganda at ang dalawang hosts na sina Billy Crawford at Toni Gonzaga ang hindi pa pumipindot ng Golden Buzzer na siyang magpapadiretso ng contestants sa semi-finals.

Sa January 10 auditions na ginanap sa Tanghalang Pasigueno Caruncho sa Pasig City Hall Complex, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice Ganda kung ano ang hinahanap niya sa mga contestants para pindutin ang Golden Buzzer?

Vice Ganda: “Hindi ko alam kung ano yung hinahanap ko talaga, yung specific na nire-require ko. Siguro I just wait for the moment na talagang naapektuhan ako nung napanood ko, saka ko pipindutin yung Golden Buzzer.

Ano ang pinagkaiba ng mga contestants ngayong sixth season kumpara last year?

Vice Ganda: “Alam mo, yung mga performances, to be very honest, halos paulit-ulit na rin, e.

“Sa dami ng contest, like It’s Showtime, Pilipinas Got Talent, meron pang Little Big Shot.

“And daming programa na nagso-showcase ng iba’t-ibang talent ng mga Pilipino, so hindi maiiwasan na mayroong mauulit at mauulit na mga acts.

"Pero ang kaibahan sa season na ito, hindi lang yung mga acts yung aabangan mo, maging yung ganap ng mga judges at mga hosts.

"Together with the other judges or together with the hosts kasama yung mga contestants. Yun yung mga aabangan niyo sa season na ito.”

Hindi ba nagkakaroon ng pikunan kayong mga hurado kapag hindi kayo nagkakasundo kung pasok o hindi ang contestants?

Vice Ganda: “That’s what makes it more exciting, kapag may mga disagreements. Boring naman kasi yung yes kaming lahat or no kami.

“Magkakaiba kaming tao, maganda rin yung pagtanggap sa amin ng mga tao sa batch namin bilang mga judges last year at ngayong taon, kasi diverse ang mga judges.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May iba’t-iba kami ng karakter, iba’t-iba kaming klaseng tao na pag pinagsama-sama mo para magbigay ng kanya-kanyang opinion, mayroong star-builder, mayroong action star, may artistang babae, at may baklang komedyante.

"Kaya iba-iba talaga, kaya imposibleng magkakapare-pareho kami ng opinion, kasi nga iba-iba kaming tao, and we are so free to express our own opinions.

“Hindi kami required or hindi kami nahihiya to disagree with the other judges’ comments and opinions. At madaming nangyaring ganun sa season na ito, kaya mabibigla kayo na may malalalang disagreements na, ‘Ay hindi.’ Hindi yung basta nag-disagree lang, pero malalang talakayan at pagtatalo na naganap nitong season na ito.

“Nakaka-STRESS! Ako nga na-stress ako, e. Nandun ako nung nangyari yun, e. Napa ‘Oh My God!’ na lang ako. Pero eventually, ang ganda, ang galing, kasi ang tapang ng lahat ng judges. Yung hindi rin pagagapi sa sariling opinion! Ang galing!”

Ano ang update sa box-office performance ng kanilang 2017 Metro Manila Film Fest entry na The Revenger Squad? Ang action-comedy film niya with Pia Wurtzbach at Daniel Padilla ay pinalabas simula noong December 25, 2017.

Vice Ganda: “Yung target ko na P1 billion is on its way.

“Ang saya kasi unlike last year after the ninth day saka pa lang ako naka-P300 million. Parang ngayon after five days ay naka-P300 million na ako, mas mabilis yung kinita.

“Mas mabilis yung kita ng pelikula ko ngayon compared last year.”

Ang tinutukoy ni Vice Ganda na previous movie niya ay ang Star Cinema film niya with Coco Martin na The Super Parental Guardians. Hindi ito nakasama sa MMFF 2016 kaya ipinalabas ito noong November 30, 2016.

Vice Ganda: “After two weeks, ngayon naka-P540 million na ako [for The Revenger Squad], hindi pa kasama yung international screenings at yung mga susunod pa na linggo.

“Last year kasi, isang buong run [ng The Super Parental Guardians] kasama ang international screenings, ay P598 million lang.

“E, ngayon pa lang ay nakaka-P540 million na ako.

“Tapos bagong record na naman yung pelikula ko na ito [The Revenger Squad]. Ito yung pelikula ko na may pinakamalaking kita nung 1st day on gross, almost P80 million yung kinita ko on its 1st day.”

Masaya rin ang ABS-CBN host na nakuha ng The Revenger Squad ang award na pinili ng mga manonood at hindi ng MMFF Executive Committee at ng jury members.  

Vice Ganda: “Doon sa awards night naman nakuha ko rin yung isa sa pinakamahalagang award, yun yung People’s Choice

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Award. Napakahalagang award na yun para sa ‘kin kasi, hindi yun ang nagre-represent ng opinion ng organisasyon, ito ay nagre-represent ng opinion ng buong Pilipinas kaya siya naging People’s Choice Award.”

(Read: The Super Parental Guardians earns P598 million worldwide, according to Star Cinema)



Stories We Are Tracking

Angel Locsin reacts to ex-bf Luis not serving as host of PGT
Angel Locsin reacts to ex-bf Luis not serving as host of PGT
Here's how much MMFF 2017 grossed at the box office!
Here's how much MMFF 2017 grossed at the box office!
MMFF 2017 3-day ticket sales surpass last year's earnings
MMFF 2017 3-day ticket sales surpass last year's earnings
MMFF 2017 winners bared; Derek, Joanna win top acting honors
MMFF 2017 winners bared; Derek, Joanna win top acting honors





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN