Judy Ann on Angelica's past troubles: "Sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay, nag-mature siya."

IMAGE Noel Orsal

Judy Ann Santos on Angelica Panganiban: "Actually, baby-baby ko ito noong baby pa siya, noong little girl pa siya. Kumbaga, sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay, nag-mature siya nang bongga, but in a very nice way."

 



Hindi raw nahirapang magdesisyon sina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban na tanggapin ang pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes, na handog ng Star Cinema, Quantum Films, at The IdeaFirst Company.

Bukod sa pagsasanib-puwersa ng tatlong film at production companies, malaking factor daw para sa dalawang aktres ang magandang materyal, ang makakasama nilang cast sa pelikula, gayundin ang direktor nito na si Jun Robles Lana.

Kuwento ni Angelica, “Nung kinausap nila ako, in-explain nila sa akin yung konsepto.

“So, ako naman naaaliw naman ako, parang okay siya.

“Sabi ko. ‘Baka mayroon nang script, puwedeng makahingi, then basahin natin.’

“Nasa ika-nine page pa lang ako ng script, tumatawa na ako nang malakas.

“As in nung huling mangyari sa akin [yung ganung tuwa], sa Here Comes The Bride pa na pelikula.

“So, nakakaloka.

“Doon pa lang alam ko na kailangan kong tanggapin itong pelikulang ito.

“Then, nung tinanong ko kung sino yung makakasama, ‘Ah, sana pumayag si Ms. Judy Ann.’

“Ay, wala, eto na yun, this is it! Kahit hindi ko na basahin o tapusin yun script.

“So, ganun ako nagtiwala doon sa project, ganun ko siya nagustuhan.”

Ayon naman kay Juday, “I’m really looking for a material that would challenge me to go out of my comfort zone.

“Kasi alam naman ng lahat na I’ve been doing films na yung umiiyak. Alam na ng mga tao yung ginagawa ko talaga.

“So, tsinallenge ko yung sarili ko na 2017 should be something different.

“Yung bago man lang ako mag-forty, kailangan gumawa ako ng pelikulang hindi ko maiisip na gagawin ko.

“Yung magdadalawang-isip akong tanggapin, pero dahil maganda yung materyal, kailangan ko siyang oo-han.

“Eto yun!”

Tuwang-tuwa si Juday noong napapanood na niya ang mga eksena nila sa playback at maging sa post-production, tulad ng dubbing.

Aniya, “Napaisip ako.

“Ginawa ko talaga ito na may anak na ako, may asawa na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung lahat ng dapat ginawa ko noong dalaga ako, ngayon ko lang ito ginawa?

“Pero masaya siya kasi, e. Puwede pala yung ganun.

“The story alone, hindi siya yung bago, hindi pa lang siya nakikita ng mga tao.

“But tama si Direk Jun, nangyayari siya.”

Happy rin si Juday na muli niyang nakatrabaho si Direk Jun, na nakasama niya sa Mag-ingat Ka Sa… Kulam under Regal Films.

Ang Ang Dalawang Mrs. Reyes ay tungkol sa paglalakbay ng dalawang babae, sina Lianne (Juday) at Cindy (Angelica), na magkapareho ang apelyido at nagsanib-puwersa para habulin ang kanilang mga mister (Joross Gamboa at JC de Vera) na nagkakasala sa kanila.

Dadaan sa pagsubok ang kanilang masayang buhay kasama ang kanilang mga asawa nang malaman nila na may relasyon ang kanilang mga mister, na pareho palang bading.

Mahaharap sa maraming misadventures sina Lianne at Cindy upang mapigilan nila ang relasyon ng kanilang mga mister.

DEEPER FRIENDSHIP. Dati nang magkaibigan sina Judy Ann at Angelica, pero mas lumalim daw ang friendship nila nang magkasama sila sa Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Si Angelica nga, parang ayaw na niyang mapahiwalay kay Juday sa sobrang close nila ngayon.

“Ayoko nang matapos yung pelikula.

“Kung pwede ngang nagsu-shooting kami palagi.

“Parang grabe yung separation anxiety, baka mapadalas ako sa South, sa bahay niya. ‘Ate, dito muna ako. Patambay.’ Ganun.

“Parang di ko yata kakayanin. Kasi siyempre ang tagal naming ginawa yung movie.

“Talagang kapag nasa shooting kami, nasa isang puwesto lang kami—tambay, kuwentuhan magdamag, tsikahan.

“Parang puro kalokohan yung mga ginagawa namin.

“I believe naka-build ako ng deeper friendship yung talagang ite-treasure mo palagi, forever, ganyan,” sabi ni Angelica.

Nang hingan naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Juday, lahad niya, “Yun na yun, kung ano yung sinabi niya.

“Matagal na kaming magkaibigan nito ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, baby-baby ko ito noong baby pa siya, noong little girl pa siya.

“Kumbaga, sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay, nag-mature siya nang bongga, but in a very nice way.

"It strengthened her.

“Lahat na ng wisdom na puwedeng makuha ng kabaklaan na kay Angelica.

“Kabaklaaan encyclopedia ito, e!

“Even before, when she was a little girl, hindi talaga siya mausap na tao.

“And then she blossomed into a beautiful flower. Pero pag gabi, bumabaho. Nalalanta pag gabi,” biro ni Juday.

“Pero napaganda siya nun, napaganda yung career niya, napaganda yung tingin niya sa buhay.

“Career woman na ito ngayon and I’m so happy for her.

“Hindi man kami malalim mag-usap every time na mag-uusap kami… pag mag-uusap kami na malalim agad, pero puwede mong ikambyo ng baklaan, tapos lalalim ulit.

“Ganun kaganda yung friendship namin.”

Kaya naman masayang-masaya sila na tinanggap nila ang pelikulang ito.

Ang Ang Dalawang Mrs. Reyes ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula January 17.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN